Chapter 16: Eat your words

28.7K 911 12
                                    

«««-----------»»»»

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

«««-----------»»»»

Janine's Point of View

"Ano bang pinag-gagagawa mo?!" Sigaw ko sa kanya dahil sa pagkahila niya sakin.

"Shut up! You're too loud." Sigaw niya sakin. "Kanina ka pa ang inay-ingay mo." Naiirita pa niyang ani habang madiin na kinamot ang kaniyang ulo.

"Eh kasi naman! Bakit kasi hindi ka gumawa ng paraan, ha! What if magsisigaw-sigaw tayo dito para may makarinig."

"Kung effective yan, sana ginawa ko na kanina pa." Sarkastiko niyang saad. "Kung magpahinga ka na lang kaya." Mahinahon niyang wika.

Pagkasabi niya nun nakaramdam kaagad ako ng antok kaya naman napa sandal ako sa pinto at nakatulog.

****

"Gising na." Kasabay ng salitang yung ang pagtapik sa balikat ko kaya napadilat ako. At dun ko lang nalaman na nakahiga pala ako sa kaliwang balikat ni Ziggy, agad naman akong napa-upo ng maayos at dumistansiya ng konti sa kanya.

"I-I'm sorry." Aniko.

"For what..." Kunot noo niyang tanong.

"N-nevermind." I said with embarrassing tone. "Anyway, what time is it?" Pag-iiba ko ng topic.

"It's already 10:32pm." Walang gana niyang sagot sabay tayo at nagpagpag.

"Ano?!" Sabi ko sabay tayo. "Akala ko ba 10pm may pupuntang utility worker dito para bukas to."

"Ewan ko?" Pagwawalang malay niyang tugon sabay kibit-balikat.

"Anong ewan?! Ikaw na nagsabi na may pupunta dito diba!" Aniko sabay lapit sa pinto at hinila-hila ang doorknob gamit buo kong lakas.

Bwiset 'tong lalaking to ah, siya na yung nagsabi tapos may pa ewan ewan pa siya. Basta gusto ko ng lumabas dito.

"Hoy kumalma ka nga!"

"Ako kakalma? Kung alam kong wala ng tao dito at ikaw na lang ang kasama ko! Paano ako kakalma? Sige nga ipaliwanag mo nga sakin!" Sigaw ko habang sinusubukan pa ring buksan ang pinto. Nang bigla na lang bumukas ang pinto at dahil dun napaatras ako ng dire-diretso sa likod at nabangga si Ziggy.

Dahil dun natumba kami at napahiga siya sa sahig samantalang ako napahiga sa kanya.

"Jusko anong ginagawa niyo dito mga bata kayo! Talagang dito pa kayo gumagawa ng kababalaghan! Tinuruan ba kayo ng mga magulang niyo ng respeto mga ginuo kayo! Nasaan mga magulang ninyo ha! Siguro wala na kayong magulang at dito pa sa eskwelahang to ginagawa yang kawalang respeto niyo! Mga kabataan kayo at alas diyes na ng gabi nandito pa kayo. Jusmiyo!" Sabi ng matandang babae na may bisayang tono na nagbukas ng pinto. At nang sa sobrang tanda niya lawlaw na yung mga balat niya.

Dahil sa mga sinabi niya napatayo kaagad ako at sinabing. "Ay h-hindi po.. mali po kayo ng iniisip."

"Ang dami niyong sinabi niisa walang tumama." Wika ni Ziggy na ngayon ay nakatayo na rin. "At isa pa ako? May gagawing kababalaghan dito sa pangit na to? No way!" At dahil dun nahampas ko siya.

"Kapal mo ah! Ako rin no!
Hinding-hindi ako magkakagusto sayo. Ever!"

"Eat your words, baka maisuka mo." Aniya na ngayon ay seryoso na.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi rin nagtagal lumabas na siya at sumunod naman ako, narinig ko pa ang pahabol na sambit ng matandang babae. "Jusmiyo mga kabataan nga naman."

Nang makalayo na si Ziggy dahil sa bilis ng paglakad niya hinabol ko siya. "Hoy ano bang problema mo?" Aniko ng mahawakan ko na ang braso niya.

"Ako may problema? Wala." Saad niya tapos tumawa ng sarkastiko.

Narating na namin ang parking lot sa Bilis niyang maglakad.

"May problema ka eh sabihin mo nga kung ano? Kung yung problema mo ay yung pagsigaw ko sayo kanina edi sorry..." Hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad. "Dahil ba sa nakulong tayo? O baka naman sa pagkakahiga ko sa balikat mo kanina? Ano ba humarap ka naman." Humarap naman siya pero iba yung aura ng itsura niya. Naku lagot.

"Nothing." Aniya na ngayon ay ganun pa rin ang itsura.

"Ano nga kasi yun hindi naman ako manghuhula diba. Ok ganito na lang bigyan mo ako ng options." Nakangiting saad ko sa kanya.

"Alam mo gutom ka lang kumain na lang tayo." Aniya ng nakangiti.

Really? Does anyone can explain what's happening here? Napaka bipolar nitong unggoy na to!

"Alam mo napaka bipolar m-" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng hilain niya ako. "Ano ka ba? 11pm na sa tingin mo may bukas pang fast food restaurant ngayon?"

"Eng-eng wala bang 24/7 na fast food restaurant."

"Talagang na eng-eng pa ako ah."

Habang naglalakad-lakad kami may nakita kaming jollibee. Tutal yun lang naman yung malapit na fast food restaurant at isa pa gutom na ako no. Ano magpapabebe pa ako? Nang makapasok na kami sa loob konti lang naman yung nakapila kaya pumila na rin kami.

"Anong order mo?" Tanong niya.

"Jolliwater lang." Walang gana kong sagot at agad niya naman akong tinitigan ng masama.

"Umayos ka ng sagot kung ayaw mong yun ang ibili ko sayo."

"Oo na burger steak lang sakin." Sakto naman nasa pinaka-unahang pila na kami kaya narinig na ng crew yun at Umorder na rin si Ziggy. Agad ko namang kinuha ang wallet ko at kukuha sana ng pera kaso pinigilan niya ako at at siya ang nagbayad.

Nang maka-upo na kami kasama ang inorder namin inumpisahan ko ng lantakan ang pagkain dahil sa talagang kanina pa ako nagugutom. Simula ba naman kanina hanggang ngayon wala akong kain, at wala akong paki kong pinagtitinginan na ako ng mga tao dito.

"So ano nga yung problema mo kanina." Tugon ko habang kumakain pa rin.

"Forget about it." Sabi niya at nagsimula na ring kumain.

"Anong forget about it ka diyan? Sabihin mo."

"Wala yun nainis lang ako sa matandang kulubot kanina."

Hindi na lang ako nagsalita ang nagpatuloy kumain.

"Wait." Aniya at napakunot noo naman ako dahil dun. "May mantsa ka sa labi." Sabay punas niya ng tissue sa gilid ng labi ko. Napaiwas ako ng tingin sa ginawa niya. "Uwi na tayo ihahatid na kita."

"Pero oorder pa ako eh, tsaka hindi mo pa nauubos yang pagkain mo eh."

"Iuuwi na na kita anong oras na oh! Baka isipin pa ng magulang mo tinanan kita eh."

At hindi na ako nakatanggi dahil sa hinila niya na ako palabas.

*****

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon