CHAPTER 27

5.4K 94 2
                                    

ALAS-TRES na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ako. Actually, wala naman talaga akong balak na matulog ngayon. Sa nangyari kay buddy hindi ko lang alam kung makakatulog pa ba ako.

Napabuntong hininga ako nang sagutin ni ron ang tawag. Siya talaga ang una kong tinawagan kanina nang mahimasmasan ako. Ayoko man pero kailangan ko ang tulong niya.

"Nagawa ko na ang mga utos mo, Miss." Aniya sa malalim na tinig.

Huminga ako ng malalim. "Good." Muli kong sinulyapan ang mga pulis na nag-ro-ronda sa buong mansiyon. Madilim sa pwesto ko kaya hindi nila ako napapansin, Depende nalang kung itapat rito sa lugar ko ang mga flashlights nila. "Make sure that they will be safe ron. Wag mong hayaang may makalapit na kahit sinong tauhan nila francisco sa pamilya ko at sa pamilya ni Sandra." Sabi ko. "Bantayan mo rin sila mama at lola diyan pati ang mag-asawang Laxamana. Don't make any move without my consent. I know i am not your boss but i trust you run. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa kaligtasan nang lahat." Bumuntong hininga ako. "Alam kong hindi mo sila pababayaan."

"Miss, susundin ko ang mga utos mo kahit hindi ikaw ang amo ko dahil naging malapit ka na rin sa 'kin. Pamilya na rin ang turing ko sa 'yo." Napangiti ako sa sinabi niya. Ganon rin kasi ang nararamdaman ko. "Pero, kung may binabalak kang ikapapahamak mo ngayon ay sana wag mo nang ituloy ng mag-isa. Nandito ako Miss. I am willing to help you, sabihan mo lang ako."

Napapikit ako. "Ron," laban ko 'to. Wala dapat na madamay dito. "Please...let me clean this mess alone. Salamat sa tulong na inaalok mo pero gusto kong gawin ito ng mag-isa. I'm sorry ron. And Goodbye." Lumunok ako. "For now..." Halos pabulong kong sabi.

Pinutol ko na ang linya na nag-uugnay sa aming dalawa nang hindi inaantay ang sagot niya. Umalis na ako sa terrace ng kwarto ko at mabilis na sinuot ang aking leader jacket. Tinago ko lang ang cellphone ko sa loob ng drawer dahil hindi ko naman ito ka-kailanganin pa.

Nag-iwan ako ng sulat sa kama ko katabi ng baril at ang kutsilyong niregalo ni buddy sa 'kin. Ngayon, unti unti ko nang nasasagot ang mga tanong ko noon, kung bakit niya ako binigyan ng ganito. Siguro ay matagal na niyang alam kung ano ang mangyayari ngayon. Pero, paano? At bakit siya pa talaga? Anong plano ng mga hayop na iyon?

3:45 am, nang bumaba ako sa terrace ng kwarto ko. Sanay na ako rito dahil ito ang mga gawain ko tuwing tumatakas ako noon. Bata pa lang ako ay marami na akong natutunan dahil sa kanila ni francisco. Sa murang isip ko ay natuto na akong lumaban, maging matapang at magpanggap na walang alam sa mga nangyayari para mabuhay.

Walang ingay akong naglakad papunta sa kabilang bahagi ng pader na nakita kong walang masyadong nagbabantay. Base sa obserbasyon ko kanina ay kada-tatlong minutong nagro-ronda ang mga bantay. Sa hinuha ko ay may isang minuto lang ako para akyatin ang pader nang hindi nila mahuhuli.

Medyo mataas ang pader ng mansiyon pero hindi naman ako mahihirapan, tulad nga ng sabi ko...sanay na ako.

Luminga linga ako sa madilim na kalye nang tumalon ako mula sa taas ng pader. Walang mga pulis sa labas ng mansiyon kaya malaya akong nakapag-lakad palapit sa taxi na nakahinto sa di kalayuan.

Agad bumukas ang salamin nito sa passenger seat ng makalapit ako. Mula doon ay dumungaw ang isang driver na hindi pamilyar sa 'kin.

"Ako po ang maghahatid sa lugar na gusto ninyong puntagan ma'am." Sabi nito.

Tumango lang ako at naglakad papunta sa pinto ng backseat. Binuksan ko ito at tumigil saglit para muling sulyapan ang mansiyon. God..please make them safe while im fixing everything. Piping bulong ko.

Bumuntong hininga ako atsaka sumakay na sa taxi. Tinanguan ko ang driver para makaalis na kami agad. Baka may makahalatang wala ako sa kwarto. Nagpapa-salamat nalang ako dahil wala si kuya sa mansiyon, kung nandon lang siya paniguradong maya't maya ay sisilipin niya ako.

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now