CHAPTER 22

4.7K 96 0
                                    

NAGISING ako sa isang pamilyar na kwarto. Kumurap-kurap pa ako para masanay ang mga mata ko sa liwanag galing sa bombilya.

Pumikit ako at pilit inalala kung ano ang nangyari sa 'kin at kung bakit nandito ako. I feel so sick and weak at the same time. At doon ko lang naalala na nasaksak pala ako.

Agad kong dinala ang kaliwang kamay ko sa aking sugat. Ramdam na ramdam ko pa ang sakit nun. And then, I remember that...I almost die because of this. Sh*t!

Napahawak ako sa noo ko atsaka huminga ng malalim. Sa wari ko ay hindi na bago ang sugat ko. Kaya ibig sabihin ay hindi lang oras ang tulog ko kundi araw! Oh God! Anu bang katangahan ito? Bakit kung kailan, kailangan kong maging malakas ay ngayon pa ito nangyari. Paano ako kikilos ngayon sa kalagayan ko? Hindi pwedeng tumunganga lang ako. This is sh*t! Really...sh*t!

Napatingin ako sa may pintuan nang marinig kong bumukas ito. At mula doon ay pumasok si lola na agad lumiwanag ang mukha ng makita akong gising na.

"Apo!" Naluluhang lumapit ito sa akin atsaka hinawakan ang kamay ko. "Nag-alala ako sayo...kamusta kana? May masakit ba sayo?" Alalang tanong niya.

Pilit akong ngumiti. "Ayos na ako lola..." Sabi ko.

Napangiwi ako nang subukan kong umupo. Kumikirot pa ang sugat ko. "Dahan dahan lang sandy..." Sabi niya habang inaalalayan ako.

Sumandal ako sa headboard ng kama at mariing pumikit. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi dapat nangyari ito sa 'kin kung nag ingat lang ako.

"Uminom ka muna ng tubig sandy." Aniya. Siya na mismo ang nagtapat ng baso sa 'king labi para hindi ako mahirapan.

Tiningnan ko siya. "Si mama lola?" Tanong ko.

Naalala ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang masaksak ako.At nakita ko siyang umiyak nang dahil sa nangyari. That time...I felt her. Pakiramdam ko ay bumalik na ang mama ko.

"Kausap ang matandang laxamana." Seryosong sabi niya.

Napatango ako. "Nagkita na pala sila..." buti naman at hindi na ako mahihirapan. Siguradong ipinaliwanag na ni tito ang lahat kay mama at sana ay makinig siya rito. Ayokong mapahamak siya sa mga kamay ni francisco.

The Coldhearted Beast 💯Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz