Chapter 44: Dead And Alive

23.2K 625 36
                                    

ווווו×

Ziggy's Point Of View

Nagising ako sa pamilyar na kwarto, alam ko kung nasaan ako kaya nagmadali akong tumayo para umalis dito ng makaramdam ako sakit ng ulo. Marami akong nainom kagabi kaya siguro hindi ko alam na dinala na niya ako dito. Hindi ko na inintindi pa ang sakit ng ulo ko dahil ang importante ay makapunta kaagad ako sa hospital. Janine needs me, gusto kong bumawi sa kanya, gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ko na siya bibiguin pang muli. Bubuksan ko na sana yung pinto ng bigla na lang itong bumukas at tumambad sa harap ko si Madison.

She's holding a tray that contains a soup and a glass of water. "Where are you going? Stay here for a moment." She said with her pleading look.

"Janine needs me."

"I need you too, please stay."

Hindi na ako nagsalita pa at marahan ko siyang tinulak patagilid at agad akong naglakad papuntang pinto ng makarinig ako ng nabasag na gamit kaya agad akong bumalik sa kwarto and I saw Madison lying on the floor while she tries to kill herself by stabbing her wrist using the fragment from the broken glass.

Dali-dali kong hinawakan yung mga kamay niya para pigilan. "Don't stop me from doing this! It would be better if I die rather than seeing you loving someone else."

Kinuha ko yung hawak niyang bubog at hinagis ko palayo. She passed out right away due to the wounds on her wrist. I immediately lift her and ran as fast as I can. When I reached the outside of the condo building, I quickly call out a taxi and ride it immediately.

"Manong pakibilisan po ang pagdadrive papuntang hospital." I took off my jacket and tie it on her wrist that won't stop bleeding.

Nang marating namin ang hospital agad ko siyang tinakbo papasok at tinulungan naman ako ng mga nurses na alalayan siya pahiga sa stretcher at agad na dinala sa emergency room.

Napahinga ako ng malalim. Why does it have to happen in my life? Maging kamay ko puro dugo na rin. May lumapit sakin na nurse and start asking me.

"Kaano-ano niyo po ang pasyente?"

"Don't ask me, I'm nobody to her. Siya na lang ang tanungin niyo pag nagising na." Sabi ko sabay punta sa rest room at naghugas ng kamay, agad ko ring tinawagan si Meghan, kapatid ni Madison. Pagkatapos ay pumunta kaagad ako sa room kung nasaan si Janine, pagkapasok ko kwarto nakita kong natutulog sa upuan si Tita kaya ginising ko.

"Uhm... Tita gising na po kayo at magpahinga na lang sa inyo, ako na bahalang magbantay kay Janine." Nagising naman si Tita.

"Sige, balitaan mo na lang ako kapag nagising na si Janine ah." Ani Tita sabay halik sa noo ni Janine bago umalis.

Pagka-alis ni Tita kinuha ko yung upuan at nilapit sa higaan niya saka ako umupo. I look at her innocent face. The innocent girl who was abused by the person she considered a friend and condemned by her boyfriend. "Janine wake up please, I wouldn't forgive myself if something even worse happened to you. As soon as you wake up we will start off with trusting each other and this time mo more betrayal, I love you Janine." Mabilis na tumulo mga luha ko habang sinasabi ko yung mga salitang yun.

*****

3rd Person's POV

Tumunog yung heart rate monitor hudyat na hindi na humihinga ang pasyente. Hindi na napigilan ng mga tao ang maiiyak ng mapagtantong hindi na humihinga ang pasyente. Maging si Ziggy na nakatayo lang sa tabi ng pinto ay hindi na rin napigilang maiiyak.

"We did everything we can to save the patient. Sad to say Ma'am the patient is dead." Saad ng doctor bago lumabas ng room.

"I'm sorry, I couldn't save you." Bulong ni Ziggy sa sarili.

*****

Ziggy's Point Of View

2 months later...

Matapos kong bumili ng dalawang  bulaklak sumakay na kaagad ako sa sasakyan at nagdrive papuntang simenteryo. Bibisitahin ko lang yung taong nagparamdam sakin kung gaano niya ako kamahal, yung taong minahal ko at yung taong alam kong pinagmamasdan ako mula sa langit. Siguro masaya na siya, I hope she's in a good hand.

Nang makarating ako sa simenteryo bumaba ako dala ang isang bulaklak, agad akong tumungo kung nasaan yung puntod niya. Agad kong pinatong yung bulaklak sa puntod niya at umupo ako sa harap.

"Madison, until now I still feel the guilt. Maybe you're still alive if I didn't leave you, yan ang laging nasa isip ko simula nung mamatay ka 2 months ago. I kept blaming myself of what was happened, hindi ko gustong mangyari sayo yun sa kabila ng pagkagalit ko sayo. Kaya please once again accept my apologize, I'm so sorry."

Biglang nagring yung phone ko at pagkatingin ko tumatawag si Tita kaya agad kong sinagot.

[Ziggy pumunta ka na dito bilis!] Sabi ni Tita sa kabilang linya.

"B-bakit Tita? Did something happened?" Taranta kong sagot pero bigla na lang binaba ni Tita yung telepono.

Dahil sa kaba nagmadali akong sumakay sa kotse at nagdrive ng mabilis papunta sa hospital. I feel strange, sa tono ng pananalita ni Tita feeling ko nininerbyos siya. Lord wag naman sana, maghihintay ako kahit kailan basta magising lang si Janine.

Wag naman pati siya mawawala pa, mahal na mahal ko si Janine. Ayoko siyang mawala. Nang makarating ako sa Hospital agad akong pumunta sa room niya at nagulat ako ng makitang umiiyak si Tita habang si Janine naman ay pinapatahan siya sa pamamagitan ng paghimas sa likod nito.

Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo luha ko ng makitang gising na si Janine. Halong excitement at saya ang nararamdaman ko ngayong nakikita ko yung mga mata niya.

"M...ma okay lang. Wag ka ng umiyak." Sabi niya. 

Hindi ako makapaniwala na narinig ko siyang magsalita, mahigit dalawang buwan kong hindi narinig yung boses na gustong-gusto kong marinig.

"Janine I'm so sorry talaga." Tugon ni Tita.

"Janine..." Pagkasabi ko nun napatingin siya sa direksyon ko. "You're awake, you're finally awake."

*****

Hope you guys like this chapter because this chapter is one of my favorite.

Anyways, if you did like it Please leave a Vote and Comment! Thanks!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now