Chapter 20: Argument

26.6K 1.1K 12
                                    

««««----------»»»»

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

««««----------»»»»

Janine's Point of View

"Diba sabi ko naman sayo na kapag nalasing ka lang ng konti titigil ka na!" Sermon sakin ni Kuya pagkarating na pagkarating ko dito sa bahay. Hindi ko na sinama si Ziggy dahil baka mabugbog na siya ng tuluyan ni Kuya ngayon.

"Eh hindi ako maka hindi kila Maddy eh."

Sila mama't papa tahimik lang samantalang to si kuya todo maka sermon sakin, o sige palitan niya na yung posisyon ni papa bilang padre pamilya haha.

"What if he did something terrible to you when you were drunk."

"Oa ka kuya ah! Dapat nga mag thank you ka pa sa kanya eh kasi hindi niya ako pinabayaan nung malasing ako."

"Kahit na! Mali pa rin na magkasama ang dalaga at binata sa iisang bubong."

"Alam mo kuya sa sobrang lawak niyang imahinasyon mo narating na nyan ang kalawakan."

"Alam mo... Con-" Aniya na hindi pa maituloy ang sasabihin. "Concern ako sa kalagayan mo."

"Wow naman kuya kailan ka ba naging concern sakin? Eh parang mas ipinapakita mo pa sakin na wag ako makisalamuha sa iba at maging nerd na lang habang buhay!" Sigaw ko sa kanya. "Yun ba!"

"Wag mo akong sinisigawan ng ganyan Janine mas matanda parin ako sayo."

"Yun na nga eh, mas matanda ka kaya ginagamit mong advantage yang pagiging mas matanda mo sakin para sundin kita."

"No, it's not! I'm just being a good brother for you and for that I'm lifting my responsibility to take care of you, besides you're just a girl."

"Do you really think that I can't handle myself?"

"Exactly!"

"Why don't you just mind your own business."

"You're part of my business!"

"Sum this argument up, from now on I am no longer part of it." Aniko sabay tulak ko sa kanya at padabog na umakyat sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko agad akong umupo sa kama ko at nag
twe-tweet ng kung ano ano sa twitter. Wala akong magagawa dahil panganay siya, alam kong siya nanaman ang kakampihan nila mama eh.

Narinig kong may kumatok sa pinto.

"Leave me alone!" Sigaw ko.

"Janine ako to ang napakaganda mong Mama, papasukin mo na ako please."

"I said leave me alone!"

"Anak kapag hindi mo binuksa to magtatampo ako." Seryosong sambit ni Mama.

Wala na akong nagawa kundi ang bukas na lang ang pinto at saka ako bumalik ulit sa pagkaka-upo sa kama.

"Ma kung pagagalitan mo lang ako please lumabas ka na lang po." Aniko na ngayon ay nakayuko.

"Hindi kita pagagalitan at lalong hindi kita sesermonan, ang gusto ko lang ay pagpasensyahan mo na ang kuya mo sa pagiging protective niya sayo."

"Ma bakit ba ganun ka istrikto si kuya?"

"Alam mo anak, komplikado kasi ang naging buhay ng kuya mo ng ganyan ang edad niya katulad sayo." Tumango lang ako habang nakikinig sa kanya. "Kasi anak yung kuya mo dati ay laging nag uuwi ng babae sa condo niya, pinagsasabihan namin siya ng papa mo pero hindi siya nakikinig samin. Ang lagi niyang sinasabi samin ay 'magiging maingat ako' Dahil dun hinayaan namin siya ng papa mo sa gusto niya. At sa hindi namin inaasahan ng papa mo ang naging balita niya samin, na nakabuntis siya. Dumating din ang panahon na pinuntahan siya ng magulang ng babaeng nabuntis niya at sinabihan siyang pakasalan ang anak nila." Hindi na naituloy ni mama ang sinasabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Tapos?"

"Hindi muna kami pumayag ng papa mo na ipakasal siya sa babaeng nabuntis niya, sa halip ay pina check up muna namin siya sa doctor at napag alaman namin na false pregnancy lamang iyon at sa awa ng diyos ay hindi na kami kinulit pa ng pamilya ng babae na pakasalan ang kuya mo."

Bigla akong natulala sa mga narinig ko tungkol sa naging buhay ni kuya. Kaya pala ganun na lang siya maging protective sakin dahil ayaw niyang mabuntis ako ng maaga, marahil ay mas gusto niya pa saking iparamdam kung gaano kasaya ang maging teen ager.

"Alam mo anak natutuwa ako sa kuya mo..." Ani mama tapos tuluyan na siyang naiyak. "Kasi ginawa niyang lesson sa buhay niya ang pangyayaring iyon. Ngayon hindi na siya nag-uuwi ng babae sa condo niya at medyo umiiwas na rin siya sa mga alak."

Napangiti ako. Ganun pala maging concern si kuya.

"O sige anak ah bababa na ako. Dapat bukas magka-ayos na kayo ng kuya mo ah." Tumango ako.

*****

Pagkatapos kong maligo agad akong bumaba para kumain bago pumasok. Nakita ko si kuya na kumakain na sa lamesa kaya naisipan kong tumabi sa kanya. Nagsalin kaagad ako ng kanin at bacon sa pinggan saka agad na umupo sa tabi ni kuya.

"Hi." Aniko.

Hindi siya nagsalita at lumingon man lang, sa halip ay tumayo na siya at naglakad patungong lababo at nagtoothbrush.

Ok kailangan mo pang mag try Janine.

Binilisan ko ang pagkain ko at agad na umupo sa sofa na inuupuan na rin ni kuya ngayon. Kumuha rin ako ng magazine at kunwaring nagbabasa.

Habang kunwarin nagbabasa lumilingon-lingon ako sa kanya pero hindi niya ako nililingon at doon lang nakatuon ang paningin niya sa magazine na binabasa niya.

"Ang ganda na ni Angel Locsin-" Saad ko na agad namang naputol.

"Ma alis na ako ah baka malate pa ako eh." Ani kuya sabay tayo.

"Hindi mo ba isasabay si Janine?" Tanong naman sa kanya ni Mama.

"May kasabay ako." Maikli niyang sagot.

Sasagot pa sana si mama kaso tuluyan na siyang lumabas.

Napasimangot na lang ako. Kakaiba talaga si kuya kapag nagtatampo parang babae!

"Ok lang yan anak. Mainit pa ulo ng kuya mo ngayon pero sa susunod makikipag bati na rin sayo yan."

"Sana nga." Sambit ko. "Sige Ma papasok na po ako."

Naglakad na ako papunta sa school.

*****

Don't forget to Vote and Comment!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now