Chapter 8: Big Changes

36.2K 1.1K 21
                                    

««««----------»»»»»

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

««««----------»»»»»

Janine's Point of View

Hanggang ngayon talaga ayaw parin mag sink in sa utak ko yung pag payag ko sa sinabi ni Marga at lalong ayaw tanggapin ng utak ko ang pangyayarin yun. Una hindi ko naman close si kuya kaya hindi ko alam kong paano ko igagapang si Marga sa kanya, pangalawa HINDI kami magkasundo ni kuya at isa pa siya yung laging sumisira ng araw ko at ang pang huli, hindi ako marunong maglakad ng isang tao kasi naman wala akong alam sa mga ganyan ganyan. Basta priority ko muna ay ang pag-aaral ko diba?

"Anak! Kanina ka pa nagbababad diyan sa Cr daliam mo puputok na pantog ko!" Hays! Si mama talaga.

"Opo ito na po nagpupunas na." Sabi ko sabay patay ng shower at kuha ng tuwalya.

Pagkalabas ko nakita ko si mama na nanginginig. Pfft... Hindi halatang ihing-ihi na siya ah, haha.

Dumiretso ako sa Dining table at naabutan ko na kumakain sila kuya at si papa. Umupo ako sa tabi ni papa na may nakahain nang kanin at bacon.

"Kumain ka ng marami anak."

Ngumiti ako.

Habang kumakain ako ng paborito kong bacon may sinabi si papa.

"Sumabay ka na sa kuya mo mamaya tutal malapit lang naman yung school mo sa school niya eh."

"Pero pa. Kaya ko namang maglakad eh, walking distance lang naman yung school namin eh."

"Oo nga pa. Baka bumaho pa yung kotse ko ng dahil sa kanya." Epal na wika ni kuya.

"Kapal mo ah!" Angal ko.

"Sumabay ka na sa kuya mo para alam kong hindi siya mag cu-cutting."
"Pero pa-"

"Hay salamat nakaraos din." Ani ni mama ng makalabas siya ng Cr tapos himashimas pa niya yung katawan niya.

"Nakaready na yung bag mo dun sa kotse ng kuya mo."

"Sa inyo na lang kaya ako sasabay pa tutal papasok ka rin naman sa trabaho diba?" Sabi ko sabay puppy eyes.

"Mamaya pa ako aalis. Sige na pumasok na kayo baka malate pa kayo."

Napatingin naman ako sa relo ko oh sakto lang maka alis na nga wala naman na akong magagawa eh sasabay na lang ako kay kuya. Lumabas na ako at nagpaalam kina mama at papa saka ako pumasok sa kotse sa harap dun sa passenger seat.

Habang naghihintay ako kay kuya bigla akong may naiisip *Evil Grin* kahit ngayon lang kailangan kong magpaka good sister sa kanya.

Nung narinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan nagsalita ako. "Good morning kuya!" Masayang bati ko sa kanya. Umupo siya at pinaandar ang sasakyan.

"Anong good sa morning ngayon eh nakita kita." Walang gana niyang wika.

Ok Janine calm down kailangan mong maging mabait sa kanya para na rin to kay Marga.

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now