Chapter 1: Simple Smile

112K 2.2K 345
                                    

««««----------»»»»

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

««««----------»»»»

Janine's Point of View

"Okay, class dismiss you may have your breaktime."

"Goodbye Mrs. Gomez." Sabay-sabay naming bati.

Pagkatapos ni Mrs. Gomez lumabas ng room, nagsilabasan na rin kami dumiretso kaagad ako sa library at nagbasa.

Kung tutuusin mas gusto ko pa dito sa library kesa sa cafeteria. Dito tahimik at napaka payapa ng lugar, sa cafeteria naman kasi maingay masyado at isa pa nandun din yung buong section ng mga famous. Sa sampung section ng school na to kada grade sa section lang nila yung pinaka konti and take note kaya konti sila kasi puro mga piling istudyante lang silang mga nandun. Kaya heto nagsisiksikan yung mga ibang students sa room, eh ano bang magagawa namin anak ng may-ari ng school ang isa sa students ng section 10.

By the way ako nga pala si Janine Ramirez 16 years old, fourth year student o pwede namang Nerd o Pangit na Nerd yan kasi yung karaniwang tawag nila sakin. They only call mr with my name when they need me. Mmm... Oo mahilig ako magbasa ng libro just like a typical nerd kaya lagi akong tambay sa library.

Matapos kong magbasa ng libro nag-ayos na ako ng sarili at ibinalik ko na rin yung librong binasa ko saka ako lumabas sa library. Pumunta na rin ako sa Cafeteria para bumili ng sandwich at drink. Habang naglalakad ako may nakita akong nagkukumpulang mga istudyante sa gitnang room eh ano pa nga ba? Room kasi yun ng mga Famous.

Dumiretso ako doon dahil dun din naman yung direksyon papunta sa room ko. Nang makarating ako dun sa corridor ng section 10 may nakita akong nagtatalo sila Lucy tsaka yung first year pero matangkad kaya siguro tingin niya kaya niya si Lucy. Mukhang may bagong istudyante nanaman ang mapapahiya ngayong taon.

"You know me right?" Kalmadong sambit ni Lucy at bakas sa boses niya ang napakalamig na ambience.

"Oo isang mayabang na babae na akala mo kung sino para magyabang. Ikaw? Sino ka ba sa tingin mo?" Mataray ding sagot nung first year.

"Uhh... Indeed you're a new student here, am I right?" Tanong niya dun sa babae at tinaasan lang siya ng kilay. "I guess your eyebrows responded with a yes." At walang pagdadalawang isip nagpakawala siya ng malakas na sampal sa kaliwang pisngi nung babae. "And this is my answer to your question, my dear." And once again, isang napakalakas ng sampal naman sa kanang pisngi nung babae.

Hindi na napigilan nung babae ang maiyak dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya at agad din itong tumakbo palayo.

Matapos ng eksena nagtawanan ang lahat at yung iba naman na mukhang bago rin dito ay gulat na gulat sa pangyayari. Nagsi-alisan na rin yung mga istudyante kaya dumiretso na ako papuntang room kaso....

Nabangga ko si Phoebe at ang mas nakakatakot pa natapon ko sa kanya yung iniinom kong drinks.

"What the f*ck!" Iritado niyang wika habang nakatingin sa damit niyang nabasa. "Look what you've done to my gorgeous uniform." Nanggagalaiti niyang tingin sakin habang naka yukom pa yung kamao niya.

"S-sorry I'll just wipe it." Nanginginig yung boses ko habang sinasabi ko yun kaya pinunasan ko na lang yung uniform gamot ang aking kamay.

"Don't touch it! Dinidumihan mo lang lalo eh!" Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "Ok ganito na lang halikan mo mga paa ko."

"A-ano po?"

"Are you deaf?! Sabi ko halikan mo mga paa ko, pasalamat ka pa nga madadampian ng magaspang mong labi tong maharlika kong paa eh."

Dahan-dahan akong yumuko akamang hahalikan ko yung paa niya. Wala eh no choice ako kasalanan ko naman to eh.

"Dalian mo mahalaga oras ko!"

Mahahalikan ko na sana yung paa niya kaso may nagsalita sa likuran ko.

"Stop!"

Napatigil ako bigla at lumingon sa likuran ko. At mas napatigil ako nung nakilala ko kung sino.

Si Miss Madison.

"Ganyan na ba kababa standards mo Phoebe?" Mataray niyang tugon. "Pumapatol ka sa mga hindi mo ka level? Oh c'mon Phoebe, isang nerd? Baka isipin ng ibang tao na isang nerd lang ang kaya mong patulan."

"Ganun ba?" Tumingin siya sakin. "Pasalamat ka nakaligtas ka. Let's go Madison."

Bago pa sila maka-alis lumingon muna sakin si Miss. Madison at....

Ngumiti?!

Totoo ba yung nakita ko? O namamalikmata lang talaga ako, pero hindi eh ngumit talaga siya sakin.

***

Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay lutang pa rin isip ko at yung weird nga lang sa simpleng ngiti lumutang bigla yung utak ko. Pero hindi eh si Miss Madison yung ngumiti eh, Iba yung impact ng ngiti niya sakin. Bakit ko ba to lahat iniisip?! Dapat nga mag thank you na lang ako sa kanyan eh kasi kahit papaano niligtas niya ko.

"Oh ano anak? Tutusukin mo na lang ba yang pasta?" At ngayon ko lang napansin na hindi ko pa ginagalaw yung pagkain ko.

"I'm just thinking something, someone rather." Nakangiti kong tugon sa kanya.

"Whatever and whoever you were thinking, tell me."

"Diba po ma nababanggit ko sa inyo minsan si Miss Madison?" Bigla namang nag iba yung reaksyon niya na gulat na gulat.

"Ok lang anak tanggap ka namin." Mahinahon niyang sabi. Kani-kanina lang gulat ng gulat yung reaksyon niya tapos ngayon biglang magiging mahinahon. Bipolar?

"Anong tanggap yang sinasabi n'yo?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Na Tomboy ka." Tinignan ko naman siya ng masama. "Oh bakit? Diba malalim iniisip mo at sa babae pa! Confirmed tomboy ka nga anak congratulations anak."

"Hindi ako tomboy Ma! Kasi nginitian niya ako kanina eh."

"Anong masama dun?"

"Alam mo namang hindi ngumingiti yun bast-basta at sa Nerd pa na tulad ko ngingiti."

"Baka gusto ka niya."

"Hindi Ma! Babae yun, babaeng-babae."

"Iba ka naman ng intindi eh! Ang ibig kong sabihin baka gusto ka niya bilang kaibigan." Para namang pinapalabas niyang slow ako.

Matapos kong kumain at sa tagal ng talkshow namin ni Mama umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Pumikit ako ng kaunti at iminulat ko ulit ang aking mga mata. Kinuha ko yung phone ko.

Naku-curious kasi ako eh macheck nga yung twitter niya o sabihin na nating magiging stalker muna ako. Hoy hindi ako tomboy ah lilinawin ko lang HINDI AKO TOMBOY!

Pagka open ko ng phone ko ang daming notifications. Chi-neck ko kung ano yung mga notifications nang malaman ko kung ano at sino ang nag notif. Otomatikong nalaglag yung panga ko. As in nganga.

Totoo ba to o panaginip lang kung panaginip lang utang na loob gising niyo na ko!!

****

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon