CHAPTER 10

6K 142 0
                                    

NAG-AAYOS na ako ng gamit na dadalhin ko paluwas ng probinsya nang marinig kong tumunog ang doorbell.

Wala naman akong ineexpect na bisita ah. Sino kaya ito?

Naguguluhan man ay binuksan ko pa rin ang pinto. Kaka-press ko palang ng OPEN button nang bigla itong bumukas at mula doon ay pumasok ang dalawang taong diko inaasahang makakapunta ngayon.


"Ate sandya!" Sabay na sigaw nila saka ako dinamba ng yakap.


Napangiti ako nang magsink in sa utak ko lahat. Totoong nandito nga sila. Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha. Nakakatuwa kasing makita ang mga........kapatid ko.

Sobra ko silang namiss.

"Belated happy birthday ate sandy!" Magiliw na bati ng kambal nang putulin ng mga 'to ang pagkakayakap sakin.


"Salamat." Nakangiting sabi ko "Mabuti nakapunta kayo ngayon." Hindi kasi ito pinapayagan ni tita helen. Ang mommy nila at legal na asawa ni daddy.

"Syempre ate. Pwede ka ba naman naming hindi batiin ng personal." Sagot ni Michael ng nakangiti.


"Oo nga naman ate. Saka sabi ni kuya zandro, puntahan ka daw namin ngayon para di ka malungkot." Sagot naman ni Mika.


Napangiti ako "Asus. Ang sweet sweet nyo talaga." Natutuwang pinanggigilan ko ang mga pisngi nila. Todo aray at reklamo naman sila sa ginawa ko.

"Aray ate!" Reklamo nila saka sumimangot.

Napahagalpak nalang ako ng tawa saka sila inakbayan "Pasensya na ha? Natuwa lang talaga ako at nandito kayo ngayon."

"Pasalamat ka ate birthday mo ngayon." Nakasimangot na sabi ni mika habang hinahimas ang pisngi na kinurot ko.

Tumawa lang ako "Halina nga kayo sa kusina. Baka mamaya di ako mapagpigil at pati mga singit ninyo pagkukurutin ko rin." Biro ko.

"Ate naman!" Lalo silang napasimangot. Ayaw na ayaw pa naman nila 'yon.

"Biro lang...." Natatawang sabi ko.

Natatawang hinila ko nalang sila sa kusina. May mga natira pa namang pagkain kagabi, Iinitin ko nalang para matikman din nila.

"Buti pinayagan kayong pumunta rito." Tanong ko habang nag-iinit ng mga pagkain.

Nagkatinginan naman ang mga ito dahilan para kumunot ang noo ko.

"Don't tell me tumakas kayo?"

"Hindi ate." Agad na sagot ni Michael.

Napabuntong hininga ako "Alam ba nilang nandito kayo?" Baka mamaya sumugod dito ang mommy nila at pagalitan ako.


"Ate kasi...." Hindi na natuloy ni Mika ang sasabihin ng may tumikhim mula sa pintuan ng kusina.


"Ako ang kasama nila." Sabi nito.

Napatanga ako. Ito ang kahuli huling taong naiisip kong tatapak dito sa condo ko.  "Tita helen....."


"Nandito ako kasi hiniling ng mga anak ko." Seryosong sabi nito.

Napalunok ako. Sobra akong kinakabahan kapag sya ang kaharap ko. Makikita mo kasi sa mukha nito ang tapang at katarayan. Nakakatakot din ang mga mata nito kung tapunan ka nang tingin, para kang kakainin ng buhay.


Kaya nga mula ng makilala ko ito ay todo pag iwas na ang ginawa ko. Minsan na rin kasi ako nito sinigawan, sinungitan, nilait at sinaktan gamit ang masasakit na salita.

"Ate mainit na ata ang pinapainit mo." Naalala ko lang na may pinapainit pala ako ng kalabitin ako ng inosenteng si Mika.

"Sorry," Hinging paumanhin ko sa pagkawala ko sa huwisyo..


"Mukhang may pupuntahan ka ngayon?" Kalmadong tanong ng ginang.

Nang muli ko syang tingnan ay nahuli ko itong nakatingin sa dalawang paper bag na may lamang mga tirang pagkain kagabi.

"Hmmm....Balak ko lang po 'yang ihatid sa isang kaibigan." Pagsisinungaling ko. Ang totoo ay sa pamilya 'yan ni sandy at sa mama at lola ko.

Tumango lang ito saka umupo sa isang silya, Kaharap nina michael at mika.


"Alam mo mommy parati kaming tinutulungan ni ate sandy sa school. Kapag may lesson kaming di maintindihan tinuturuan nya kami." Rinig kong sabi ni mika sa ina.

Napangiti nalang ako. Totoo ang sinasabi nya. Isang text lang nila sakin ay pupuntahan ko kagad sila para turuan.

"That's good to hear, sweety." Malambing na tugon naman ni tita helen.


Nakangiting inihain ko sa mesa ang mga pagkain pinainit ko. Pati ang natirang kakanin ay sinerve ko rin sakanila. "Kain na kayo. Pasensya na at 'yan lang ang maooffer ko sainyo, di ko kasi alam na darating kayo."

"No problem ate." Sagot ni michael.

"SALAMAT sa pagpayag na pumunta rito sila michael tita," sabi ko rito nang mauna nang lumabas sila michael at mika.


"Tingin mo sandy, Bakit ako pumayag na makipagkita ang mga anak ko sa kapatid nila sa labas?" Walang emosyong sabi nito.

Napayuko ako. Ramdam na ramdam ko ang galit nito sa 'kin. Hindi ko naman din sya masisisi dahil ako ang dahilan ng muntikan na nilang paghihiwalay ni daddy limang taon na ang nakakaraan.


"Sandy. Alam mo bang pilit kong itinatatak sa isipan ko na wala ka namang kinalaman sa lahat ng ito? At kapag ginagawa ko 'yun ang mga anak ko ang iniisip ko, dahil nakikita kong minahal ka na nila." Nag angat ako ng tingin dito. Lungkot at pagkamuhi ang nakikita ko sa naluluha nyang mga mata  "Pero paano kita lubusang matatanggap kung ang pagtataksil sakin ng asawa ko at ng malandi mong nanay ang nakikita ko! Alam mo bang mas nasasaktan ako kapag nakikita ko kung gaano ka kalapit sa mga anak ko? Hindi ko akalaing mamahalin ka nila ng ganun kadali." Mahinang sabi nito.



"I'm sorry tita...." Kasalanan ko lahat. Kung hindi ako nabuhay baka maayos ang lahat. Kung sana hindi ako pumayag kay mama noon na puntahan si daddy marahil ay maayos pa ang buhay nila. Ako ang gumulo sa lahat. Ako ang may kasalanan sa lahat. Ako lang dapat ang masaktan, hindi ang mga taong mahal ko "Sana dumating ang araw na mapatawad nyo ako ng buong buo." Sabi ko rito.


Basa sa luhang tumango lang ito at nagpaalam nang umalis. Kahit papaano ay masaya na akong malaman na sinusubukan nya akong mapatawad.



Kailangan ko lang lakasan ang loob ko para sa pamilya ko. Sa mga oras na ito ay nabuo ang isang desisyon na alam kong makakabuti sa lahat.


Gagawin ko ang lahat para sa mga taong mahal ko kahit kapalit man nun ay ang buhay ko.


Lilinisin ko ang pangalan ng pamilya ni daddy sa mga laxamana. Ibabalik ko sa dati ang samahan ng dalawang pamilyang sinira ng mga demonyo na 'yon.


Kailangan kong iligtas ang mga taong nailagay ko sa peligro ang buhay.



******
HELLO THERE! MUSTA DREAMERS? YEAH! ALAM KONG WALA NAMANG NAGBABASA NITO. ASSUMING LANG TALAGA AKO HEHE....BYE!

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now