Chapter 9: Look Alike

33.6K 1K 26
                                    

««««----------»»»»

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

««««----------»»»»

Janine's Point of View

"I knew you will like it." Tuwang-tuwang wika ni Grande [AN: Yung baklang nag-ayos sa kanya.] Tumango ako habang tuwang-tuwa ring nakatingin sa sarili ko.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala..." Wika ko na manghang-mangha pa rin sa aking itsura.

"Yung mga babaguhin na lang sayo ay yung...." Wika nito habang sinusuri ang aking mukha. "Napakalaki mong salamin. I think mas maganda kung mag contact lens ka na lang at of course the way you dressed up should be change."

Dumating naman na sila Marga at Kendra.

"Uy Grande! Tapos na b-" Natigilan si Marga sa dapat niyang sabihin nung naibaling niya ang kanyang paningin sa akin at sinabing. "Holyshit Janine?"

"Nerd?"

"Janine you're so beautiful than I was expecting." Malakas na sigaw ni Maddy. Habang niyuyugyog niya ako.

Matapos nun nagbayad na si Maddy dapat nga ako yung magbabayad eh kaso nga lang ayaw niya talaga. Nandito na kami ngayon sa loob ng mall habang naglalakad.

"Sabi sayo konting ayos lang yan Janine eh. Ow look at you, you're so beautiful." Tugon naman ni Maddy habang nag ti-twinkle yung mga mata niya.

"Guys ayun oh. Optical shop." Ani Kendra.

Pumasok kami.

"At this time ako naman ang mang lilibre sayo." Tugon ni Marga habang tinitignan yung mga contact lens at eyeglasses.

Grabe napaka linis dito tapos ang ganda ng pagkakaplace ng mga eyeglasses at mga contact lenses dito.

"Janine come here." Siba ni Maddy tapos lumapit ako. "look at this one." Sabay turo sa contact lens na color blue. "Cool right?"

"Magmumukha naman akong foreigner niyan, mas ok to." Sabay turo ko naman sa contact lens na light brown ang kulay.

"Kunin mo na." Napatalon ako sa biglaang pagsulpot ni Marga sa likuran namin "Kunin na namin yung contact lens na light brown."

Lumapit yung saleslady sakin tapos tinanong niya sakin kung ilan yung grado ng magkabilang mata ko tapos nagulat siya kasi ang taas daw ng grado ko. Well natural na sakin yun.

Hinubad ko yung salamin ko saka ko sinuot yung contact lens, hindi na bago sakin ang pag suot ng contact lens kasi dati na akong nag susuot nito. Pagkasuot ko ng contact lens tumingin ako sa salamin as usual hindi ako sanay ng walang napakalaking salamin.

Inagaw sakin bigla ni Maddy yung salamin ko at sinuot sabay harap sa salamin.

"Oh my god! Bagay pala sa akin itong eyeglasses mo." Tuwang-tuwa nitong sabi habang ginagalaw-galaw yung malaking salamin na nakapatong sa napakatangos niyang ilong.

"Oh my god Janine natotomboy ako sayo." Wika ni Marga na nasa likod ko nanaman.

"Ngayon papalitan naman natin yang damit mo." Medyo excited na tugon ni Kendra. "Nerd I'll promise you kapag nagustuhan kita pagtapos nito hindi na kita tatawaging nerd."

Matapos nun hinila na ako ng tatlong excited papunta sa store ng Mommy ni Kendra dito sa Trinoma. Ang dami nilang piniling damit para sakin hala ito nanaman sila.

"Oh My God nerd feeling ko halos lahat ng dress dito kasyang-kasya sayo pag sinukat mo." Wika ni Kendra habang abala sa pamimili ng mga dress ay mali pala habang paghahalungkat ng mga dress sa shop nila. Grabe halos lahat ng nakikita niya kinukuha niya.

"Ang dami naman yata niya Kendra." Nagtataka kong wika.

"Shut up may hinahanap akong dress. There you are!" Sabay kuha sa dress na black & white. "Pumunta kang fitting room at sukatin mo to." Excited niyang wika.

Pumasok akong fitting room at saka ko sinukat. Ano ba yan hindi ako sanay sa mga ganitong damit eh. Pantalon lang okay na ako eh. Lumabas ako at lumapit sa kanina at bakas sa kanilang mukha ang pagkamangha. Pero ang mas nakakuha ng aking pansin ay yung tingin ni Maddy na para bang nakita na niya ako dati at para bang may inaalala siyang tao.

"Oh my? Janine is that you?" Halos hindi makapaniwalang tugon ni Kendra. 

"Ow! Siya ba yung sinasabi mong friend mo na dadalhin mo dito Kendra." Wika ng Mommy ni Kendra habang sinusuri ako. "She's beautiful." Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Halos kasya na lahat ng mga dress ko sayo!" Wika niya habang kinakapa-kapa ang baywang ko.

Humiwalay siya sakin saka ako lumapit kila Maddy.

"You looks like ate Meghan." Misteryosong tono ng pananalita ni Maddy habang sinusuri pa rin ako. At ano daw?! Kamukha ko si ate Meghan! No way ang layo kaya ang ganda ganda nun eh.

Meghan Morgan is an older sister of Maddy so there's no way I'm look like her.

"N-no way." Ani ko.

Lumapit naman sila Marga at Kendra sakin pati yung Mommy ni Kendra lumapit rin.

"Yeah I think so too." Tugon naman ni Marga na hindi rin makapaniwala.

"You got her nose and eyes, they looked hundred percent similar." Ani naman ni Kendra na hindi rin makapaniwala.

Seriously? Ako? Hindi talaga. Hinding-hindi.

Habang naglalakad-lakad kami dito sa Trinoma paulit-ulit parin nilang sinasabi na kamukha ko daw si ate Meghan. Actually hindi talaga. Dahil sa gutom naisipan namin kumain sa pizza hut and this time ako naman yung magbabayad tapos ako narin yung pumila sa counter nang may kumalabit sa aking lalaki nakapila rin siya kagaya ko.

"Hi Miss Beautiful." Wika nito sabay lahad ng kamay ewan ko lang kung tatanggapin ko ba o hindi kasi naman eh tinawag niya akong beautiful. Parang ayaw kong maniwala baka pagtripan lang ako nito eh. "By the way I'm Harry Wilson."

Nakipag shake hands na lang ako sa kanya.

"Janine Ramirez." Maikling pakilala ko at ngumiti ng kaunti.

"If you don't mind may I come with you." Wika niya gamit ang nagsusumamo nitong mga mata.

"Ahm.. May kasama kasi ako eh."

"Ok lang may kasama rin naman ako eh."

Tinignan ko yung kinauupuan nila Maddy at may nakita ako lalaking naka-upo. Hindi ko siya nakita dahil sa nakatalikod siya.

"Ah o-okay lang."

Ngumiti siya at saka kami omorder ng pagkain hindi niya na ako pinagbayad sa halip siya ang nagbayad at siya na rin yung nagdala ng pagkain sa table namin. Napatingin sila Marga, Maddy at Kendra at ngumiti ng nakakaloka. Problema nila?

"Hi." Ani Harry.

At dahil dun napalingon yung lalaki na kausap nila Maddy at napatingin sakin. Nagkatinginan kami at agad na kumunot ang kaniyang noo. Nagulat ako dahil sa hindi inaasahang makikita ko siya dito.

Matapos nun umiwas siya ng tingin na tila ba nadisappoint.

*****

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now