Chapter 17: Protective Brother

28.9K 859 10
                                    

««««----------»»»»

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

««««----------»»»»

Janine's Point of View

Matapos niyang i-park ang kotse niya sa tapat ng bahay bumaba kaagad ako at pumasok na sa bahay. Sumunod naman sakin si Ziggy dahil nahihiya naman akong pauwiin na lang siya ng ganun ganun lang.

Pagkapasok ko ng bahay bumungad sakin sila mama't papa na aligagang lakad ng lakad sa bahay habang may kausap sa phone. Kahit sila kuya may kausap rin sa phone.

"H-hello..." Bungad ko sa kanila na napatingin naman sakin.

"Anak! Saan ka ba nagpunta ha! Kanina pa kami hanap ng hanap sayo. Ilang tao na rin ang natawagan namin para lang matanong kung nakita ka nila." Nag-aalalang tanong niya habang hinihimas-himas ako mukha ko.

"Ma may tao oh..." Nahihiyang sambit ko habang nakanguso kay Ziggy.

"Hoy ikaw." Ani kuya na matalim na nakatingin kay Ziggy. "Where the f*ck did you bring my sister?!"

"Kuya..." Saway ko sa kanya.

"Don't just look at me, I'm talking to you." Sambit niya sabay hawak sa kwelyo ni Ziggy at hinila.

Agad namang pinigilan ni papa si kuya at pumagitna siya sa kanilang dalawa.

"Ano bang nangyari at ngayon ka lang nakauwi Janine." Tanong ni Papa.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ano kasi... Ganito kasi yun." At saka ko kinuwento ang pangyayaring kanina nung nakulong kami sa storage room. Matapos din yun kumalma na si Kuya at pina stay pa nila mama si Ziggy ng saglit bago siya umuwi.

Nang makauwi na si Ziggy agad naman akong umakyat sa kwarto ko dahil sa kanina pa ako pagod na pagod. Napahiga ako sa kama ko at kinuha ko yung phone ko sa bag ko, agad ko naman iyong binuksan at nakita ko ang napakaraming tawag mula kila Papa, Mama, Kuya at sila Maddy.

Ci-nall back ko si Maddy at naghintay lang ako ng ilang segundo sinagot niya rin.

[Ow. Where are you? Are you alright? Napatawag ka?]

"Actually nasa bahay na ako eh at ok naman ako."

[Kanina kasi alalang-alala yung Mama mo sayo eh]

"Oo nga eh. Muntik pa ngang mabugbog ni kuya si Ziggy kanina eh."

[What? You're with Ziggy all day long?]

"Uhm... Yes he's been here a while ago."

[How?] Mausisa niyang tanong.

"Nakulong kasi kaming dalawa sa storage room kaya nawala ako kanina at nung nakalabas na kami hinatid niya na rin ako pauwi." Matapos kong magpaliwanag wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya. "M-maddy nandiyan ka pa ba?"

[Ha?! Oo I'm still her... Uhm.. Ah kaya pala. So paano bukas puntahan ka na lang namin diyan ah. Party! Party!]

"Huh? So pumaya–"

[Toot-toot]

Great binaba niya na. So pumayag yata sila Mama. Bababa sana ako para tanungin si Mama, ng bumukas ang pinto at bumungad sakin si Mama na may hawak na malaking box.

"Hi sweetie! I'm so excited for you tomorrow."

"Excited ka Ma? Parang hindi nga eh kasi excited na excited ka na."

"Ano ka ba naman anak talagang natutuwa lang ako sayo."

"Oo na ma pero parang kinakabahan ako eh. F-feeling ko hindi ako bagay dun."

"Ok lang yan sweetie, sa umpisa ka lang naman mawiwirduhan sa loob ng bar pero masasanay ka rin."

"What do you mean masanay? This would be the first and last time." Sabi ni Kuya na nasa pintuan nanaman. Seriously? Lagi niya na lang ba gagawin yan kapag naguusap kami ni Mama

"Pumayag ba si kuya? Alam mo namang security guard ko yan eh." Bulong ko kay mama.

"Oo pero... sasama daw siya." Napatingin ako kay kuya na agad namang pumasok sa kwarto niya. "Oo nga pala. Ito oh binilhan na kita ng dress na susuotin mo bukas."

Sabay bukas ni Mama ng malaking box na dala niya. Ang ganda ng dress, sleeveless dress siya at yung itsura niya ay color white blue sa itaas samantalang yung sa baba ay color pink na may design na floral tapos may ribbon pa na color red sa gitna o sa bandang bewang ko na kapag sinuot ko. So yan pala yung susuotin ko bukas, ewan ko pero bigla akong naging excited bukas.

****

"Oh my God ang ganda mo Janine!" tuwang-tuwang saad ni Marga habang inaayos niya rin yung suot niya.

Nandito na sila kanina pa. Sila Maddy, Kendra at Marga. Sinadya talaga nilang agahan para dito na rin mag ayos at ngayon pa bago lang ako sa party kaya kinakabahan na ako ng bonggang-bongga.

"Oh kumain muna kayo bago umalis." Saad ni Mama.

Mula dito sa kwarto naaamoy ko na yung napakasarap na chicken teriyaki.

Pagkaupong pagkaupo namin kumain kaagad kami dahil sa amoy na nanghihikayat na kainin na namin to.

"Sarap po tita ah. Saan niyo po natutunan ang pagluluto nito?" Tanong ni Maddy na ngayon ay sarap na sarap sa pagkain.

"Well natutunan ko ang pagluluto ng chicken teriyaki ng tumira kami sa japan." Ani Mama.

Yes remember lumipat kami ng bahay dati dahil sa naging kaibigan ko. Ang liit na bagay no? Anyway forget about it.

"Oy Janine anong oras ang alis." Ani kuya na basa pa ang buhok habang hinahawi ng mabilis ang buhok niya para matuyo. Sa totoo lang ang gwapo ni kuya ngayon, mukha siyang gentleman kahit hindi naman.

"Mga 5:30pm daw ang alis."

"Christian kumain ka muna kaya." Hikayat sa kanya ni Mama.

"Hindi na Ma wala rin naman akong maupuan eh."

Napatingin ako sa tabing upuan ni Marga *evil grin*

"Kuya dun oh sa tabi ni Marga."

At hindi rin naman nagreklamo si kuya umupo na siya sa tabi ni Marga. Haha kenekeleg ako.

Matapos naming kumain naghanda na kami ng mga dadalhin at nag-ayos rin ng konti sa mukha.

"Ma alis na po kami." Sigaw ni Kuya ng makalabas na kami.

"Oh sino magdadrive wala si manong." Tanong ko.

Hindi nagsalita si kuya sa halip pumasok siya ng sasakyan at umupo sa driver seat.

"Marga what if dun ka na lang sa harap umupo, hindi tayo kasyang apat." Ani Kendra.

"Mukhang magiging masaya ang party!"

*****

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now