CHAPTER 29

5.6K 102 2
                                    

NAGISING ako sa sigaw ni Sandra at nang magmulat ako nang mga mata ay biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Gabriel at kuya na kapwa hawak ang leeg ng isa't isa.

"Sandra!" Agad ako lumapit sa kaniya atsaka siya nilayo sa dalawa. Baka mapano pa siya at ang batang dinadala niya. "Anong nangyari?" Natatarantang tanong ko.

"H-Hindi ko alam. Basta nagising nalang ako na nag-aaway na sila." Bakas ang takot sa mga mata at boses niya.

Napahilamos muna ako ng mukha gamit ang dalawang kamay ko bago ako lumapit sa dalawa at pilit silang pinaghiwalay. "Ano ba?! Tumigil nga kayo!" Sigaw ko atsaka sila pinaghiwalay.

Kapwa hinihingal ang dalawa nang maghiwalay at masama ang titig sa isa't isa. "Hindi ba kayo titigil?! Huh?! Nasa delikadong sitwasyon na nga tayo, Ganyan pa kayo umasta! Para kayong mga bata! Nakatulog lang ako nagpa-patayan na kayo!" Sigaw ko. "Hindi kayo ang magkaaway! Hindi dapat kayo ang nagsasakitan." Hinarap ko si Gabriel. "At ikaw naman! Hindi ka pa nga magaling nakikipag-away kana. Dapat ay iniipon mo 'yang lakas mo para mabuhay at maka-ligtas ka rito." Mahinahon kong sabi sa kaniya.

"Napaka-kitid kasi ng utak." Kuya hissed.

Napatingin ako sa kaniya. "Kuya naman!" Pigil ko.

"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah! Makitid naman talaga ang utak niya. At hindi marunong umintindi!"

"Anong sabi mo?!" Singhal ni Gabriel at nang akmang susugod na naman ito kay kuya nang itulak ko siya palayo. "Kinakampihan mo 'yan?" Di makapaniwalang tumingin siya sa 'kin.

Mabilis akong umiling. "Wala akong kinakampihan Gabriel." Ani ko. "Pareho kayong mahalaga sa 'kin, kaya please lang makinig ka naman." Sabi ko pa.

"Parehong mahalaga?! Bakit?! Sino ba 'yan sa buhay mo sandy?! Ako ang nobyo mo dapat sa akin ka kumakampi! Sa 'kin dapat hindi sa taong 'yan na kasama sa pamilyang mamamatay tao!" Sigaw niya.

"Anung sabi mo?!" Sigaw ko pabalik na ikinatigil niya. "Anong sabi mo gabriel?!" Tumulo ang mga luha ko habang lumalapit sa kaniya. Ramdam ko ang pamimigat ng dibdib ko. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.

"S-Sandy..." Lumambot ang expression ng mukha niya nang makitang umiiyak ako.

Umiling ako atsaka siya dinuro duro. "Anong sabi mo?! Huh?!" Hagulgol ko sabay hampas sa dibdib niya. "Bawiin mo 'yon!" Sigaw ko habang patuloy siyang hinahampas.

"S-Sandy..." Hinuli niya ang mga kamay ko. "A-Anu bang--"

"---Hindi mamamatay tao ang pamilya ko!" Sigaw ko.

Nakita ko ang gulat at pagkalito sa mga mata niya. At nang bitawan niya ang mga kamay ko, doon ko lang natanto kung anong sinabi ko. Napapikit nalang ako. Nasabi ko na. Alam niya na. Magagalit din kaya siya sa 'kin? Kakamuhian niya rin kaya ako?

"P-Pamilya mo?" Bumalatay ang sakit sa mukha niya. "P-Pinaglalaruan mo ba a-ako?!" Di makapaniwalang sigaw niya.

Napailing ako. "H-Hindi." Humagulgol ako. "P-Patawarin mo ako Gabriel. Kasalanan ko ang lahat. Sa akin ka dapat magalit hindi sa kanila."

"Sandy!" Kagad akong nilapitan ni kuya at hinawakan sa braso. "Wag kang humingi ng tawad! Damn it! Wala kang kasalanan! Wala tayong kasalanan!" Sigaw niya.

Napailing ako at tumingin kay Gabriel. Galit at sakit ang nakikita ko sa mga mata nito. At nang akmang Lalapitan ko sana siya nang biglang bumukas ang pinto at mula doon ay pumasok ang isa pang demonyong sumisira sa buhay namin ni Sandra.

Pumalakpak ito nang makita ang kalagayan namin. Kagad akong nag-punas ng luha at tumayo ng maayos. "What a scene!" Nakangising aniya.

Sinamaan ko lang siya tingin. Lumapit ako kay sandra at inutusan itong puntahan si kuya. Hindi magandang maglalapit siya sa demonyong 'to lalo na't nagdadalang tao siya.

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now