Chapter 31: Neglected

20.2K 818 61
                                    

ווווו×

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ווווו×

Janine's Point Of View

"Excuse me but I heard you guys talking about Ziggy." Saad ko ng makalapit ako sa kanila, nagulat naman sila ng makita ako. "Do you know where he is right now?"

"Ah... P-pinag-uusapan ba natin si Ziggy?" Takot na sambit ng isang babae dun sa kasama niya.

Anong problema ng dalawang to? Eh halata namang pinag-uusapan nila si Ziggy eh.

Bigla naman siyang siniko ng kasama niya at sinabing. "Ah oo pinag-uusapan namin siya at sa pagkaka-alam ko nagcutting siya kaya wala siya dito sa school." Sabi nung isa na halata ang kaba.

"Alam niyo ba kung saan siya nagpunta ngayon?"

"Sabi-sabi daw nasa bakanteng lote siya malapit dito sa school."

Parang alam ko kung saan yun, nadadaanan ko yun kapag naglalakad lang ako papuntang school.

"Thank you." Aniko sabay takbo palapit sa gate ng school, napansin naman ako ng guard kaya agad niya akong hinarangan.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Manong guard.

Alam kong kahit na anong alibi hindi ako palalabasin nito. Bigla akong napaisip, alam ko na!

"Manong guard!!! Infected na ako!!! Lumayo kayo sakin kung ayaw mong kagatin kita!!!" Sigaw ko at pinatong ko ang kamay ko sa batok ko tapos ika ika akong tumakbo papalapit sa kaniya.

Talagang tinodohan ko ang acting skills ko at umarteng parang zombie sa train to busan, hehe. Napansin ko ang takot sa mukha ni Manong guard kaya bigla siyang napatakbo sa loob ng guard house.

Pwe! Walang kahirap-hirap, talagang natakot siya ah. Buti na lang at kami lang ni Manong guard ang nandito kung hindi talagang pahiya ako. Tumakbo kaagad ako papunta sa bakanteng lote na sinabi nung babae kanina. At tama nga dahil nakita ko siya dito pero laking gulat ko ng makita ko siya.

Nakasuot siya ng school uniform at nagsisigarilyo, hindi lang yun dahil may binubugbog pa siyang istudyante at kilala ko iyon dahil naging classmate ko siya nung nasa section 1 pa ako. Mas ikinagulat ko ang biglaan niyang pagsapak sa mukha ng istudyante.

"Hoy Ziggy ano bang ginagawa mo sa buhay mo?!" Sigaw ko habang naglalakad papalapit sa kanya, tumingin naman siya sakin pero napaka walang emosyon ng mukha na pinakita niya sakin. Saglit lang niya akong tinignan at tinuloy niya nag ang pagbubogbog dun sa istudyante kaya naman napatakbo ako at tinulak siya palayo sa binugbog niya. "Ano ka ba Ziggy umayos ka nga! Tignan mo itsura mo ngayon parang hindi na ikaw yung Ziggy na kilala ko!"

Napangisi naman siya. "Tch. Why the f*ck do you care?! Ano ba kita sa buhay ko?" Napatigil ako sa sinabi niya. "F*cking answer me!" Malakas niyang sambit.

Sa takot ko sumagot ako. "N...nothing."

"Nothing! Then why are you f*cking here?! Tang ina!" Aniya sabay hiphip sa yosi niya at ibinuga sa akin. Matapos nun ay tumalikod siya sakin.

Bigla na lang tumulo ang napakaraming luha mula sa mata ko, di ko alam pero nasaktan ako sa mga sinabi niya sakin at para bang hindi kami magkakilala sa mga inasal at sinabi niya sakin.

Sa hindi malamang dahilan tumakbo ako papunta sa kanya at hinila ko ang kamay niya para mapaharap siya sakin sabay *slap* "Yes I do not have the right to care about your life, I do not have the right to tell you everything you should do and f*cking yes! I do not have the right to devastate your life." Aniko habang ang mga luha ko ay tuloy pa rin sa pag-agos. "But I have the right to love you! These past few days I've always thinking I don't f*cking love you but this damn heart kept on telling I like you hindi ko nga rin alam kung bakit ganun eh! Pero Ziggy gusto kita! Gusto kita!"

Napasinghal siya bago magsalita. "What do you think about me, an idiot? A dumb?" Sarkastiko niyang saad sabay talikod at naglakad samantalang ako naiwan ditong umiiyak.

Hindi ko alam pero bakit ganun ganun nalang ang pagtrato niya sakin? Ganun ba naging epekto sa kanya nung mabusted ko siya? Ganun ba ako kasamang tao? Dapat bang nangyayari to sakin?! Wala naman akong ginawang kasalanan ah!

Siguro nga at ganyan talaga ang buhay, may oras kung kailan ka ngingiti at may oras naman kung kailan ka iiyak.

Bigla na lang akong may nakitang panyo sa harap ko, hindi ko maaninag kung sino siya dahil sa mga luha sa mata ko. Hindi ko tinanggap yung panyo at sa halip ay niyakap ko siya at dun ako umiyak sa balikat niya.

"Shh... Wag ka ngang umiyak ng parang bata, mamaya may makakita pa sayo dito at pagtatawanan ka pa."

Bigla akong napangiti pero heto pa rin ako iyak ng iyak. "Anong ginagawa mo dito at paano mo nalamang nandito ako?"

"Nung magpaalam ka kay Ma'am Ferrer alam kong hindi talaga sa Rest Room ang punta mo, alam kong hahanapin mo si Ziggy kaya ayun sinundan kita."

Hinampas-hampas ko ang balikat niya. "Nakakainis ka! Siguro narinig mo mga pinagsasasabi ko kanina at nakita mo rin kung paano ako nagmukhang tanga."

"Oo pero wag kang mag-alala sikret lang natin yun." Bumitaw na ako sa kanya at bigla nalang niya akong kinindatan at nag thumbs up.

Tumawa na lang ako para kahit papaano ay mabawasan tong lungkot na nararamdaman ko.

"Iuuwi na kita mukha ka na kasing batang hindi binilhan ng ice cream kaya ka umiiyak dyan."

Tinignan ko siya ng masama sabay punas sa luha ko. "Ang sama mo sakin."

Bigla niya na lang akong hinawakan sa kamay at pinapasok sa kotse niya saka siya nag drive. Tahimik lang kami dito, ayaw ko ng tahimik kaya nagsalita ako.

"Uhm hanggang ngayon ba may gusto ka pa rin sakin?" I asked, awkwardly. Agad namang kumunot ang noo niya.

"Bakit mo natanong yan eh alam mo naman ang sagot." Aniya.

"Ok lang sayo yung mga nakita mo kanina?"

"Ok lang, as long as I saw you loving someone else even if it isn't me. Just saw you happy will makes me more happy." Saad niya ng nakangiti.

"Thank you Cameron, thank you."

*****

Readers ito na update kahit na ang lame huhu. Guys sinisubukan ko pong hindi maging cliche tong story para sa inyo. Emo emo muna tayo ngayon T.T

As long as you're still reading and liking my story, it will makes me more happy. Char! Cameron lang ang peg ^^

Please Don't forget to leave a Vote and a Comment.

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now