CHAPTER 4

8.9K 231 4
                                    

"Happy birthday sandy!"


Napangiti ako nang bumungad sakin ang masayahing si patty nang buksan ko ang pinto ng condo ko.



"Thank you patty," Sabi ko rito saka ko sya hinila at niyakap.




"You're welcome,"



Dumiretso na kaming dalawa sa kusina para ibaba lahat ng dala nya. Sya na rin ang magluluto para mamaya. Taon Taon tuwing birthday ko, Ganito ang ginagawa namin. Si patty ang magluluto habang ako naman ay maghihintay sa mga darating kong bisita which is sila kuya patrick lang at mga barkada nyang napalapit na rin sakin.




"Anung oras daw sila pupunta dito patty?" Tukoy ko kela kuya patrick at sa mga barkada nito.




"Around 6 pm," Ibinaba na muna nito sa mesa lahat ng dala nya bago ako hinarap "Nga pala sandy pinapasabi pala nila mommy at daddy na bukas na daw sila makakapunta dito. May bussiness meeting daw kasi sila sa baguio," Nakangusong sabi nito.





Natawa nalang ako. Knowing patty. She always want her parents to attend my mini birthday party. Gusto nya kasing maramdaman ko daw na may pamilya ako.




"Ayos lang patty," Nakangiting sabi ko.




Umismid ito "Bussiness! Parati nalang bussiness! Nakakainis na talaga sila sandy!" Pagmamaktok nito.




"Angkan kayo ng laxamana patty. Natural lang na busy ang parents mo," Laxamana is one of the most powerful family in the bussiness world. Buong mundo kilala ang pamilya nila.





"Yeah. Watever!" Umirap nalang ito.




"Don't tell magluluto kana?" kunot noong tanong ko nang ipaglabas na nito mula sa plastic ang mga binili nya.




"Yeah," Simpleng sagot nito.




"Pero maaga pa,"



"Marami akong lulutuin ngayun sandy. Mas Lumalakas na kasing kumain yung anim eh," Natatawang sabi nito.



Napailing nalang ako. Mas excited pa sya kesa sakin.




Sila mama at daddy kaya naalalang birthday ko ngayun? Miss na Miss ko na sila.



"Iniisip mo na naman ba sila sandy?" Biglang tanong ni patty na tila basang basa nito ang iniisip ko "You know what sandy?! 'yang parents mo ang pinakamalalang magulang na nakilala ko!" Inis na sabi nito.



Napabuntong hininga muna ako "Hindi naman ganun kalala patty. Kung hindi dahil sakanila siguro wala ako dito,"



Natawa ito. 'Yung tawang ayaw na ayaw kong marinig mula sakanya. Mukha kasi syang mahina kapag naririnig ko yun at pakiramdam ko lahat ng problema ko pinapasan nya.




"Hindi ganun kalala? Ha-Ha patawa ka sandy!" Napayuko nalang ako. Nice! Nasira ko ang mood nya. It's my birthday! Pero ako pa mismo ang sumira sa mood "Matino ba 'yung ipamigay at pabayaan ka ng nanay mo?! Matino ba 'yung sinusustentuhan ka nga ng daddy mo kahihiyan at basura naman ang tingin sayo! Pucha! May mas lalala pa ba dun para sayo sandy?!" Tama lahat ng sinabi nya. Bawat salitang lumalabas sa bibig nya, Doble doble ang impact nun sakin.




"Magulang ko pa rin sila patty," halos pabulong ng sabi ko.




"Alam ko naman eh," Bumuntong hininga ito "Naiinis lang naman ako kasi hindi ka nila pinapahalagahan."




The Coldhearted Beast 💯Место, где живут истории. Откройте их для себя