CHAPTER 12

5.6K 129 3
                                    

KUMUNOT ANG noo ko nang mapansin ko ang pagtataka sa mga titig ni patty sa 'kin.

"Kanina ka pa ganyan patty. May gusto ka bang sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Di ba uuwi ka sa probinsya ninyo?" Takang tanong nya.

Sabi ko na nga ba't magtatanong sya. Mabuti nalang at may naka-handa akong palusot para dyan. "Tumawag kasi si mama. Wag daw muna akong tumuloy." Naka-labing sabi ko.

Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin ang kalagayan namin ni sandra ngayon. Tama na 'yung alam nya kung saang pamilya ako nabibilang. Ayoko nang madamay pa sya. Sila.

"Ganun ba?" Tumatangong sabi nya.

Tumango lang rin ako saka nag iwas ng tingin. Nandito kami ngayon sa canteen para kumain. Nagutom kasi kami sa panonood ng graduation practice nang anim. Oo, Ga-Graduate na sila. Mabuti pa nga sila eh, magtatapos na samantalang kami ni patty....isang taon pa.

"Sandy sila mika oh," Sinundan ko ng tingin ang naka-duro nyang kamay.

Napangiti ako nang kumaway si mika sa 'kin. Napa-ayos naman ako nang upo nang maglakad ang dalawa palapit sa pwesto namin.

"Sana lang hindi sila makita ni ark rito," Bulong ni patty.

Tiningnan ko sya ng masama "Wag kang maingay." Bawal ko sa kanya.

"Watever." Pairap na sabi nya saka ngumiti na rin kela mika at michael nang makalapit na ang mga ito sa pwesto namin "Hi guys!" Masiglang bati nya sa kambal.

Ngumiti naman sa kanya ang dalawa "Hi ate patty." Bati ni mika sa kanya.

"Bat kayo nandito? Di ba't sinabihan ko na kayo na wag kayong pupunta rito?" Sabi ko. Baka kasi makita na naman sila ni ark. Ayokong masaktan na naman ang mga kapatid ko dahil sa taong mahal ko.

"Ito kasing si mika ate mapilit." Sumbong ni michael.

Inirapan lang ito ni mika saka nakangiting humarap sa 'kin "Ate next week na kasi ang uwi ni kuya zandro, punta ka ha?"

Napangiti na rin ako "Oo naman," Saka nangako ako kay kuya na pupunta ako sa birthday party nya kapag nakauwi na sya.

"Nga pala ate...." Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pag aalinlangan sa mga mata ni mika.

Sinulyapan ko muna si michael bago ko pinagtuunan ng pansin si mika. Sa kanilang dalawa, Itong si mika ang palasalita. Samantalang, Si michael naman ang pinaka-tahimik at malihim.

"Anu ba 'yon mika?" Kunot noong tanong ko.

"A-Ah kasi...." Napa-kagat labi ito saka yumuko.

Napabuntong hininga nalang ako saka muling bumaling kay michael nang mahuli kong siniko ito ni mika. "Anu ba 'yong sinasabi ni mika michael?" Lipat tanong ko rito.

Matagal itong naka-sagot. Tila nagdadalawang isip din kung magsasalita pa ba ito O hindi. Kinabahan ako. Mukhang hindi lang simpleng bagay ang gustong sabihin ng mga kapatid ko.

"Sabihin nyo na sa 'kin." Mahinang wika ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng dalawa saka sila nagkatinginan.

"May gusto sana kaming hilingin sa 'yo ate." Si michael na ang sumagot.

Kumunot lalo ang noo ko "Anu 'yon?"

"Pwede mo bang isama sa party si......" Tumigil muna sya saglit saka huminga ng malalim "....Ate sandra?" Pagpapatuloy nya.

Napatigil ako sa sinabi ni michael. "Ex 'yon ng kuya niyo diba?" Rinig kong tanong ni patty.

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now