CHAPTER 17

4.5K 99 1
                                    

ALAS-DOSE na nang gabi nang mapag-pasyahan kong umuwi na. Hindi na ako nagpaalam kela kuya, michael at mika dahil alam kong hindi naman nila ako papayagan. Mas mabuti na rin siguro ang ganito, kailangan kong masanay na mag-isa dahil ito ang kailangan ko.

Mag-isa akong naglakad palabas ng hotel. Nandun na rin ang kotse ko, Ito 'yong binigay nila mika na hindi ko na naibalik. Agad kong kinuha ang susi ko sa lalaking nag-drive sa 'kin kanina papunta rito, Isa ito sa mga bodyguards nila daddy.

"Hindi na po kayo mag-pa-pa-drive ma'am?" Tanong nito.

"Hindi na. Salamat." Sabi ko nalang saka dali-daling pumasok sa loob ng kotse ko saka ko ito pinaharurot palayo sa hotel na 'yun.

I need to fix everything now.

Kinuha ko ang cellphone ko gamit ang isa kong kamay saka di-nial ang numero ng taong iniligtas ko limang taon na ang nakakaraan.

Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag. "Sandy..." May saya sa tinig nito. Halatang excited sa iba-balita ko.

"We need to talk in person. Pupunta po ako diyan bukas." Seryosong sabi ko.

Saglit itong natahimik. "Is there anything wrong?" Tanong nito.

"I tell you po tomorrow." Ani ko nalang, atsaka na rin ako nag- paalam sa kanya at nag-pokus na  sa kalsada.

Alam kong delikado itong gagawin ko. Sana nga lang ay magbunga ito ng maganda. At Sana ma-itama ko na rin ang lahat.

Napa-buntong hininga nalang ako nang ligtas akong nakarating sa condominium. Lumapit ako sa naka-ngiting receptionist. 24/7 ang serbisyo nila dito kaya kumpiyansa akong ligtas kami ni lola rito.

"Goodmorning ma'am." Maaliwalas na sabi nito. Napasulyap ako sa relong pambisig ko, Ala-una na pala.

"Goodevening din." Ngumiti ako pabalik. Pagod na ako at inaantok na rin pero kailangan ko munang mag-trabaho. "May ipapakiusap lang sana ako."

"Sure po. Anu po ba 'yon?" Nakangiting tanong nito.

"Pwede bang kapag may nagtanong ng information tungkol sa 'kin ay wag ninyong ibibigay." Ani ko. Tumango naman siya. "Salamat." Sabi ko, bago ako tumalikod at umakyat papunta sa condo ko.

Agad ring bumukas ang pinto ng condo ko, pagka-press ko ng code. Madilim na pagpasok ko. Dahan dahan naman ang bawat kilos ko para hindi magising si lola.

Pagpasok ko nang kwarto ay agad na akong dumiretso ng CR at naglinis ng katawan. Pagka-bihis ko ay agad kong binuksan ang secret volt ko na nakatago sa loob ng kabinet. Maliit lang ito, pero nandito lahat ng kailangan ko. Kasama ang tatlong baril na matagal-tagal ko na ring hindi nagagamit.

This is the right time na ilabas ko ito. Gusto nilang isama kami ni sandra sa impyerno? Pwes pagbibigyan ko sila, pero hindi ko isasama si sandra. Kaming tatlo ang magsasama roon atsaka ko sila papatayin ng pa-ulit-ulit kasama ang walanghiya nilang ama.

"MAY problema ba sandy?" Natatarantang tanong ni lola nang makita niya akong ini-empake ang mga damit niya.

Tiningnan ko siya saka ko inabot ang cellphone ko. "Tawagan mo si mama lola. Gawin mo ang lahat pumunta lang siya rito." Seryosong sabi ko.

Natatarantang tumalima naman siya. Pinagpatuloy ko na ang pagliligpit ko sa mga gamit niya at nang tapos na ako ay isinama ko na ito sa labas. Napasulyap ako sa oras, 10:25 am. Mamaya-maya lang ay nandito na ang mga sundo namin. Pero hindi ako aalis hanggat wala si mama. Isasama ko siya, sa ayaw at gusto niya.

"Papunta na daw siya apo. Anu bang nangyayari?" Tanong pa nito.

"Saka ko na ipapaliwanag lola." Kinuha ko sa kamay niya ang cellphone ko. Ipinagtabi ko ang mga bag naming dalawa. Hindi ako nagdala ng maraming damit dahil isang araw lang naman ako doon. Pero si lola at mama ay iiwan ko muna doon. Masyadong delikado kung nandito sila.

"Sandy di ko talaga maintindihan." Nag-aalala ang mga mata ni lola na nakatingin sa 'kin. "Anu ba talaga ang nangyayari?" Tanong pa nito.

Bubuka pa sana ang bibig ko nang makarinig kami ng katok mula sa pintuan. Nagkatinginan muna kami ni lola bago ako lumapit don. Sumilip muna ako sa peephole bago ko iyon binuksan. Napa-buntong hininga nalang ako nang makitang si mama 'yun.

"Anung nangyayari dito?" Tanong nito saka tuloy tuloy na pumasok sa loob ng condo ko.

Hinarap nito si lola, "Ma? Anung nangyayare? Bat may mga bag dito? Aalis ba kayo?" Sunod sunod na tanong nito.

"Aalis tayo mama." Sabat ko dahilan para mapatingin ito sa 'kin.

"Ano?! At sinong nagsabing sasama ako?" Sigaw nito.

Napabuntong hininga nalang ako, saka di-nial ang numerong tumawag sa 'kin kani-kanina lang. Isa ito sa susundo sa 'min. Kilala ko na ito at masasabi kong mapagkakatiwalaan ito.

"Ron, Is everything clear and secured?" Mahinahong tanong ko. Sinadya ko talagang wag munang lumabas, baka nasa paligid lang sila Lloyd. Ayokong masundan kami. At baka mapahamak pa sila mama.

"Yes miss." Sagot nito.

Napatango ako. "Good." Tiningnan ko sila mama. "Magpadala ka nang dalawang tao dito." Dagdag ko pa.

Maya maya nga lang ay may dalawa na ngang armadong lalaki ang pumasok sa loob ng condo unit ko. "Diyos ko!" Tarantang bulalas ni lola.

Huminto ang dalawa sa harapan namin. Seryoso ang mga mukha nila at naghihintay ng i-u-utos ko. Napabuntong hininga ulit ako saka hinarap sila mama at lola. "Kailangan na nating umalis ngayon hanggat maayos pa sa labas. Wag na kayong umalma pa, magtiwala nalang kayo sa 'kin." Kalmadong sabi ko.

"Anung ibig sabihin nito sandy! Hindi ako sasama hanggat hindi mo sinasabi sa 'min kung ano ang problema!" Giit pa ni mama.

Hindi ko nalang ito pinansin. Sumasakit na ang ulo ko sa kanya. Wala akong tulog at hindi pa ako kumakain, wala na akong lakas para makipag-talo pa sa kanya.

Binitbit ko ang mga bag namin ni lola. "Umalis na tayo." Seryosong sabi ko.

"Sandy!" Inis na sigaw ni mama.

"Ma, please....kahit ngayon lang." Ani ko. Tiningnan ko ang dalawang armadong lalaking nanatili pa rin sa kanilang kinatatayuan. "Siguraduhin niyong makakalabas sila ng ligtas." Seryosong sabi ko bago ko sila iniwan doon.

Narinig ko pa ang mga reklamo ni mama bago ako makalayo doon. Napailing nalang ako atsaka tinahak ang daan pababa.

Makikita ko na naman ulit sila. Mapait akong napa-ngiti. I hope matapos na ito. Pagod na pagod na rin ako.

Hi guys!

Sorry matagal ang update ko. Busy talaga ang lola niyo eh hahahaha :) thank you guys mwa ;*

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now