Chapter 33: Reasons

20.7K 746 11
                                    

ווווו×

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ווווו×

Janine's Point Of View

Kinakabahan akong pumasok dahil pakiramdam ko kapag kinausap ko siya ulit babaliwalain nanaman niya ako. Susubukan ko ulit siyang kausapin kahit na itaboy niya ako. Ngayong alam ko na kung ano ang nararamdaman niya patutunayan ko sa kanya na totoo at tunay ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nang makalapit na ako sa room bigla akong nakaramdam ng kaba, Janine ok lang yan. Hingang malalim!

"Goodmorning ma'am! Sorry po nalate ako." Sabi ko kaya biglang napatigil si ma'am sa pagtuturo at pati na rin yung nga classmate ko napatingin lahat sa akin.

"Oh Miss Ramirez, 3rd period na ng klase saka ka pumasok?"

"Sumakit po kasi tiyan ko kanina ma'am."

"Sige pumasok ka na ng maituloy ko na and discussion."

Tumango naman ako at nagpasalamat saka ako naglakad papunta sa upuan ko, napalingon ako kay Ziggy. Kagaya ng huli ko siyang makita ganun pa rin itsura niya. Hindi ko na lang iyon pinansin sa halip ay umupo na lang ako. Nang maka-upo ako agad naman akong kina-usap ni Maddy na katabi ko lang.

"Anyare sayo? Dalawang araw kang hindi pumasok ah, tapos nung pumunta naman kami sa bahay niyo sabi ni tita ayaw mo daw makipag-usap kahit na kanino." Aniya.

"Ah sobrang sakit kasi ng puson ko nung araw na pumunta kayo."

Tumango na lang siya at buti naman dahil hindi na siya nagtanong. Maya-maya pa ay nagring na ang bell kaya nagsilabasan na ang karamihan para sa breaktime.

Bilis naman ng recess. Kararating ko pa lang eh.

"Oy Janine anyare sayo?" Bungad ni Marga.

"Masakit pakiramdam ko."

"Ngayon hindi na?" Tanong naman ni Kendra kaya napatango na lang ako.

"Tara sa Cafeteria." Yaya ni Maddy.

Habang naglalakad napansin kong hindi na ako masyadong tinitignan ng masama at pinagbubulungan. Siguro nagsawa at natakot na sila. Kung ganun edi wala na akong haters hahaha.

Nang makarating kami sa Cafeteria lingon ako ng lingon. Nasaan na kaya si Ziggy? Hindi ko namalayang lumabas siya kanina. Umupo muna ako sa lamesa samantalang umorder naman sila Kendra at Maddy at naiwan si Marga kasama ko.

"Lingon ka ng lingon. May hinahanap ka ba o may humahanap sayo?" Takang tanong ni Marga.

"Aah wala!"

"Weird."

Bigla kong naalala naiwan ko wallet at phone ko sa locker. "Marga teka kukunin ko lang wallet at phone ko locker naiwan ko kasi."

Tumango lang siya dahil busy siya gamit yung phone niya. Naglakad na ako papunta sa room. Ng makarating ako nagtaka ako dahil iniwan naming nakalock ang pinto dahil kami na lang ang huling lumabas. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa nakita ko.

Nakita ko si Ziggy na naka-upo at may hawak na kwintas na katulad na katulad nung sa akin. I suddenly got goosebumps because of shock and excitement.

Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi ako namamalikmata lang sa nakita ko yun sa condo niya.

"Ziggy." Napalingon siya sakin at nakita ko ang gulat niyang expression kaya agad siyang napabalikwas at itinago sa likuran niya yung hawak ng kwintas. "Wag mo ng itago nakita ko na."

"Nakita ang alin?"

"Ziggy wag ka ng magsinungaling alam kong ikaw yung lalaking naging kaibigan ko ng mga bata pa tayo at alam kong alam mo rin iyon pero bakit hindi mo sinabi?"

Napayuko na lang siya. "Yes, what if I tell you that I'm that kid who gave you a necklace? That kid who became your friend? May magbabago ba? Diba wala naman! So I pretended that I'm not!"

"Eh ano naman ngayon kung malaman kong ikaw yung batang yun? Diba wala rin naman? Kaya hindi mo na dapat ginawa yun."

"Because I'm scared! Natatakot ako once na malaman mong ako yung batang naging kaibigan mo! Baka mawalan ka ng interest sakin at ang mas nakakatakot pa ay baka maging kaibigan na lang ang tingin mo sakin."

"Kung ganun bakit kailangan mo akong iwasan ngayong nalaman mong may gusto rin ako sayo?"

"Dahil ayokong masaktan Janine! Natatakot akong dumating yung araw na hindi mo na ako gustuhin! Natatakot ako dahil baka sinasabi mo lang yun dahil naaawa ka sakin!"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung dalawa niyang kamay. "Ziggy look I'm not doing this because I pity you and I'm not saying I love you ng dahil lang sa awa! Hindi ako nagsasabi sa tao ng I love you kung hindi totoo ang mga iyon."

"You know what, I don't like you anymore." Aniya kaya pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Napabitaw ako sa paghawak sa kanya at nagsimulang humagulgol. "Because I'm already loving you."

Agad akong napatingin sa kanya na ngayon ay nakangiti na. Napatawa naman ako habang umiiyak pa rin. Bigla na lang niya akong niyakap ng napakahigpit. "Siraulo ka! Pinakaba mo ako! Akala ko hindi mo na ako gusto!" Sambit ko habang hinahampas yung likod niya.

"Wag kang manghampas! Parang kamay ni Hulk yang kamay mo eh!" Napabitaw na lang ako sa pagkakayakap and gave him a death glare while wiping my tears. "Mukha kang batang hindi pinasama sa Jollibee." Pang-asar niya pa.

"Nakakainis kayo! Kapag umiiyak ako lagi niyong sinasabi na parang bata ako!"

"Bakit totoo naman ah! Batang hindi binigyan ng kendi."

"Yah! Stop it! I hate it when someone's calling me like that." Apila ko.

"What if I don't want to."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sige pagpatuloy mo yan magtatampo ako." Bigla na lang naging seryoso ang itsura niya.

"Janine tayo na ba?" He said with his pleasing look.

"Hindi hanggang malaman mo yung salitang ligaw."

"Aish! Kailangan pa ba nun?! Pampatagal lang yun eh!" Asik niya habang kamot-kamot yung ulo niya.

"Sige wag mong gawin and we will ended up like this." Pagmamataray ko pa.

"Oh siya siya gagawin ko na po." Walang gana niyang saad.

*****

For the readers who want an update. Ito na po! Taraaaan! Korny ng title wala akong maisip eh , hehe.

Yeaaaaah! Tapos na tayo sa pagiging emo hahahaha. Nakakaloka mag type.

Guyshiiii~ kapag natapos ko na tong story na to please look forward for my new story entitled "Love Me or Leave Me" I will try my best para mas pagandahin ko pa tong story na to kaya please keep reading my fellow readers ^^

Please don't forget to leave a Vote and Comment. Gomawo!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon