CHAPTER 19

4.7K 105 2
                                    

HINDI ko inaasahan ang nangyari. Hindi talaga. At hindi ko rin alam kung paano nangyari 'yun. Basta ang alam ko lang ay nakikipag-palitan lang ako sa kanya ng suntok at umiilag sa kutsilyo niya. Hanggang sa nakita ko nalang ang pag-ngisi niya at huli na nang mapagtanto kong pabagsak na ang nanghihina kong katawan sa matigas ng semento.

Napanganga ako nang makaramdam ako ng matinding sakit sa aking tagiliran. Napa-ubo ako ng dugo. Nagdidilim ang paningin ko. Mamamatay na ba ako?

"F*ck!" Nanlalabo na ang paningin ko ng daluhan ako ni ron. Wala na rin akong putukan na naririnig. "Hold on, miss." Aniya habang nasa tenga ang kanyang cellphone.

Napapikit ako at muling umubo ng dugo. Pinilit kong magsalita pero tila naubusan na ako ng lakas. Hindi pa ako pwedeng mamatay! May mga aayusin pa ako. Lord, pwedeng 'tsaka niyo na ako kunin kapag maayos na ang pamilya ko at ni gabriel.

"Sandy!" Pinilit kong imulat ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ni mama sa nanlalabo ko nang mga mata.

Bumuka ang bibig ko, pero walang lumabas ni isang salita. Hindi ako makahinga. Nalalasahan ko na ang sarili kong dugo. Nalalasahan ko na ang kamatayan ko.

"S-Sandy...w-wag kang bibitaw a-anak. Lumaban k-ka, wag mo a-akong i-iwan." May tumulong luha sa mga mata ko. Anak? Tinawag niya akong anak. Ang tagal ko nang gustong marinig ulit iyon galing sa kanya. "P-Patawarin ako s-sandy....patawarin mo s-si mama." Humagulgol na ito habang nakayakap siya sa 'kin ng mahigpit.

Muli akong umubo ng dugo dahilan para mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. "S-Sandy wag mo a-akong iiwan a-anak. P-Patawarin mo k-ko. M-Mahal na mahal k-kita."

Pinilit ko siyang tingnan. Inabot ko ang mukha niya gamit ang duguan kong kamay. Bumuka ulit ang bibig ko, gusto kong magsalita pero hindi ko kaya.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang mukha. Lalo siyang napahagulgol. "S-Sandy....A-Anak....l-lumaban ka..." bulong niya.

Muli akong umubo ng dugo. Ngunit, iba na ngayon dahil unti unti ko nang nararamdaman ang pagyakap sa 'kin ng kadiliman.

"S-Sandy?!" Ang nagtatangis na boses ni mama ang huling narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

Wag muna ngayon, lord. Hayaan niyong ayusin ko muna ang lahat. Gusto ko pang mabuhay para sa kanila. Kunin niyo nalang ako kapag maayos na ang lahat.


KARA POV (Sandy's mother)

"K-Kasalanan ko ito ma," Garalgal ang boses na sabi ko.

Hinawakan niya ang nanginginig kong mga kamay. "W-Wala kang kasalanan k-kara. H-Hindi mo ginusto ang nangyari." Aniya.

Nasapo ko nalang ang mukha ko saka muling napahagulhol. Kung hindi pa ito nangyari sa kanya marahil ay hindi ko ma-re-realize na sobra ko na siyang sinasaktan. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa takot noon, siguro wala siya sa loob ng operating room at nag-aagaw buhay. Kasalanan ko lahat ng ito!

"Excuse me madam," Pagod na nag-angat ako ng tingin sa lalaking kausap kanina ni sandy. Napag-alaman kong ron ang pangalan nito, ka-edad ko lang ito at napaka-lalim at napaka-seryoso kung tumingin. "Sabihin niyo lang po kung may kailangan kayo. Doon lang po ako sa labas para mag-patrol." Ani nito sa seryosong tinig.

Bahagya lamang akong tumango atsaka tulalang napatingin sa kisame. Bumalik bigla sa alaala ko ang mga ginawa ko noon. Kung paano nagsimula ang lahat sa isang kasinungalingan. Kung gaano ako kasaya nang dumating sa buhay ko sandy hanggang sa mapilitan akong ibigay siya sa kanyang ama dahil sa takot ko na baka saktan siya ni francisco laxamana, ang lalaking mahal ko.

Muling tumulo ang mga luha ko nang maalala ko ang mga panahong bata pa si sandy at masaya kaming magkasama. Mahal na mahal ko siya. At masakit sa 'kin ang ginawa kong pag-iwan sa kanya sa puder ng kanyang ama. Ayoko ring iparamdam sa kanya na hindi na siya mahalaga sa 'kin, ginawa ko lang 'yun para hindi siya galawin ni francisco. Kaya nakuntento na lang ako na panoorin at bantayan siya sa malayo. At kapag hindi na ako makatiis ay nilalapitan ko siya at nagkukunwaring may kailangan ako. Sa paraang 'yun kasi mararamdaman ko ulit ang yakap niya. Kahit sandali lang ay gusto ko ring maramdamang malapit lang siya sa 'kin.

Napatayo ako at natatarantang nagpunas ng mga luha nang lumabas na ang doctor mula sa O.R makalipas ang isang oras. "K-Kamusta siya doc?" Natatarantang tanong ko.

"Ka-ano ano ninyo ang pasyente?" Seryoso niyang tanong.

"A-Ako po ang mama niya." Sagot ko saka sandaling binalingan ng tingin si mama na nasa tabi ko rin at naghihintay ng sasabihin ng doctor. "Kamusta na po ang anak ko doc?" Tanong ko ulit rito.

"Hindi maganda ang lagay niya misis. Kailangan niyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon." Nangilid muli ang mga luha ko sa sinabi niya. Hindi! Hindi pwedeng mawala sa 'kin si sandy!

"A-Ako doc!" Desperadang sigaw ko. "Sa akin kayo kumuha ng dugo. kahit ubusin mo lahat ng dugo sa katawan ay ayos lang basta mabuhay lang siya. Iligtas mo siya doc. Nagmamakaawa ako." Kahit lumuhod pa ako sa harapan niya ay gagawin ko, mailigtas niya lang si sandy. Di ko kayang mawala ang anak ko sa 'kin.

"K-Kara....." Agad akong dinaluhan ni mama nang muli na naman akong humagulgol.

Napatingin ako sa kanya. "M-Ma, ayokong m-mawala si s-sandy sa 'kin." Nanginginig kong sabi rito.

"H-Hindi siya mawawala k-kara." Sabi niya, pero hindi naging sapat 'yon para gumaan ang pakiramdam ko.

"Kung gusto niyong magbigay ng dugo ay mas mabuting magpa-test na kayo ngayon din para malaman natin kung mag-ka-match ba kayong dalawa." Napatingin ulit ako sa doctor. "Mas maganda kung nandito rin ang papa niya. Mas malaki kasi ang posibilidad na ka-match niya ito." Lalo akong nawalan ng pag-asa. Paano ko ito sasabihin sa tatay niya? Anung sasabihin ko? Tutulungan niya ba kami? Tutulungan niya ba si sandy?

"Pwede ba namin siyang makita doc?" Tanong ni mama rito.

Bumuntong hininga ang doctor. "Hindi pa pwede hanggat hindi pa nagiging stable ang lagay niya." Ani nito.

Bumalik nalang ako sa kinauupuan ko kanina nang magpaalam na ang doctor. Sumunod naman sa 'kin si mama saka ako inalo.

"Kamusta daw ang lagay niya?" Nag-angat ako ng tingin kay ron ng lapitan ako nito. Seryoso pa rin ang mukha niya pero halata ang pagod doon.

"Kailangan niya ng dugo." Wala sa sariling ani ko. Hindi ako pwedeng magbigay ng dugo dahil hindi kami match, at ang nakaka-bwisit pa rito ay naubusan na ng stock ng dugo itong ospital na type AB.

"May alam akong pwedeng tumulong sa 'tin." Anito. Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.

"Sino?"

"Si Zandro. 'Yong kapatid niya." Nakita kong mahal ng zandro na 'yun si sandy at tinanggap niya ito kahit mahirap. Siguradong hindi 'yon magda-dalawang isip na tulungan ang anak ko. Pero paano namin 'yon mapapa-punta rito?

"Hindi natin iyon mapapa-punta rito." Halos pabulong niyang sabi.

"Nagawa ko na. Agad siyang sumama sa mga tauhan ko nang ipasundo ko ito. Baka nga sa mga sandaling ito ay kinukuhanan na siya ng dugo." Paliwanag niya.

Nakahinga ako ng maluwag. "Ibig sabihin magiging maayos na ang lagay ng anak ko?"

"I can't tell. Hindi ako ang doctor niya." Tumingin ito sa 'kin pati sa damit na suot ko. "Hindi ka pa ba magbibihis? Baka hindi ka palapitin ng doctor sa anak mo dahil diyan sa itsura mo." Aniya.

Bumaba ang tingin ko sa damit ko. Hindi pa pala ako nakakapag-palit. Ito pa rin 'yong suot ko kanina at punong puno ito ng dugo. Maski ang sa kamay at pisngi ko ay natuyuan na rin ng dugo. "Wala akong damit." Wala akong dala maliban sa cellphone ko, actually.

"May mga damit na hinandi si sandy para sa 'yo. Kukunin ko lang sa kotse para makapag-ayos kana." Tumayo na ito at nang akmang aalis na siya ay pinigilan ko.

"S-Salamat." Nahihiyang ani ko.

Tumango lang ito ng hindi ako nililingon. "Mabait na bata si sandy. And She doesn't deserve this sh*t....even you." Anito bago ako iniwang nakatunganga doon.

Tama naman siya. Mabait na bata si sandy at di niya dapat ito nararanasan. Wala akong kwentang ina dahil hinayaan kong maging ganito ang buhay niya.

Hi ulit!

Nakakaantok....haist!! Andami kong proj. Pero dahil baliw ako kay ark, ayan tuloy di ako matigil sa pagtatype dito hahahaxD. Well thanks guys. Love you ;*

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now