CHAPTER 13

5.4K 98 1
                                    

MATATALIM ang mga matang hinarap ko siya. Pinunasan ko na rin ang mga luha ko, ayokong magmukhang kaawa awa sa harap niya.

"Nakaramdam ka ba nang kaluwalhatian sa ginawa mo ngayon? Masaya ka ba dahil nakapanakit ka nang mga inosenteng bata?!" Nanginginig ang mga labing singhal ko rito.

"I'm sorry. Hindi mo dapat nakita 'yon." Sabi niya na parang nakagawa lang siya ng isang maliit na kasalanan.

"Hindi mo dapat 'yun ginawa! Hindi mo dapat sila sinaktan." Galit na sigaw ko rito.

Kumunot ang noo niya. "Why? Bakit umaakto ka na parang ikaw ang sinasaktan ko?" Aniya.

"I am hurting! At kapag nakikita kitang nagkakaganyan, Doble dobleng sakit ang nararamdaman ko!" Nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita na nasasaktan ang mga mahal ko.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako "I don't get you." Napapailing na sabi niya "Hindi kita maintindihan,"

"Hindi mo ako maiintindihan dahil selfish ka." Naglakad ako palapit sa kanya. Nasasaktan ako at siguradong nakikita niya 'yon ngayon sa mga mata ko. "Sa nakikita ko ngayon. Hindi ka lang selfish, Walang puso ka pa!" Dinuro duro ko ang dibdib niya, Sa tapat ng puso niya.  "Hindi ko alam na ganyan ka pala kalala. I am so dissapointed gabriel." Dagdag ko pa kasabay nang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko.

"Sandy...." Hinawakan ako nito sa magkabilaang braso at nang mag-angat ako nang tingin sa kanya ay nakita ko ang kakaibang expression sa mga mata nito na hindi ko mapangalanan.

"What now, gabriel?" Pagod na pagod na tanong ko "Kung ganyan ka lang rin naman, mas mabuti pang wag na muna tayong magkita." Sabi ko.

Umawang ang labi nito saka sabay sabay na umiling "No..." di makapaniwalang sabi "Hindi mo magagawa sa 'kin 'yan sandy." Nakita ko ang takot sa mga mata nito.

Pilit ko namang pinatapang ang mga mukha ko. "Watch me." Madiing sabi ko sabay alis ng mga kamay niya sa magkabilaang braso ko. "You don't know me gabriel." Hindi mo alam kung ano ang kaya ko. Kaya kitang tiisin para kahit papano ay magbago ka, hindi ki man matanggal ang galit mo ngayon sa puso mo atlis pwede ko pa 'yung bawasan ngayon.

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang humakbang palayo. Napahikbi ako habang naglalakad palayo sa kanya. Ni hindi ko na rin napagtuunan nang pansin ang mga taong nababangga ko.

Alam kong maraming nagtaka sa pagsasagutan namin gabriel, This is the first time na may kinausap siyang babae in public. Malayong malayo siya kanina sa gabriel na nakikita nila noon.

"Sandy?" Nag angat ako nang tingin nang marinig ko ang pamilyar niyang boses.

Mapait akong napangiti at lalong lumakas ang hikbi ko nang lapitan niya ako at ikinulong sa mga bisig niya. "Shhh...it's ok," Bulong niya habang hinahagod ang likod ko.

Patuloy lang ako sa paghikbi. Ang sakit. Sobrang sakit pala nang ganito. Ang hirap hirap makitang ganun siya. Sobra na siyang kinakain nang galit niya, At ayokong manatili nang ganun si gabriel.

"Shhh...Hush buddy." Rinig kong bulong niya.

Napasinghot ako "Ang sakit buddy. Ang sakit sakit."

"Shhh...." Hinawakan ako nito sa magkabilang braso saka bahagyang inilayo sa kanya "What happened?" Alalang tanong niya.

Napabuntong hininga ako "Gabriel happened." Wala nang rason para maglihim pa ako sa kanya. He know's everything maliban sa iba ko pang sekreto na hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino. "Sinaktan na naman niya ang kambal."

Hinila niya ako paupo sa isang bench malapit sa pwesto namin. Dito pala ako dinala nang mga paa ko sa garden ng school.

"And then, nagpaka-superhero kana naman."

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now