Chapter 32: A Piece Of Advice

21K 740 38
                                    

ווווו×

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ווווו×

Janine's Point Of View

"Oh anak bakit ang aga naman yata ng uwi mo?" Bungad sakin ni mama pagpasok ko pa lang ng bahay.

"I'm not feeling well, gotta go upstairs."

"Teka lang anak umiyak ka ba? Bakit ganyan itsura mo?" Aniya kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Masakit puson ko ma. Magpapahinga muna ako." Umakyat na ako sa kwarto at humiga sa kama. Sa dami ng inii-isip ko napabuntong hininga na lang ako. "Ganito ba talaga ako kasama? Karapat dapat ba akong saktan?" Otomatikong tumulo ang mga luha ko. "Luha bumalik ka! Kanina kapa labas ng labas eh! Nakakatamad ka kayang punasan!"

Siguro nga at bagay lang sakin to, dapat kong maramdaman kung ano ang naramdaman ni Ziggy. Napakatanga kong tao para saktan ang tao na ang gusto lang naman ay mahalin ako. Ngayon ko lang napagtanto na kagaya niya gusto ko rin siya pero dahil sa mga sinabi niya sakin kanina pakiramdam ko talagang nagbago na siya. Parang hindi na siya yung Ziggy na kilala ko, at nakakalungkot lang isipin na ako ang naging dahilan nun.

*****

3 Days later...

"Anak gising na! Malilate ka niyan kapag hindi ka pa gumising ngayon!"
Hindi ako nag response at sa halip ay hindi ko na lang pinansin si Mama.

"Hoy! Nakahanda ng pagkain sa baba! Kumain ka na at papasok ka pa!" Ulit niya pa sabay tapik sakin.

"Ma I don't wanna go to school! Just stop disturbing me." I said with irritable tone.

"Anong don't wanna go to school?! Papasok ka! Sinasayang mo lang yung tuition fee mo! Umayos ka naman anak tatlong araw ka ng ganyan, ni ayaw mong kausapin ka."

"I said I don't wanna go to school isn't that clear?! Masama pakiramdam ko!"

"Ano ba kasing problema mo anak? Sabihin mo kay Mama baka matulungan ka hindi yung sinasarili mo yang problema mo." Alangang sambit ni Mama.

"Just leave me alone, I don't have a problem to talk to. You can go now."

"S-sige basta magi-iwan ako ng pagkain dito kung sakaling magutom ka."

Narinig ko ang pagkalabog ng pinto kaya alam kong lumabas na si Mama, pero narinig ko ulit ang pagbukas ng pinto kaya tumayo na ako.

"Ma naman ayoko nga—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mapagtanto kong hindi si mama yung pumasok sa kwarto ko, kundi si Kuya. "K-kuya?"

Akala ko ba dun muna siya titira sa condo niya? Bakit siya nandito?

"Sabihin mo na." Kaswal niyang saad.

"Anong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

"Geez, you obviously have a problem. Now tell me or else I will post your ugly picture on instagram."

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ipost niya na lahat ng stolen pic ko wag lang yung natutulog ako ng nakanganga at tulo laway.

"No you can't do that!"

"Yes I can." He replied then gave me a smirk and after that he took his phone on his pocket and started to do something you can call 'Evil plan'.

Sinubukan kong kunin yung phone niya pero ang bilis niya at ang tangkad niya at dahil dun hindi ko maabot yung phone kahit na subukan ko mang tumalon. "Okay fine! I will tell it. Just don't do that!"

Agad naman niyang inoff yung phone niya at umupo sa kama, umupo rin ako sa tabi niya.

"I hurt someone, now that I've made my mind that I love him I had decided approached him. I was expecting him to be happy but he didn't. He never did." Aniko at kusa na lang tumulo ang mga luha ko. "He neglected me as if we didn't know each other."

"You know what Janine you're a lucky girl. Why? Because you have him. Siguro nagtataka ka kung bakit siya umiiwas sayo but I know that he still love you, he's probably avoiding you for him to erase his feelings for you but unfortunately he couldn't do that."

"Then why is he avoiding me? Bakit gusto niya akong kalimutan?" Curious kong tanong.

"Because he's already in love with you and now that he knew you love him he tried to not to take a risk because he's scared."

"Scared of what?"

"Masaktan ulit."

Agad akong napa-isip tama nga siya siguro sinusubukan niya akong iwasan dahil baka masaktan nanaman siya at umasa. Pero teka lang? Saan ni kuya napulot lahat ng mga sinabi niya at kailan pa siya natutong magbigay ng advice.

"I'm a guy also so I know what he feels, kung ayan yung iniisip mo." Saad niya gamit ang kaswal na boses.

Aba mind reader rin pala siya? At ang cool niya magsalita na para bang isa siyang CEO ng sikat na kumpanya.

"It's just a piece of advice kaya wag ka masyadong mamangha."

"Tss... Wag ka mag-alala kuya hindi ako namangha sayo."

"Sus kahit na sabihin mo mang hindi, alam kung namangha ka sa talino ng kuya mo."

"Teka lang?! Diba mortal enemy kita! Hindi dapat tayo ganito kabait sa isa't-isa." I said with matching irap.

"Hoy unggoy wag kang magtaray hindi bagay sayo! Nagmumukha kang unggoy sa zoo na hindi binigyan ng saging! At isa pa maligo ka na nga, ang baho eh."

Aba ang aga niyang magsabing masasamang salita ah!

"Kapal ng mukha mo! Ikaw nga anak ng janitor eh!"

"Weh! Di naman benta yung joke! Bleeee!"

Dahil sa inis binato ko sa kanya yung hawak kong unan. Pero nakaiwas siya at agad na tumakbo papunta sa kwarto niya. Aish yung lalaking yun! Sasapakin ko talaga siya.

Napagpasyahan ko na lang na pumasok ng sa ganun ay makausap ko siya ng maayos.

*****

Nagbalik si kuya Christian para magbigay ng advice, let's give him an around of applause ^^ bait ni kuya haha.

Ship niya kasi ang (Suggest kayo ng pwedeng itawag sa love team nila Ziggy at Janine haha)

Pasensya na dahil hindi ako magaling sa mga ganyang bagay. Mianhe.

Please don't forget to leave a vote and a comment!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon