CHAPTER 2

10.7K 254 1
                                    

Gabi na nang maisipan kong umakyat ng condo. Binili ito ni daddy sakin dahil hindi naman ako pwede sa bahay nya. Hindi rin pwedeng malaman ng lahat na may anak sya sa labas dahil mula nang una nya palang akong makita alam kong ikinakahiya nya na ako.





Ganito na talaga siguro ang kapalaran ko. Maging isang kahihiyan sa daddy ko at isang basura naman sa mama ko. Ni hindi ko na nga alam kung saan ang mas masakit dun. Nagiging manhid na nga ata talaga ako habang tumatagal.






Nagpahinga muna ako saglit bago ako nagtake ng shower. Nakasanayan ko na itong maligo tuwing gabi. Ayoko kasi 'yung feeling na nanlalagkit ako pagkagising kinabukasan.








"SANDY pizza na naman ba ang kinain mong dinner kagabi?" Tanong ni patty nang minsan itong dumalaw sakin sa condo.




Sabado ngayun kaya nandito sya. Nang tanungin ko naman kung wala ba syang gagawin ay tanging kibit balikat lang ang sinagot nya. Magulo din talagang kausap ang isang laxamana.




"Tinatamad akong magluto kaya nagpadeliver nalang ako," Walang ganang sagot ko rito.





"Kahit kailan ka talagang babae ka! Kung tinatamad kang magluto edi sana pumunta ka nalang sa bahay namin at dun kumain!" Inis na bulyaw nito sakin.




"Patty naman, Ke aga aga nanenermon ka na naman." Ganting bulyaw ko rito.






"Naku! Tigil tigilan mo 'ko sandy at baka di kita matantiya dyan! Ke aga aga pinapataas mo ang BP ko,"






Nanahimik nalang ako. Kilalang kilala ko 'tong si patty nakakatakot 'to kung magalit, Walang sinasanto. Ayoko namang sapakin nito kaya shut up nalang ako.



Si patty na ang nagluto ng lunch. Tutulungan ko sana sya nang pagbawalan nya 'ko. She still pissed kaya hinayaan ko nalang. I'm sure maya maya lang ay mawawala na ang galit nito.




"You should eat healthy foods sandy! Look at you! Mukha ka nang kalansay," Ani nito.





Napairap ako "I'm eating healthy foods patty saka hindi naman ako mukhang kalansay. Ang sexy ko kaya,"





"Tss. Yabang!" Ismid nito.




"Atlis may ipagyayabang ako." Nakangising sagot ko.




Napairap naman ito at lalong napaismid. Napaka-pikon talaga ng babaeng 'to.




"Nga pala, i heard about the art competition. Sasali ka ba?" Tanong nito.





"No." Nagiwas ako ng tingin saka ipinagpatuloy ang pagkain ko.




Art competion? Kung pwede lang siguro baka nakasali na 'ko. Ilang beses lang ba akong nakasali sa contest na ganun? 2?4?6? Hindi ko na maalala sa sobrang tagal na.





"But why?" Nagtatakang tanong nito.





"Special guest si daddy dun,"




Napabuntong hininga ito "Alam mo sandy sumosobra na 'yang daddy mo. Kapag ako di nakapagtimpi, Papabagsakin ko talaga 'yang company nya nang magamit ko man lang ang pagiging laxamana ko,"




Hindi ko sya sinagot. Naiintindihan ko naman kasi sya. Mula pagkabata kami na ang magkasama kaya pati siguro ang problema ko sa pamilya naaapektuhan sya. Minsan nga ay iiyak pa ito sa harapan ko at Ilalabas lahat ng hinanakit sa daddy at mama ko na dapat ako ang gumagawa.





Ang swerte swerte ko kay patty pero napakamalas naman nya sakin dahil puro nalang problema ang binibigay ko sakanya. Hindi kaya napaka unfair nun para sakanya?





Napabuntong hininga ako. Oo napaka unfair nga nun.





"But you know what sandy?" Nag angat ako ng tingin ng muli itong magsalita.




Kumunot ang noo ko "What is it?"





"It's about ark my cousin..."




Napatuwid ako nang upo ng marinig ko ang pangalan nya. Hindi ko alam kung saan ako nagsimulang macurious sa buhay nya. Ang alam ko lang ay nagising nalang ako na gusto kong alamin at kilalanin kung sino nga ba talaga si ark gabriel laxamana.





"What about him?"



"Ark will come on your birthday," Nakangising sagot nito.





"W-What?" Gulat na sabi ko. Pupunta 'yun sa birthday ko? Oh come on!




"I talk to him at tinanong ko kung gusto nya bang pumunta sa birthday mo and surprisingly he said yes,"





Omg! Kung pupunta nga sya. I'm sure magiging masaya ako pero kahit nag-yes sya kay patty, Ayoko pa ring umasa. Knowing gabriel ilag 'yun sa mga tao. Impossible namang pumunta 'yun sa birthday ko, Sino ba ako para pag-aksayahan nya ng oras. Kadugo nya nga nilalayuan nya ako pa kaya na bestfriend lang ng pinsan nya.







I sighed. Itutuloy ko na sana ang pagkain ko nang may bigla akong maalala.




"Katulad pa rin ba ng dati?" Tanong ko.




Napatango naman sya "Yup. Dito pa rin naman sa condo mo. Same visitors lang din, " Sabi nito.




Napatango nalang rin ako. Mukhang planadong planado na naman ni patty ang birthday ko. Kahit kailan talaga mas mukha pa syang excited kesa sakin. Sa totoo lang ayaw ko naman talagang mag-celebrate ng birthday. Si patty lang talaga ang nagpupumilit na mag-celebrate kami.



Sa tuwing birthday ko. Si patty ang parating nag-aarrange, nagmumukha na nga syang nanay ko sa sobrang abala tuwing birthday ko. Mga kakilala lang rin naman namin ang iniinvite nya. Si kuya patrick and his friends, Minsan naman ay nakikicelebrate din samin ang parents ni patty kung di sila busy. Nakakatuwa nga dahil para akong nakakita ng pangalawang pamilya sakanila. They care for me di tulad ng mama at daddy ko. Ni hindi man lang ako binabati ng mga ito sa tuwing birthday ko O may special occasion like christmas and new year. Wala talaga akong halaga sa kanila.


I sighed once again......




GABI na nang nakauwi si patty dahil dito pa ito nagdinner. Kung hindi pa siguro tumawag si kuya patrick baka dito pa 'yon natulog.





Napailing nalang ako sa kakulitan ng bestfriend ko. Oo minsan napakasungit nya pero nagsusungit lang naman sya kapag may ginawa akong ayaw nya. She's sweet, brat and a certified laxamana.




Si Gabriel. Isa rin syang laxamana at pinakabatang C.E.O sa kumpanyang iniwan ng parents nya sakanya. Mahirap din siguro ang pinagdaanan nya sa buhay kaya ganyan sya katigas ngayun. Hindi kaya sya nahihirapang ipagsabay ang pag aaral at ang pagiging C.E.O nya? Kaklase ko sya sa tatlong subject pero ni minsan ay di kami nagkaroon ng pagkakataong mag usap. He always keep distance to everyone.





Pagod na tinapos ko na ang paglilinis ko sa mga kalat namin ni patty. Kung ano ano pa kasing pinanggagawa namin kaya parang na-dissaster 'tong condo ko.

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now