Chapter 13: Finding Him

30.8K 916 78
                                    

««««----------»»»»

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

««««----------»»»»

Janine's Point of View

"I don't want to see you with other guy."

Matapos niya iyon sabihin lumabas siya ng laboratory room samantalang ako naiwan dito ng nakatulala. Hindi pa rin nag sisink in yung sinabi niya kani-kanila lang at saka sino naman yun? Pwedeng si Cameron iyon o si Ziggy pero pwedeng hindi kasi sa dinami-daming tao dito sa school hindi lang sila yung lumabas.

Nang marealize ko na kanina pa ako nakatulala nagmadali akong pumunta sa pinto hoping na baka nandun pa siya at saka ako lumabas. Pagkalabas ko ng laboratory room wala akong nakitang tao dito sa hallway kundi sila Maddy, Marga at Kendra na tumatakbo papunta sakin.

"Hey what happened?! We thought you're at the rest room?" Tanong ni Marga.

"Someone grabbed me in this room."

"Huh? We haven't seen any people here." Ani Kendra.

"Oo nga pero meron talagang humila sakin dito."

"Have you notice that person?" Tanong naman ni Maddy.

"Yun lang madilim kasi sa loob eh, tsaka medyo husky pa yung boses niya." Paliwanag ko.

"At ano naman yung sinabi niya sayo."

"Ano daw... Ayaw niya daw akong nakikitang may kasamang ibang lalaki."

"Wow! Girl umaasenso na yang beauty mo ah!" Sigaw ni Marga.

At dahil dun pumunta na kami sa room. Pinapasok naman kami dahil sa 5 min. lang naman kami nalate pero sa pagpasok namin napansin ko kaagad ang mga tingin ni Ziggy.

What's wrong with him? Every time
I enter this room I always see his eyes watching me.

At nag simula na nga si Mrs Vasquez magturo.

Sino kaya yung lalaking yun? Bakit ba ako na coconfuse kaiisip kung sino nga ba siya? Malakas kasi yung kutob ko na siya nga yun. Pero kung siya nga, bakit? Ayoko mag assume pero alam kung siya yun. Simula tindig ng katawan alam kong siya yun, kung paano niya sabihin ng seryoso ang katagang yun alam kong siya yun.

"Ms Ramirez can you answer what is this."

Pero wait lang. Kung siya nga yun bakit naman niya yun ginawa? Posible kayang may gusto siya sakin? Assuming na kung assuming pero yun lang talaga yung dahilan niya kung bakit niya iyon ginawa.

"Ms Ramirez!"

Napatayo ako bigla dahil sa sigaw ni Mrs Vasquez at sinabing. "Assuming po!" Tapos bigla silang nagtawanan. Bakit anong nangyari?

"Assuming my butt!" Sigaw ni Grayson at saka nadagdagan ang ingay gawa ng kanilang tawanan.

Matapos ang kahihiyang sinapit ko ito na nga breaktime na pero still siya pa rin yung iniisip ko. Argh! Kahit saglit lang please umalis ka sa isip ko pakainin mo muna ako!

"Oy Janine kakainin mo bayan?" Ani Kendra.

"Still thinking about that guy?" Takang tanong ni Maddy.

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino?" Tanong ni Marga na may halong ngisi.

Tumango ako. "Curiosity is killing me." Ani ko ng nakatulala.

Tumayo si Marga at sumigaw. "I'm looking for a guy who can accompany me later." As soon she said that all the boys were like a dog running for the bones. "Okay para hindi tayo nagkakasikipan, pumila kayo at pipili ako ng isa lang. Gusto ko magpakilala kayo ng malaman ko kung mapagkakatiwalaan ba kayo."

At nagsimula na ngang pumila yung mga lalaki. Ewan ko nga kung paano ni Marga papilahin ang ganto karaming lalaki.

"Simulan mo na."

Nagsimula na silang magpakilala pero ni isa sa kanila wala talaga. Walang medyo namamaos na boses sa kanila.

"Paano ba yan wala eh." Wika ni Marga habang kamot-kamot ang kaniyang ulo.

Napa-isip ako bigla. Kung wala nga sa mga lalaking pumila yun. Posible pa rin na siya yun pero hindi ko pa rin masasabi dahil da napakaraming istudyante dito sa Venice University.

"Shall we include our classmates too?" Ani Maddy.

"Good idea." Ani Marga. "Sakto nandito sila. Halinga kayo dito!" Tapos napalingon sa kanya yung mga lalaki sa section namin. At kahit si Ziggy napalingon rin habang kumakain ng burger.

"Lakas nanaman ng tama mo Margaret." Sigaw ni Sherwin.

"Ano natira mo ngayon? Ha." Dagdag pa ni Grayson.

"Arte pa! I have a bunch of girls in Sandoval University." Biglang naging attentive bigla yung mga boys maliban kay Ziggy. Lalo na si Copper dahil sa nailuwa niya yung kinakain niyang cup noodles at saka nagtatakbo papunta dito.

"Sino ba yan?" Interisandong wika ni Copper.

"Wag ka nga dude, ako nauna eh!" Ani Matthew.

"Maganda ba talaga yan! Baka niloloko mo lang kami ah." Sabi naman ni Chandler.

Lumapit si Marga kay Blake.

"Magsalita ka nga." Tinignan lang siya ni Blake ng nakangisi at tila ba parang nang-aasar pa. Kaya hinawakan ni Marga ang kwelyo ni Blake at hinila. "Ano magsasalita ka ba o hindi!"

"B-bakit... ano bang problema m-mo." Kinakabahang ani Blake.

Binitawan siya ni Marga at kita sa itsura ni Marga ang pagka disappoint. Napatingin ako kay Ziggy na kumakain pa rin. Hindi kaya...

"Hi baby Janine!" Nagulat ako ng marinig ko si Harry ng may namamaos na boses at umubo-ubo pa. "Anong meron dito?"

"Hinahanap kasi namin kung sino yung lalaking humila kay Janine sa Laboratory room kanina." Paliwanag ni Maddy. "Ay teka... husky boses mo?"

"Oo bakit?"

Siya?! Pero hindi ko inaasahan na siya yun!

"Ikaw! Paano? Bakit?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Eh diba taga Sandoval University ka?" Takang tanong ni Kendra.

"Oo. Pumunta ako dito para makita sana si Janine. Tumambay ako sa laboratory room kasi dun may aircon tsaka sakto lalabas na sana ako ng makita ko si Janine at sakto rin dala ng selos sa nagtrend na video nila ni Cameron sinabi ko yun." Pagpapaliwanag niya.

*****

Bonus chapter lang po talaga to kaya kung nadisappoint po kayo sorry poooooo!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now