CHAPTER 28

5.6K 97 1
                                    

NAPATAKBO agad ako sa kinaroroonan ni Gabriel nang makita ko itong bagsak sa sahig. Napakarami ng sugat niya at halos ipaligo na niya ang sariling mga dugo.

"G-Gabriel..." Nanginginig na sinapo ko ang pisngi niya atsaka ko ito inangat para magtagpo ang aming mga mata.

Nangilid ang mga luha ko pero pinigilan ko iyong bumagsak dahil alam kong may dalawang pares ng mga mata ang nakatingin sa 'min ngayon.

"S-Sandy, Anung g-ginagawa mo d-dito?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.

Napakagat labi ako. "Patawarin mo 'ko." Bulong ko sa kaniya. Kasalanan ko 'to. Dapat hindi na ako nakipag-lapit sa kaniya! Dapat noong una palang ay sinaktan ko na siya! Dapat hindi ako nagpadala sa emosyon ko. Hindi sana ito mangyayari sa kaniya. Kasalanan ko 'to.

"S-Sandy..." Hirap na bulong niya sa pangalan ko.

Nang akmang aabutin niya ang pisngi ko nang may biglang kamay ang humigit sa braso ko palayo sa kaniya. Sinubukan kong magpumiglas pero mahigpit ang hawak niya.Ngayon ay ang magkabilaang braso ko na ang hawak niya.

Masamang tingin ang pinukol niya sa 'kin. "Ginagalit mo talaga ako, Sandy!" Singhal niya.

"Bitawan mo ako diego!" Sigaw ko. Nagpumiglas ako at pinagsasampal siya pero hindi man lang siya natinag sa ginawa ko. "Bitawan mo 'ko!!" Sigaw ko pa.

"Sandy!" Pinigilan niya ako at hinuli ang dalawang kamay ko. Lumambot ang expression ng mukha niya nang titigan niya ako. "Ganito ba ang ibubungad mo sa 'kin? Don't you miss me? Kasi ako...namiss kita." Malambing niyang aniya.

Di makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. "You're unbelievable demon diego! Pagkatapos ng mga ginawa mo kasama ang demonyo mong ama at kapatid tingin mo makukuha pa kitang ma-miss?! Ni ayaw na nga kitang bumalik pa sa buhay ko! Sana hindi nalang kayo bumalik! Sana nabulok nalang kayo kung saang lupalop ng mundo kayo galing!" Sigaw ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kaniya. "Sana namatay nalang kayo para mapag-bayaran ninyo lahat ng mga kasalanang nagawa ninyo. Mga hayop kayo! Demonyo! Kaya wag na kayong magtaka kung bakit walang taong kayang mahalin kayo! Walang magmamahal sa inyo! Walang magmamahal sa 'yo! Hindi kita mamahalin---" Nagulat ako nang biglang dumapo ang kamay niya sa pisngi ko dahilan para bumagsak ako sa sahig.

Bahagyang nahilo ako sa ginawa niya. At Naramdaman kong pumutok ang gilid ng labi ko sa lakas ng sampal niya. Nangilid ang mga luha ko, Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa awa sa aking sarili. Kahit kailan napakahina ko talaga. Akala ko malakas na ako, akala kaya ko na silang harapin pero sa nangyayari sa akin ngayon parang bumaliktad ang lahat ng plano ko.

"L-Love sorry, ikaw naman kasi eh. Ginalit mo 'ko, nasaktan tuloy kita." Malambing na sabi niya atsaka umupo para makapantay ang mukha ko.

Tiningnan ko lang siya ng masama atsaka hinawi ang kamay niyang balak haplosin ang pisngi ko. "Wag mo 'kong hahawakan! Lumayo ka sa 'kin diego!" Buong lakas ko siyang tinulak. "Hayop ka! Baliw! Nandidiri ako sa 'yo! Kinamumuhian kita!" Sigaw ko sa kaniya.

Hurt plastered on his face. "You don't meant to say those things, right? Galit ka lang sa 'kin kaya mo 'yon nasasabi. You love me." Aniya. "Mahal mo 'ko sandy." Sabi niya pa na parang pinapaniwala niya lang ang sarili niya.

Umiling ako. "I never love you diego! At kahit kailan hindi kita minahal! Hindi ko mamahalin ang isang katulad mo." Gusto ko sanang sabihin na si Gabriel ang mahal ko pero alam kong hindi iyon makakabuti sa sitwasyon namin ngayon.

"S-Sandy..." Napalingon ako sa likod ko nang maramdaman ko si Gabriel. Hinawakan niya ang braso ko atsaka ako niyakap sa baywang. "A-Are you o-okay?" Nanghihina niyang tanong.

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now