Chapter 43: Suffer

19.9K 600 12
                                    

ווווו×

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ווווו×

Ziggy's Point Of View

'She's in coma'

Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko at paulit-ulit na tumutusok sa puso ko.

"Doc, mali kayo ng sinabi diba?" Nanginginig na banggit ni Tita.

"I'm sorry Ma'am." Yung na lang yung nasabi ng doktor saka siya umalis.

Napaupo ako at natulala sa kawalan, hindi ko alam kung kaya ko bang makapasok sa kwartong yun.

"Ziggy musta na si Janine? Was she fine? Ziggy sagutin mo ako." Napatingin ako sa taong nasa harapan ko ngayon ng bigla na lang nagdilim paningin ko.

"Umalis ka dito." Cold kong banggit.

"Ziggy nag-aalala lang ako. Kasalanan pa rin nating dalawa to."

"Sabing alis eh."

"Hindi ako aalis." Sabi niya sabay lakad niya papuntang room kung nasaan si Janine. Pero bago pa siya makapunta dun mahigpit kong hinawakan yung braso niya. "Ziggy ano ba! Let me go, masakit!"

"Ziggy, Madison? Anong nangyayari dito?" Ani Tita na kalalabas lang galing ICU kaya agad kong binitawan yung braso ni Madison.

Kumaripas ng takbo si Madison papunta sa Mama ni Janine. "T...tita? Kumusta na po si Janine? I heard na na-aksidente siya." Alala nitong sambit.

"Comatose siya, kailanga niya rin ng dugo for the blood transfusion pero wala kaming mahanap na mag mamatch sa blood type niya." Aligagang sambit ni Tita.

Sa mga narinig ko lumapit ako sa kanila. "Tita what do you mean? Hindi ba dapat magkapareho kayo ng bloodtype? Or ni Tito?"

Dahan na dahan siyang napailing, saka lang biglang pumasok sa isip ko ang posibleng rason. Bigla akong napa-isip kung bakit siya pumunta sa bahay ng ganung oras. Was it because she found out that she's adopted? If that is the case, I shouldn't have let that happen. Bakit ba kailangan pang mangyari to? Doble na ang sakit na nararamdaman niya tapos nacoma pa siya ngayon. Mas gugustuhin ko pang ako na lang sumalo lahat ng sakit na nararamdaman niya. I need to do something for her blood transfusion.

"Tita what's her blood type? Maybe I can help her."

"Type B."

"Oh god, magka match kami ng blood type. Tita I'm willing to donate my blood for Janine."

"Madison thank you so much! Thank you very very much!" Ani Tita sabay yakap kay Madison. "I don't know what to do if you weren't here."

Dahil sa inis lumabas muna ako ng hospital. Pumunta muna akong 7/11 para magpalamig ng ulo. Kainis, wala man lang akong nagawa. Sobrang naguguilty ako sa mga nangyari kay Janine. I should be there when she needed a hand. Madison can probably breathe now, I'm responsible for what had happened to her. First and foremost I'm her boyfriend, second she trusted me, considering the fact that I was the first person she could think of when she found out the truth that she was adopted but I betrayed her. She told me everything about her, wala na siyang tinatagong sikreto sa akin samantalang ako hindi ko pinagkatiwalaang maiintindihan niya yung past namin ni Madison. I feel really guilty, she lifted too much weight and I didn't even help her.

Umalis na ako ng 7/11 at nagpunta naman ako sa malapit na bar. Nang makarating ako nagrequest kaagad ako ng VIP seat then nag order narin ako ng alak. Pagkadating na pagkadating ng mga alak na inorder ko agad ko itong ininom.

*****

Madison's Point Of View

"Madison thank you so much talaga, you're truly a good friend." Ani Tita matapos ang blood transfusion.

I somewhat feel guilty. Ginagawa ko lang naman talaga ko para labas na ako sa isyung to. These past few months na paggagamit ko kay Janine wala akong naramdamang guilt pero ngayon na sinasabi ni Tita na totoo akong kaibigan, pakiramdam ko pati yung mama ni Janine niloloko ko na rin. It hunts the conscience left inside me, it torments my weakest spot which is my decency. My heart dominated my entire brain to the point that things like this is inevitable, but still I'm a human to feel the pain as well. Janine did nothing but to be a good friend of mine, I never see her being bitch in front of me, I never see her doing terrible things as I was doing.

"Uhm... Tita I have something to tell." Aniko.

"What is it, my dear?"

Huminga ako ng malalim at akamang sasabihin na yung totoong nangyari ng bigla na lang kumalabog ng malakas yung pinto kaya naman natuon ang paningin naman sa direksyon ng pinto at nakita namin ang lasing na si Ziggy.

"Janine? G...gising na ba siya?" Tanong niya habang pasuray-suray na naglakad patungo kay Janine.

As soon as I saw him holding Janine's hand makes me jealous. Gusto kong ako yung nakahawak sa kamay niya, gusto ko ako yung iniisip niya, gusto ko ako yung ina-alala niya at gustong-gusto kong ako na lang yung mahalin niya. Pero mukhang malabo yun dahil kitang-kita ko kung gano kamahal ni Ziggy si Janine.

"Z...ziggy, lasing ka ata. Hindi magugustuhan ni Janine yan." Ani Tita.

"Tita I'm not drunk... I'm okay, Janine needs me. I can take care of her." Tugon ni Ziggy.

"Mas makakabuti kung umuwi ka muna at bumalik ka na lang dito bukas kung gusto mong ikaw ang magbantay sa kanya."

"Ihahatid ko na siya pauwi. Tita ako na bahala sa kanya." Sabi ko at agad na inalalayan si Ziggy patayo. Inalalayan ko siya palabas ng hospital hanggang sa kotse at wala siyang ibang bukambibig kundi si Janine. "Naka ilang alak ka ba? Lasing na lasing ka oh."

"Janine..... Gumising ka na. Please, hayaan mong itama konyung mga maling nagawa ko." Paulit-ulit nitong sabi.

Pina-andar ko na yung kotse kasabay ang pagtulo ng luha ko. Naiinis ko dahil pati sila Kendra ay ang sama na rin ng tingin sakin, hindi nila ako kayang intindihin dahil wala sila sa kalagayan ko.

Mahal ko si Ziggy. Mahal na mahal ko siya to the point that I can sacrifice myself just for him, but even if I did that nothing would change. I love him and he loves someone else, that's it.

Nang marating ko ang condo agad ko siyang inalalayan palabas ng kotse. Agad ko siyang dinala sa unit ko.

"Janine wag ka ng magalit sakin Janine please. I love you. I love you. Janine..."

"Could you please stop mentioning her name! Wala siya dito at ako yung nandito, she was just physically suffering but look at me. I'm mentally suffering. Hindi mo alam kung gaano kasakit sakin na nakikita ko kayong dalawa na magkasama, masakit sakin na imbis na mahalin mo ko, kinamumuhian mo ako. Ako yung taong nasa tabi mo ngayong wala siya. Bigyan mo naman ako ng kahit kakaunting simpatya, yung maramdaman ko lang sana na kahit papaano ay may paki ka pa rin sakin." Hindi ko na napigilang maiyak.

Bigla niya na lang akong sinukahan. I smirk as I look at him.

"I guess you can't love me anymore."

*****

Updated! Hihi.

Please leave a Vote and Comment, Thank you guys!

Hope~~~ you like it.

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon