Chapter 40: Friendship Over

20.5K 657 26
                                    

ווווו×

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ווווו×

Janine's Point Of View

"Nak gising na! Nasa baba na si Ziggy."

Bigla akong napatayo ng biglang sabihin ni Mama na nasa baba si Zig. Napatingin ako sa phone kung anong oras na. 5 o'clock? Ang aga niya naman? Tsaka isa pa wala naman kaming usapan na pupunta siya dito sa bahay para sunduin ako. Hay naku! Yung lalaking yun talaga. Bahala siya babagalan ko lang, maghintay siya sa baba habambuhay. Nagpunta na ako ng C.R para maligo at nang makahubad na ako dun ko naalalang hindi ko nasama sa pagdala yung twalya, ay napaka malas naman oh!

"Ma! Paabot nga twalya dyan, nakasampay yun." Sigaw ko at maka-ilang saglit na lang paghihintay ay may kumatok na sa pinto kaya naman binuksan ko pero yung ulo ko lang yung makikita. Nagulat ako ng imbis na si Mama yung nasa harapan ko, s-si Zig! "Huwaa! Anong ginagawa mo dito?!"

"Over reacting, you asked for a towel. Here." Aniya.

"Si Mama ka ba?! Diba dapat nasa baba ka? Bakit nandito ka sa taas?"

"As if I was trying to do something to you, saka na kapag kinasal na tayo. Tsaka pina-akyat na ako dito ni Tita para dito na daw maghintay."

"A...anong kasal pinagsasasabi mo?! Sakal gusto mo?! Dun ka na nga! Wag kang mangingi-alam ng gamit dyan ah." Sigaw ko sabay sara sa pinto ng malakas.

"Oo na, bilisan mo dyan ah."

Binilisan ko na ang pagligo dahil kinakabahan ako na baka mangi-alam ng gamit ko yung unggoy na yun. Nagbihis na kaagad ako saka ako lumabas at dun ko siya nakitang pinipicturan yung picture ko nung nag graduate ako ng grade school. Hindi! Ang pangit ko dun.

"Hoy bitawan mo yan!" Tugon ko at mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at saka namin pinag-agawan yung picture hanggang sa ma-out of balance kami at napahiga sa kama. Nagkatinginan kami, hindi ko maalis yung tingin ko sa maamo niyang mukha. Bakit ang gwapo nitong lalaking to?!

"For how long you want to stare at me? Too handsome right?" Nakangiti nitong sambit, wag kang ngumiti mas lalo kang gumagwapo.

Lord please forgive me, he's too handsome.

Agad ko siyang tinulak at mabilis na napa-upo. "A-anong too handsome ka dyan? A...ang pangit mo kaya!" Tumayo ako at saka bumaba, sumunod naman siya. "Ma pasok na kami ah."

"Oh? Hindi ka kakain?" Tanong ni Ziggy.

"Hindi na, marami kinain ko kagabi." Sambit ko pagkalabas namin sa bahay. Dumiretso na kami sa kotse niya at agad niya naman itong pina-andar.

"Nin pwedeng manghingi ng favor?" Seryosong ani niya.

"Ano yun?"

"Kiss mo ko." Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman nahampas ko siya sa braso. "Sige na, isa lang." Aniya pa sabay nagpout.

"Baliw ka ba?"

"Oo baliw sayo."

"Masyado tayong cheesy, nacicringe mga readers."

Naramdaman ko na uminit yung pisngi ko kaya hindi na lang ako tumingin sa direksyon niya at sa halip tumingin na lang ako sa bintana. After a few minutes narating na namin yung school. Pagkapasok pa lang namin na magkasabay pinagtitinginan at pinag-uusapan na kami ng mga estudyante. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko, sinubukan kong ialis pero ang higpit ng pagkakahawak niya. Oh-Em-Gee kinikilig ako. Magkahawak kamay pa rin kami hanggang marating namin yung room namin, pagkarating namin lahat sila nakatingin samin sabay sigawan at tilian.

"Whooo! Sa wakas may love team na rin section naten!" Sigaw ni Grayson.

Napabitaw na ako sa pagkakahawak niya. Gosh hindi ako komportable.

"Saan pala kayo galing kahapon? Saang hotel kayo nag pacheck in ha?!" Ani pa ni Copper kaya nahampas siya ng notebook sa ulo ni Lukas.

"Pagdating sa kalibugan mabilis ka eh no?" Dagdag pa ni Lukas.

Umupo na ako sa upuan ko para maiwasan yung mga panlalait nila samin ni Zig. Napatingin ako sa kaliwa ko at nandito na pala si Maddy, hindi ko siya napansin. Ewan ko pero feeling ko may something sa kanya ngayon. Yung aura niya nung nakaraan ganun din ngayon. Galit ba siya? Naisipan kong ausapin siya para malaman.

"Maddy ok ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Takang tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama.

"As if you fucking care." Anito sabay irap sakin. Nagulat ako sa mga sinabi niya, hindi ko iyon inaasahan kaya hindi ako makapag salita.

"B...bakit? Did I do something that may bother you? Noong nakaraan ka pa ganyan, curious at worried lang naman ako kung bakit ka ganyan eh."

"If you are curious about it, then find it yourself." Aniya sabay labas ng room.

Anong problema nun? Wala naman akong ginawang masama ah, nagtanong lang ako kung bakit siya nagkakaganun tapos tatarayan niya ako. Hindi ako mapakali kaya sinundan ko siya palabas at nakita ko siyang pumasok ng rest room kaya tumungo ako roon.

"Maddy ano ba talagang problema mo? Baka matulungan kita?"

"Kung gusto mong makatulong lumayo ka sakin at wag kang magpapakita. Kasi sa tuwing nakikita ko yang pagmumukha mo nabibwisit ako."

"B...bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ka naman ganyan dati ah." Maluha-luha kong sambit.

"Alam mo dapat hindi na kita kinaibigan eh, kasi ahas ka! Malandi ka!"

Sobrang nasaktan ako sa sinabi niya kaya tuluyan ng tumulo mga luha ko. "Alam mo, ever since you've treated me as a friend I feel like someone was appreciated me. Kasi ang akala ko nagkaroon na ako ng tunay na kaibigan pero ngayon pakiramdam ko hindi mo man lang ako tinuring na kaibigan."

"Oo sabihin na nating hindi kita tinuring na kaibigan, may rason ako kung bakit ko iyon ginawa. Kaya ngayong hindi na kita kailangan, there's no reason for me to approach you."

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa mga narinig ko. Ginamit lang ako ng taong tinuring kong kaibigan. The fact that I had been used for some reason. I had been fooled by the person I treated as a best friend. I was such a stupid to believe that she sincerely wanted to be my friend.

"Now get out of my sight before I push you towards that trash can behind you." Matigas na tono niyang sambit ng bigla niya akong itulak ng malakas hanggang sa matumba ako sa basurahan at pagkatapos ay lumabas siya.

*****

Yehey! Nakaabot na rin ng 40 Chapters! 3 chapters or more na lang siguro at Epilogue na.

Please don't forget to leave a Vote and Comment!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now