Chapter 38: Scaredy Cat

20K 652 26
                                    

ווווו×

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ווווו×

Janine's Point of View

"Tita did you prepared all of these?" Tanong ko habang kumakain.

"Oo naman! Pinagmadali pa nga ako ni Ziggy na iluto yan at darating ka daw, sige kain ka lang."

Bigla na lang nawala pagkabusog ko ng matikman ko luto ni Tita. Kung tutuusin mas masarap pa luto ni Tita sa luto ni Mama. Bigla akong napalingon sa nagsisigawang magkapatid, pinag-aagawan kasi nila yung remote at pinag-aawayan din nila kung sa anong channel sila manunuod. Nakakatuwa silang tignan, sila yung masasabi mong makulit na magkapatid pero masaya at hindi nagkakatampuhan.

"Oh sige ibibigay ko sayo tong remote kapag nanalo ka sakin." Saad ni Ziggy.

"Ha! Kala mo papatalo ako!" Ani naman ni Zimmy.

"Rock! Paper! Scissor!" Sabay nilang sigaw.

Bigla namang naging desmayado yung mukha ni Zimmy samantalang ang walang awang kuya nito ay tawa lang ng tawa.

"T...teka! Best of three dapat diba!" Giit pa ni Zimmy.

"Go play some dolls, I'm watching soccer!"

"Hay naku Janine, ganyan talaga yang magkapatid na yan tuwing magkasama. Ubod ng ingay, kaya kaming nandito sa bahay na kasama nila sanay na sa pag-uugali nila." Ani Tita.

"Ganyan po ba talaga kakulit si Ziggy dito?"

"Bakit hindi ba siya ganyan sa school niyo?" Taka niyang tanong.

"Hinding-hindi po! Sa school sobrang seryoso niya po, yung tipong hindi mo aakalaing naging bata dahil sa sobrang matured ng ugali."

"Ah ganun ba, shall I tell you about his embarrassing child days?" Ani Tita habang naka smirk ito.

I think this is interesting kaya napatango-tango ako. Bukod sa masmakikilala ko pa si Ziggy ay malalaman ko rin yung mga sikreto niya nung siya ay bata pa.

"7 years old pa lang siya noon at birthday niya rin nung araw na iyon. Kaya napagpasyahan naming pumunta sa amusement park. Habang nililibot namin yung amusement park turo siya ng turo ng mga extreme rides na gusto niyang sakyan at dahil sa pangungulit niya na sumakay ay pumayag na ako. Nang makasakay kami sa ride kita sa mukha niya yung takot kaya naman natawa na lang ako. At nung magsimula ng umandar yung ride, nagsimula na rin siyang sumigaw ng sumigaw. Nang malapit ng matapos dun ko naramdaman na parang basa yung inuupuan namin kaya nung pagkababa namin dun ko nalaman na na-ihi siya, na-ihi siya sa takot."

After that embarrassing story, we burst into laughters. My god?! Ziggy peed because of that damn ride, just imagining about it makes my stomach cramps. Nabulunan ako dahil sa katatawa pero hindi ko pa rin mapigilang matawa kahit na ubo ako ng ubo. Napansin kong lumapit dito si Ziggy at hinimas-himas ang likod ko.

"Are you alright?" Alala nitong tanong pero tawa pa rin ako ng tawa habang umuubo. "Why are you laughing in this kind of situation?! Did I do something funny? Please be careful whenever you're eating."

"W.....wala to." Aniko na hanggang ngayon at hindi pa rin maka get over sa kinuwento ni Tita.

"Anong wala?! Eh halos mamatay ka na sa katatawa." Aniya na may hawak na ng baso na may lamang tubig at nagdala na rin siya ng tissue.

"Wala nga! Naalala ko lang yung dating kong classmate nung grade school na na-ihi sa pantalon." Aniko sabay kuha ng baso na hawak niya at ininom ito at pagkatapos ay kumuha ako ng tissue para magpunas. Napansin ko naman na bigla siyang namutla.

"S-sino yun?" Kinakabahang wika ni Ziggy.

"Ano ka ba! Wala! Hindi mo siya kilala kaya it's none of your concern."

"Tara, may pupuntahan tayo."

"Saan?"

"Basta! Wag ka ng magtanong." Sabi niya sabay hila sakin palabas.

"Sige po Tita! Zimmy! Una na po kami, salamat sa pagkain." Tugon ko bago kami makalabas ng bahay. Dumiretso kaagag sa kotse niya.

"Saan tayo pupunta?" Aniya.

"Anong saan tayo pupunta? Diba ikaw nagyaya sakin na umalis."

"Biglang nawala sa isip ko yung dapat na pupuntahan natin eh. Suggest ka kung saan maganda."

Bigla akong naka-isip kung saan kami pupunta. Kaya napangisi ako, mehehehe. Sorry Ziggy, I'm gonna make this day as one of your WORST and best day ever.

*****

"W...why here? I... I mean this place is too boring! Walang kabuhay-buhay na lugar. Wala kang maririnig kundi sigawan at tilian ng mga takot na tao." Kalmado pero halata pa rin yung takot sa boses niya.

Huh? Let's see later who's going to scream. I will bring back your memories.

Nilibot muna namin itong Amusement park habang hinahanap yung space shuttle at boom! Spotted it! Bigla ko na lang hinila-hila yung damit ni Ziggy.

"Ziggy! Gusto kong sumakay dun!" Aniko sabay turo sa space shuttle. "Sobrang exciting dun promise!"

"G...gusto mong s-sumakay dun?" Aniya na ngayon ay namumutla na, pfffft! Can't wait to see his face while riding space shuttle.

"Oo! Please! Matagal ko na talagang gustong sumakay dyan eh!" Pagmamaka-awa ko pa.

"Can you r-ride that alone? M-masakit ulo ko eh."

"But I wouldn't be happy if I'm just alone." Wika ko sabay bitaw sa kanya at talagang pinakita ko pa sa kanya yung 'disappointed look' ko sabay lakad papunta dun sa space shuttle.

"Aish!" Narinig kong sabi niya mula sa likuran ko sabay lapit sakin. "C'mon."

"Heyeeeeey! Sabi na eh, hindi moko matitiis."

Mula kanina hanggang ngayon tahimik lang siya sa pila, buti na lang at konti lang nakapila since Monday ngayon wala masyadong tao dito. Nang nasa harap na kami ng pila at kitang-kita namin yung pag-andar ng ride na to. Kung ako excited na ito namang si Ziggy mukhang nagdadasal na sa iba't-ibang lengwahe. Magkahawak kami ng kamay kaya ramdam ko yumg pagnginig niya. Napatingin ako sa kanya at OMG! Ngayon ko lang siya nakitang ganto kaya naman hindi ko palalampasin tong pagkakataong ito at kinuha ko yung phone ko sabay *click*.

Ang cute niya matakot, mukhang hindi niya napansing napicturan ko siya dahil sa kaba at takot.

"Are you scared?" Nakangisi kong tanong pero ganun pa man, I feel bad for him pero tutuloy ko pa rin to, haha.

"No, I'm just.... J-just amazed of what I'm seeing right now."

"You seems terrified, shall we still continue this? Baka ma-ihi ka pa eh, pffftt..." Hindi ko na napigilang matawa.

"No! Of course not! Do I look terrified?! W...why would I be?!" Tinignan ko siya with a 'suspicious look' sabay ngisi. "What's with that look? I'm not scared of that ride!" Patuloy ko pa rin siyang tinitigan. "Let's just ride this! Just to prove to you that I am not scaredy cat."

Napatingin ako sa mga taong nakapila na ngayon ay nagtatawanan na rin.

Goodluck Ziggy, hihi.

*****

Here is the update! Hope you're still reading this lame story, huhu. Mianhe.

Please don't forget to leave a Vote and Comment!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon