Chapter 25: Out of town (Part 1)

26.4K 763 28
                                    

ווווו×

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ווווו×

Janine's Point of View

"Oh anak nakahanda na ba lahat ng mga dadalhin niyo?" Ani Mama.

Ngayon na kasi yung punta namin sa palawan, kaya eto mas excited pa si Mama kesa samin. Naghahanda na kami ng mga dadalhin namin ngayon kasama sila Maddy, Kendra, Marga, Harry, Cameron at Ziggy. Ewan ko nga kung bakit ako pumayag isama pa yung dalawang ugok na sila Harry at Cameron eh, si Ziggy naman dahil kaibigan ko na siya ako na mismo ang nagyaya sa kanya. Nung una pakipot pa siya pero sasama rin pala.

Kasama rin namin ngayon yung iba naming classmate, so ang mangyayari magkikita-kita na lang kami sa airport at syempre hindi pwedeng wala kaming passport.

"Yung totoo ma? Mas excited ka pa samin eh." Saad ko.

"Syempre hinahanda ko lang baka may makalimutan kayo eh, by the way ilang araw ba kayo magtatagal dun?"

"One week po yata tita, hindi po ako sure kasi marami pa po kaming pupuntahan dun." Sagot naman ni Ate Claire.

Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko sa bulsa kaya kinuha ko.

1 message from Lucy.

Hey Janine! Paalis na ba kayo? Nasa byahe na kami.

Agad naman akong nagreply.

To Lucy: We are on our way.

"Guys nasa byahe na sila Lucy. Tara na."

Nag-ayos na kami ng konti saka kami lumabas at sumakay sa kotse. I immediately put my earphones dahil sa nabibingi ako sa katahimikan dito. Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa airport at dun na namin nakita sila Lucy na naghihintay. Marami sila mga 10 yata, okay lang dahil halos lahat naman sa kanila close ko na eh.

"Ang dami niyo naman pala." Sambit ni Ate Claire na nakikipag kilala, kila Lucy. "We're just in time, let's go."

Pumasok na kami sa loob ng airport, mga ilang saglit lang ay nakasakay na kami ng airplane umupo kaagad ako sa upuan na tabi ng bintana. Nakita ko na tumabi si Ate Claire kay Maddy, hala sino katabi ko neto? Ayoko ng stranger na katabi ang awkward. Mga ilang saglit ay may umupo na lalaki sa tabi ko kaya napatingin ako at nagulat ako ng si Ziggy iyon.

Ewan ko pero feeling ko mas awkward kung makakatabi ko siya kesa sa hindi ko kilala. Nagtataka ako kasi these past few days I'm usually talk to him but now my mouth refuse its own to have a conversation with him, don't know why. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito, kumakabog yung dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

Napag desisyunan ko ng pumunta muna sa comfort room. Pagkarating ko sa comfort room. Naghugas muna ako ng kamay saka ko tinignan yung itsura ko sa salamin.

Do I look ugly? Hindi ako satisfied sa itsura ko kaya kailangan kong mag retouch ng konti, naglagay ng light lipstick at inayos ko na rin yung buhok ko. Buti na lang at nadala ko yung make up kit ko.

Wait?!

Bakit ako nagkakaganito? Anong nangyayari sakin? Bakit feeling ko kailangan kong maging maganda sa harap niya. Janine wag ka nga mag-isip ng ganyan, isipin mo na ang haggard mo na kaya ka nag mi-make up. Haaay! Nababaliw na ako kinakausap ko pa yung sarili ko.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas, pumunta kaagad ako sa upuan ko napansin ko pa na kumunot yung noo ni Ziggy ng makita ako, hala napansin niya yata. Hindi ko na lang yun pinansin sa halip ay pinilit ko na lang makatulog.

Nang makaramdam na ako ng antok hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng ulo ko dahil sa bigat. Ilang beses na nga akong napapaganun kaya mukha akong tanga. Nakaramdam ako ng kaba ng kalabitin ako ni Ziggy kaya napatingin ako sa kanya.

"You can use my shoulder as a pillow." Aniya.

Tug tug... Tug tug... Tug tug...

Mga ilang segundo pa ako nakatingin sa kanya bago mag sink in sa utak ko yung sinabi niya kaya humiga na lang ako sa balikat niya.

Hhmmp.... Ang bango! Feeling ko nawala yung antok ko sa bango nya charot!

*****

"Wake up, I think we're here." Nagising ako kaagad ng marinig ko ang maamong boses ni Ziggy.

Nakita kong nagsisibabaan na yung iba kaya tumayo na rin ako. OMG! Nandito na kami! Pagkababa namin may nilapitan ni Ate Claire na lalaki yun na yata yung Mark na sinasabi niya. Nag-usap sila saglit tapos nagsisakayan na kami sa van.

Mabuti na lang at dalawa yung pinadala niya na sasakyan kung hindi nagsiksikan na kami sa iisang sasakyan.

Nang makarating na kami sa resort pinapunta kami ni Mark dun sa private resort. Maganda naman dito kasi kami-kami lang dito at kahit papaano may privacy kaming mga babae.

Hiwalay naman yung room ng mga babae sa lalaki eh. Dapat lang! So sa isang kwarto tatlong tao kasya na kaya magkakasama kami nila Maddy at Ate Claire sa isang kwarto.

"So guys I'm hoping that you have gained too much energies in 4 hours trip because we have a lot of destinations here in palawan." Sabi nung Mark na kaibigan ni Ate Claire. "And by the way just consider me as your tour guide." We all took a sigh in disbelief, I mean we just arrived here but they're forcing us to move again.

Matapos nun ay nag-ayos na kami ng dadalhing gamit saka kami bumiyahe ulit papuntang Coron Island. Yun ang una naming pupuntahan bago ang Puerto Princesa. Although dalawang islands lang yung pupuntahan namin ang dami namang activies ang magagawa namin. Exciting diba?

Mga ilang minuto ay nakarating na rin kami sa Coron Island at ang una naming ginawa ay yung boat tours. Pagkasakay namin sa boat agad kaming iginala dito sa mga islands at lakes. Ilang beses kaming nagi-stop at kada stop ay ang daming sinasabi ng tour guide namin na si Mark about sa mga pinupuntahan namin at bukod diyan nagkakatuwaan rin kami kasi every stop nag seselfie kami.

Habang nagkakatuwaan nagkabangga kami ni Ziggy kaya bigla na lang akong kinabahan. Ewan ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong kaba kapag nagkakatinginan at nagkakadikit kaming dalawa. Ang awkward ng feeling kasi nag hihintayan kami kung sino ang unang magsasalita.

*****

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon