Chapter 11

5.7K 131 2
                                    

Pasakay na ako ng bus paluwas ng probinsya nang biglang tumawag ang kuya ni sandy. Kumunot ang noo ko saka gumilid muna para di ako maka-abala ng iba pang pasaherong pasakay.

*Kuya Mark?* Bungad ko rito. Medyo kinabahan pa ako dahil hindi naman ito usually tumatawag sa akin. Depende nalang kung may seryosong problema.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito *Sandy. Wag ka munang lumuwas sa ngayon.* Sabi nito na lalong nagpakaba sa akin. Possible kayang? F*ck!

*Kuya....* Halos malagutan na ako ng hininga. Nanghihina ang mga tuhod ko at nanginginig ang mga kamay ko. Ito na ba ang simula nang panggugulo nila muli sa buhay namin.

*'Yun ang gusto ni sandra, sandy.* Ako na naman ang inaalala ng babaeng 'yun! Bakit ba hindi nya muna isipin ang sarili nya pati ang batang dinadala nya bago ako?! Sh*t! *She wants you to be safe.* Rinig ko pang sabi nito.

Nanlumo ako *Kamusta sya kuya? Is she ok?! 'Yung bata?! Yung mga hayop na 'yun, na saan sila?!* Sunod sunod na tanong ko. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao, ang mahalaga sa akin ngayun ay ang makibalita sa kalagayan ni sandra.

*Sandy, Calm down.* Mahinahong sabi nito.

Huminga ako nang malalim saka pilit pinapakalma ang sarili ko. Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa hintayan ng taxi. I need to do something!

*Anu bang nangyari kuya?!*

Narinig ko ulit ang pagbuntong hininga nito "Muntik na syang dukutin kanina, mabuti nalang alerto ang mga taong nagbabantay sakanya.* Kinabahan ako *Wag mo nang alalahanin ang kapatid ko. I'll take care of her.* Napahinga ako ng maluwag. Alam kong mababantayan nya si sandra. Kuya mark is a General of the policeman after all. Malakas din ang koneksyon nito pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag alala sa kalagayan ni sandra *Ang alalahanin mo ngayon ay ang kalagayan mo. Pinapasabi rin pala ni sandra na mag-ingat ka. Hindi ko muna sya pinapagamitan ng cellphone O telepono. Ayokong makontak sya ng kung sino man sa dalawa. Delikado ang kalagayan nya ngayon. Pati ikaw, You need to be extra careful."

Tumango ako kahit di nya naman nakikita *Iingatan ko po ang sarili ko kuya. Please, Ingatan at protektahan nyo po si sandra.....I will fix this problem as soon as possible.*

*Tutulong ako at ang buong tao ko sandy. Poprotektahan namin kayo ni sandra. I promise.*

No. Ako ang haharap nito. Ayokong may madamay pang ibang tao. Ako ang nagsimula nang lahat at ako rin ang tatapos nito "Salamat kuya,* Pero hindi ko kayo pwedeng idamay pa *Uuwi na po ako.* Wala sa sariling paalam ko rito.

*Mag-ingat ka sandy. Bye!*

Agad na akong sumakay ng taxi pagkaputol nito ng tawag. Hindi pa ako ngayon kikilos kailangan ko nang plano. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos ng desisyon, maraming mahal ko sa buhay ang mapapahamak.

Wala akong imik buong byahe. Iniisip kong mabuti kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Andito na po tayo ma'am." Rinig kong sabi ng driver.

Tumango ako saka inabot ang bayad. Bumaba na ako ng taxi at pinakatitigan ang gusali kung na saan ang condo unit ko. Sa una palang hindi na dapat ako tumira rito. Sa una palang hindi na dapat ako pumasok sa buhay ng pamilya ni daddy. Kung hindi sana ako naging tanga noon marahil ay hindi ito nangyayari sa akin.

INIS NA binaba ko na lamang ang phone ko. Kanina ko pa kinokontak ang unknown number na nagtxt sa akin noong araw ng birthday ko, pero hindi ko na ito makontak. Marahil ay nagpalit na ito ng numero. Leche talaga!!

Ang hayop na 'yun! Napaka-tuso pa rin hanggang ngayon. Napailing na lamang ako. Kapag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon, malalamangan ko rin sya.

Nanginginig pa ako sa galit nang marinig kong tumunog ang doorbell. Napabuntong hininga na lamang ako saka tumayo at binuksan ang pinto.

Tumingin ako sa kaliwa at kanan ng hallway sa labas ng condo ko pero wala akong makita ni isang tao. Pero Sino ang kumatok?

Nagtatakang muli kong isinara ang pinto. Baka may nakapindot lang.

Napatingin ako sa mga regalo ko na iyong iba ay hindi ko pa nabubuksan. Nabuksan ko na iyong regalo ni patty sa 'kin, Isang sketch pad na mukhang binili nya pa sa ibang bansa. Laptop naman ang regalo ni kuya gilbert. Napailing nalang ako nang maalala ko ang regalo ng kambal, Isang set ng make-up at mga mamahaling dress na sa tingin ko ay hindi ko naman magagamit. By the way,Isang sketch pad din pala ang regalo ni kuya patrick sa 'kin kaya nga nagkaroon ng world war 3 sa kanilang dalawa ni patty dahil gaya-gaya daw ang isa. Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa.

Kinuha ko  na ang mga regalong di ko pa nabubuksan pwera nalang ang kay kuya daniel, Sigurado kasing di na naman 'yun ka-aya aya.

Napangiti ako nang buksan ko ang regalo ni sandra, isang simple pero magandang bracelet. Kamusta na kaya sya? Sana ayos lang sya.

Sunod ko namang binuksan ay ang regalo ni gabriel, Isang bracelet din na may naka-engrave na pangalan naming dalawa. Lalong lumapad ang ngiti ko nang gumuhit sa alaala ko ang maamo nyang mukha. Sana mahalin nya pa rin ako kapag nalaman nyang parte ako ng pamilyang kinamumuhian nya. Napabuntong hininga nalang ako saka pinagpatuloy ang pagbubukas ng regalo. Dalawa nalang ang natitira, ang regalo ni buddy saka yung regalo nila mika at michael.

Una kong binuksan ang regalo nila mika, binasa ko muna ang isang maliit na card na nakadikit doon.

HAPPY BIRTHDAY ATE SANDY!
Sana magustuhan mo ang regalo naming tatlo ni daddy at michael.
               ---love mika :)

Kumabog ang dibdib ko nang mabasa ang letter ni mika. Si daddy magbibigay ng regalo? Impossible. Baka sinaling pusa lang sya ni mika. Naiiling nalang akong binuksan ang maliit na kahong regalo nila.

"W-What the...." Mas lalo naman akong nagulat ng i-angat ko sa ere ang isang susi ng kotse. Putsa! Totoo ba ito? Talagang may kotse na ako? Sh*t!

Napakurap pa ako para maka-sigurado at hindi ako namamalikmata pero sh*t! It's true.....susi nga ito ng kotse.

Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil matagal ko na itong ginusto kaya lang ay na-alala kong hindi nga pala ako dapat tumanggap ng ganitong klaseng regalo mula kela daddy---Oo! Naniniwala na akong kasama rito si daddy dahil impossible namang makabili sila mika at michael ng kotse without the consent of their parents.


"Gustuhin ko man ito....hindi ko naman matatanggap." Malungkot na wika ko habang naka-tingin sa hawak kong susi ng kotse "Hindi pwede at hindi tama," Wika ko pa sa sarili.

Muli akong napabuntong hininga saka dahan dahang ibinalik ang susi sa maliit na kahon nito. Ibabalik ko nalang ito bukas.

Tiningnan ko naman ang regalo ni buddy. Nawalan man ako ng gana ay tinuloy ko pa rin ang pagbukas nito, baka kasi magtampo 'yun.


Ine-expect ko na kwintas ito dahil sa klase ng kahon. Mga nasa 5 inches ata ang haba nun na may lapad na 4 inches.

"O-Oh my g-gosh....." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang laman ng kahong regalo ni buddy.

Nanginginig na kinuha ko ito. Hindi kwintas ang laman ng kahon kundi maliit na kutsilyo, Iyong tinutupi. Hindi ko alam kung anong tawag dito pero alam kong kutsilyo ito. Pero bakit ako bibigyan ni buddy nito? Para saan?


Kumunot ang noo ko. Anung iniisip mo buddy? Bakit mo ako binigyan nito?

******
HAAY.....GUSTO KO NANG TAPUSIN 'TO HAHAXD. HINDI BUMENTA 'TO SAINYO. KAKA-SAD :(

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now