CHAPTER 3

9.5K 280 6
                                    

Vacant time namin ni patty ngayon kaya nandito kami sa library. Tahimik kasi dito at walang mga bitch at jerk. Lahat sila takot sa libro kaya siguro puro kalandian at kayabangan lang ang naka-restore sa mga utak nila.

"Ano bang meron sa portrait na 'yan at 'di mo mabitaw-bitawan," Komento ni Patty sa family portrait na kanina ko pa hawak at pinagmamasdan. Iginuhit ko ito limang taon na ang nakararaan.

Napaka importante nito sa'kin kasi pinapaalala nito lahat ng bagay na hindi pwedeng mangyari sa buong buhay ko. "Ayoko kasing makalimutan kung saan ako nanggaling. Ito na lang din kasi ang nag-iisang bagay na nagpapaalala sa'kin na isa akong bunga ng kataksilan.

Pinagmasdan ko ang mga ngiti sa labi ng tatlong imaheng ginuhit ko. Kahit sa larawan halatang hindi sila pamilya. Ang sakit lang na kahit sa drawing pinapakitang 'di kami compatible.

"Sandy espesyal ka. Huwag mong isipin na bunga ka lang ng isang kataksilan." Malungkot ang tinig na sabi niya.

"Espesyal nga ba talaga ako patty?" Kung espesyal ako, bakit ganito ang buhay ko? "Bakit hindi ako tanggap ng mama at daddy ko?"

"Sandy,"

"Ayos lang ako patty. Tanggap ko naman na sa drawing lang kami magkakasama," Itinabi ko na ang portrait na isang oras ko na nga atang pinagmamasdan.

"Nandito lang ako sandy. Hinding hindi kita tatalikuran." Sabi niya na nagpangiti sa'kin.

"Alam ko patty," Sabi ko 'tsaka ko siya niyakap ng mahigpit. Alam kong 'di nya 'ko iiwan at napatunayan ko na 'yon.

DISMISSAL TIME na nang mapagpasyahan naming dalawa ni Patty na dumaan sa gym. Hindi na kasi namin nakakasama si Kuya Patrick pati mga kaibigan nito dahil sa page-ensayo nila para sa darating na competition.

"Hindi kaya tayo makakaabala sakanila patty?" Tanong ko rito.

"Ba't naman tayo makakaabala? Manonood lang naman tayo." Sagot nito.

Nagsisimula na ang practice nila nang pumasok kami ni Patty sa gym. Hindi pa nila kami napapansin dahil nasa paglalaro ang focus nila.

"Anung ginagawa niya dito?" Nagtatakang napatingin ako kay Patty na nakakunot na ang noo ngayon.

"Ha?" Takang tanong ko.

"Si Ark," Sinulyapan ako nito "Ba't nandito siya?" Tanong ulit niya.

Nagtatakang sinundan ko nang tingin ang tinitingnan niya. Halos mapigil ko na ang paghinga ko nang makita ko nga si Gabriel. Nakaupo ito sa isang bleacher. Pawis na pawis ito na halatang kagagaling lang sa laro. Basang basa na din ang jersey suot niya. Ang hot nya. sh*t!

"Tara lapitan natin!" Bakas ang excitement sa boses ni Patty ng hilain niya ako.

"H-Ha?" Wala sa sariling napasunod na lang ako sa panghihila niya.

Alam ko namang gwapo si Gabriel pero kailangan ba talagang kahit naliligo na ito sa pawis HOT pa rin? Sh*te naman oh! Hindi naman mainit sa stage pero pakiramdam ko namamawis na rin ako.

"Hi couz!" Bati ni patty rito nang makalapit na kami sa kaniya.

Napatingin naman samin si Gabriel. Napapikit ako. Kainis! Baka mahalata niyang namumula ang pisngi ko.

"Anung ginagawa mo dito?" Tanong ulit ni patty sa kaniya.

"Nothing." Malamig na sagot nito 'tsaka tumingin sa'kin.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa uri ng pagkakatitig niya. God! Lalo atang namula ang pisngi ko.

Napapikit ulit ako 'tsaka pasimpleng pinunasan ang namumuong pawis sa noo ko. Ang pogi kasi ng anghel-este Gabriel na 'to, eh.

"Sandy?" Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay ni patty na naman humihila sa kamay ko.

Nakaupo na pala ito. Napatingin ulit ako kay Gabriel nang maramdaman ko ang titig nito. Damn! Nakatingin talaga siya sa'kin. Napakaseryoso at napakalalim.

"Sandy, upo kana." Pukaw ulit ni Patty.

Binaling ko na lang ang tingin ko kay Patty. Pakiramdam ko kasi mapapaso ako sa uri ng titig ni Gabriel. "S-Sige..." Bumuntong hininga muna ako bago umupo sa kaliwa niya, nasa kanan naman niya si Gabriel.

Nakaupo na 'ko sa tabi niya nang punahin niya ako. "Bakit?" Kunot noong tanong ko.

Ngumiti ito ng nakakaloko "Dito ka na lang sa gitna namin ni Ark umupo."

"Patty," Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi niya ba napapansin na nanginginig na 'ko sa sobrang kaba.

"Why?" Painosente siyang tumingin sa'kin "Don't tell me naiilang ka kay Ark?" Ngumisi pa siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakatakot talaga kapag sinusumpong ng kabaliwan ang laxamana na 'to. "Fine." Napairap na lang ako 'tsaka umupo sa gitna nila ni Gabriel. Palibhasa kasi alam niyang may gusto ako sa pinsan niya.

"Better," Sabi nito sabay tawa.

Napanguso nalang ako. Kainis! Nabiktima na naman ako ni Patty.

Napasinghap ako nang mahuli ko na naman ang titig sa'kin ni Gabriel. Parang gusto ko tuloy magsisi kung bakit ko pa ito tiningnan ulit.

Nakatitigan lang kami. Walang may gustong umiwas sa'min. Walang gustong kumurap. Walang gustong magpatalo. Ang ganda ng mga mata niya at para akong nahihipnotismo ako sa lalim ng titig niya.

"Beautiful," He mouthed.

Napasinghap na naman ako. Sinabi niya ba talaga 'yon? Sh*t! bakit parang umiinit ang pisngi ko?

Bumaba ang tingin ko sa mapula pula niyang labi. Mukha itong malambot at mukhang masarap halik halikan. Sh*t nagiging pervert na ba ako? Pinagnanasahan ko na ba talaga siya? Oh god! Ano ba 'tong iniisip ko.

Napalunok ako nang bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. Sh*t ang ganda talaga ng labi niya kapag ngumingiti.

Nakagat ko na lang ang labi ko 'tsaka ulit ibinalik sa mga mata niya ang atensyon ko. Nakikita ko doon ang paghanga na bihira mo lang makikita sa isang Ark Gabriel Laxamana.

May kakaibang kislap ang mga mata niya habang nakatitig sa'kin. Parang madami itong gustong sabihin sa uri ng tingin niya.

"G-Gabriel....." Hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig. Tila nadadala ako sa ginagawa niya. Gustong gusto ko siyang halikan sh*te ako na ang malandi.

"A-hhh guys? May kasama po kayo dito hihihihi,"

Tila natauhan naman ako nang magsalita si Patty. Naramdaman ko ulit ang pag-init ng pisngi ko nang mag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Nakakahiya! Nakakahiya ang ginawa ko! Hindi dapat ako nakikipagtitigan sa kanya ng gano'n.

"Bitin, sandy?" Pang-iinis ni patty.

Nginusuan ko lang ito 'tsaka bahagyang siniko sa tagiliran "Shut up, Patty!" I hissed.

"You're blushing, sandy." Lalo akong namula sa pang-aasar niya.

Baliw talaga siya. Napailing na lang ako at pilit siyang dinedma. Iniiwasan ko na rin ang mapatitig kay gabriel at baka madala na naman ako. Damn!

The Coldhearted Beast 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon