Chapter 26: Out of town (Part 2)

24.5K 722 12
                                    

ווווו×

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ווווו×

Janine's Point or View

Matapos naming mag boat tours kung saan napuntahan namin ang twin lagoon, barracuda lake, coron bay at kayangan lake. Nagpunta naman kami sa Malcapuya island na sakop pa rin ng Coron island. Dala na rin namin ang dapat naming dalhin at kasama na dun ang pagkain. Pagkarating namin dito agad kaming nag rent ng cottage, yung iba ay nagpunta sa rest room para magpalit ng suot at yung iba naman naming kasama dito na nag hubad sa cottage at nagpalit ng swim suit at bikini.

Halos lahat sila ay nakapagpalit na ng suot maliban nga lang sakin. May dala akong swin suit dito na binili namin ni Ate Claire pero ayokong suotin dahil kinakabahan ako sa magiging itsura ko. Kung magmumukha ba akong scare crow o magmumukhang manang.

"What are you looking for? You have these too." Maddy stated looking at her boobies.

"Where is the swim suit that we bought yesterday? C'mon wear it." Ani naman ni Ate Claire.

"Hindi na ako sasama dito na lang ako sa cottage."

"Bakit? Natatakot ka bang magka sunburn?" Saad ni Kendra.

Tumango na lang kahit na hindi naman yun yung dahilan ko.

"Then use this." Ani Kendra habang naglalagay ng sunscreen sa katawan niya.

"N-no thanks, I'll just take care of this cottage."

"Take care  ? Private tong cottage natin bes! May pinto kaya walang magtatangkang magnakaw dito." Sabi ni Marga.

Kaming lima na lang ang nandito, yung iba nagsi labas na.

"Hindi na dito na lang ako." Aniko.

"Alam ko na kung bakit ayaw mo." Sambit ni Ate Claire sabay kuha ng swin suit sa bag ko. "Girls I need a little help." Saka sila mabagal na lumapit sakin.

"T-teka anong gagawin n'yo?"

Mabilis nila akong nahawakan sa kamay saka ako hinubaran ni Ate Claire at mabilis na sinuot sakin yung swim suit.

At ayun na nga nasuot na sakin yung swim suit hindi man lang ako nakapalag dahil apat sila.

"Oh diba it fitted you! You can now show them your bench body!" Sigaw ni Marga.

"T-teka lalabas talaga ako ng ganito suot ko." Aniko.

"Exactly." Saad naman ni Maddy.

"Mag twa-twalya na lang ako."

"Hindi!" Saka nila ako hinila palabas.

Wag ayoko! Bata pa po ako! Charot lang.

Pagkalabas namin pinipilit ko pa ring kumawala sa pagkakahila nila pero hindi ko kaya. Lagot na mae-expose na yung pangit kong katawan, please kahit konting privacy lang. Nakita kong napatingin ang mga lalaki sa akin pati yung mga kasama naming babae napatingin din sakin.

What the F is wrong with them? Mukha ba akong tanga sa itsura ko ngayon. Napatingin ako sa pang-ibaba kong katawan at mabilis kong tinakpag gamit lang ang kamay at braso kaya hindi siya tagong-tago.

Oh My Gosh! Anong gagawin ko ngayon.

"Janine you really have a nice body." Ani Damon.

"Yeah! I've never expected that you've got a nice body." Sabi naman ni Hunter.

"Okay guys stop looking at her with that suspicious look, para na kayong aso na naghahanap ng buto." Saad Maisie, isa rin siya sa mga classmate namin na kasama.

"C'mon Janine join us." Sigaw ni Scarlette kasama ang iba naming kasama na nasa dagat at nagtutuwaan.

Sumama na ako sa kanila at nagsayang maligo. Kahit papaano na boost yung self-esteem ko at wala kaming ginawa kundi ang magkatuwaan.

Matapos naming magbabad sa dagat ng dalawang oras. Sa Manquinit hot spring naman kami pumunta kung saan makakapag relax kami.

Hindi na kami nagtagal sa Manquinit dahil maggagabi na rin kaya nag decide kami na bumalik muna sa private resort. Nang makarating kami sa resort bagsak kaagad ako sa higaan. Maaga rin akong matutulog ngayon dahil kailangan naming gumising ng umaga bukas para mag punta naman sa Puerto Princesa.

Yung mga classmates ko naman kasama si Ate Claire nasa living room at umiinom ng liquor. Bahala sila basta ako matutulog ng maaga.

*****

Pagkagising ko pumunta ako sa Cr para maghilamos at mag toothbrush. Matapos kong gawin ang morning routine ko lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina at nagulat ako ng nakita ko si Ziggy na kumakain.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Awkward moment bes. Para akong tanga na nakatayo at nakatingin lang sa kanya.

"Join me." Aniya na nagpatayo ng balahibo ko, Janine calm down. Tumayo siya kumuha ng panibagong plato saka niya inilapag sa tabi ng plato niya.

Umupo ako sa tabi niya kasi dun niya nilagay yung plato at naghain ng pagkain. Tahimik lang kami na kumkain, walang imikan, ang tanging maingay lang ay yung kutsara at tinidor na tumatama sa plato.

Buti na lang at nagsigising na rin sila kaya kahit papaano ay nawala yung awkward at kaba na nararamdaman ko. Mga ilang sandali pa ay dumating na si Mark dahilan para maghanda kami.

Ginising na namin ang iba pang tulog at pagkatapos ay bumyahe na rin kami papunta sa Puerto Princesa. So far nagandahan kaagad ako dito dahil sa ganda ng place.

As usual nag private tour muna kami at iginala dito sa Puerto Pincesa. Matapos ay nag Underground River naman kami kung saan boat ang gamit namin at mga ilang sandali ay pumasok kami sa Underground River. Ang ganda dito, talagang mamamangha ka sa makikita mo at mag eenjoy ka talaga dito sa sobrang ganda.

Pagkatapos namin sa Underground River nag zipline naman kami at ang saya na nakakatakot kasi sobrang taas tapos ang layo pa ng tatawiran ng zipline pero talagang worth it.

After ng zipline ang pinakahihintay ng lahat ay yung scuba diving. Wooh! I'm so excited. Pagkarating namin dito may sinabi yung lalaki na kung ano ang gagawin at hindi dapat namin gawin sa ilalim ng dagat, matapos ay nagsuot na kami ng mga susuoting pangswimming, ang sunod ay nag dive na kami sa dagat.

I swear sobrang ganda dito sa ilalim ng dagat. Makikita mo ang iba't-ibang coral reefs na sobrang ang gaganda, makikita mo rin ang mga lumalangoy na isda.

Hindi rin kami masyadong nagtagal at umahon na rin kami pataas at saka kami bumalik sa resort.

*****

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon