Chapter 2: Let's Be Friends

57.4K 1.4K 141
                                    

««««----------»»»»

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

««««----------»»»»

Janine's Point of View

Hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali sa nakita, sa katunayan nga hindi ako nakatulog ng maayos eh ng dahil dun sa nakita ko. Ang utak ko? Blanko.

Eh paano ba naman may nag-add sakin, oo simpleng bagay lang yun pero yung nag add sakin si Miss Madison! She even follow my other social media accounts.

Nandito ako sa kalsada naglalakad, tutal malapit lang naman yung school namin sa bahay kaya nilalakad ko na lang. Nang makarating na ako sa school dumiretso kaagad ako sa room namin tapos nakasalubong ko si Miss Madison at ngumiti nanaman siya sakin ewan ko pero biglang tumibok yung puso ko, bigla akong kinabahan kaya naglakas loob akong kausapin siya.

"M-miss Madison? Pwede ko po ba kayong maka-usap."

"Sure." Nakangiti niyang wika. Ano bayan hindi ako sanay!

"Doon na lang po tayo sa Restroom ng girls." Tumango naman siya.

Nang makarating kami dito sa restroom 2mins. na ang nakakalipas ang tahimik pa rin.

"Anong bang sasabihin mo sakin."

"Ano po kasi, hindi po ako sanay na ngumingiti kayo at sakin pa." Narinig ko siyang ngumisi. "B...bakit niyo po ba ginagawa yun?"

"Wanna be my friend?"

Huh?! Ako gusto niyang maging kaibigan?! This is not true, this is not so true!

"E-eh?"

"Why? You don't want me to be your friend?"

"No no! It's not like that."

"Then let's be friends."

"Ano?! Miss Madison sigurado ka ba?"

"At isa pa pala wag mo na rin akong tawaging Miss, ok ba yun? Pwedeng Maddy na lang." Nakatulala lang ako sa kanya nung sinabi niya yun. Talagang hindi ako mapakaniwala. "C'mon hindi ako nangangain ng tao." She said as she extends her hand to shake my hand. My brain cells were battling whether I should accept her hand or not and I ended up shaking hands with her.

"Sigurado ba kayo Mis- Maddy."

"From now on you will never call me using the word Miss, is that okay?"

Tumango naman ako kahit na hindi ko gusto dahil, it's weird! I am not at the same level as her.

Habang naglalakad kami sa hallway ang dami kong naririnig na bulungan.

Kesyo bakit ko daw kasama si Miss Madison, feelingera daw ako at naghahangad ng atensyon.

Dahil sa bulungan nilang ubod ng lakas nagulat ako ng bigla namang pumunta sa gitna ng stage si Miss Maddy.

"I officially announced that that nerd you are talking shit about is now my friend." Nung sinabi ni Miss Maddy yun bigla ang sama ng tingin sakin ng lahat. "Ngayon kung sino man sa inyo ang mambully sa kanya lagot kayo sakin, kaya kung ako sa inyo tatahimik na lang ako." Matapos naman niyang sabihin yun. Biglang umiwas ng tingin yung mga taong ang sama ng tingin sakin kanina. "C'mon Janine." Sabi pa niya at ngayong naglalakad ulit kami may nagbubulungan parin at mas lumala pa yung bulung-bulungan nila.

"If you don't stop that f*cking gossips I'll cut off your tongue!" Sigaw niya. Grabe siya! Bigla silang napatahimik bigla.

Nung nandun na kami sa tapat ng room nila nag paalam na rin siya sakin at ganun din naman ako. Chi-neck ko yung relo ko kung anong oras bigla akong nanghina. 30 minutes late! Hindi pwede! Sa buong buhay ko dito sa school hindi pa ako nali-late, ngayon palang. Parusa na ba to dahil sa pag tanggap ko bilang friend ni Maddy. Tumakbo na ako papuntang room kahit na aminado akong late na late na ako basta makapasok lang ako! Hindi ako pwedeng mag ditch ng class.

Talagang wala na akong pag-asa ng mapansin ako ni Sir Guevarra umiling siya nag stay na ako dito sa corridor. Hindi na ako pinapasok eh! Pero hindi pwede to baka lagyan ni Sir Guevarra sa attendance ko Cutting class. Ugh! Kasalanan ko lahat ng to eh kung hindi ko sana kinausap si Miss Maddy sana hindi ako na-late ng ganito at kung hindi ko sana siya kinausap hindi kami magiging magkaibigan, yung tahimik kong buhay mabubura na. Mamayang breaktime siguradong kilala na ako ng buong campus as an attention seeker.

Sana bigla akong magka amnesia, it's better.

"Miss Ramirez puntahan mo ko sa office ko mamayang Breaktime." Natauhan lang ako ng magsalita na si Sir.

"Yes sir." Walang gana kong sagot.

Plus three na kamalasan ko ngayong araw. Pangatlo na to! Ngayon naman pupunta ako sa office ni Sir. Guevarra. This is the worst day EVER!

««««----------»»»»

Lalabas na ako ng room ngayon papunta sa office ni Sir Guevarra since breaktime na pero laking gulat ko ng makita ko sila Miss Maddy sa pintuan. At take note 'sila' means more that one tapos yung kasama niya ay sila Miss Kendra at Miss Margaret, seryoso ba to?

"Hi Janine! Tara sa Cafeteria."

"So siya pala yung sinasabi mong friend?" Tugon ni Miss. Kendra.

"A Ner–"

"Don't say anything girls."

"Okay." Walang ganang sagot ni Miss Margaret.

"So I guess kilala mo na sila kaya hindi ko kailangan ipakilala pa sila sayo. Am I right?" Tumango naman ako. "Ok? Tara sama ka sa Cafeteria treat kita."

"A-ano?"

"Ow, she's deaf." Ani ni Miss Margaret. Tinignan naman siya ng masama ni Miss Maddy kaya nag peace sign si Miss Margaret.

"So ano tara?"

"Ano po kasi eh... May pupun–"

"Hindi ok lang yun. Wag kang mahiya ako bahala sayo."

Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang niya akong hinila papuntang cafeteria.

Lagot ako kay Sir Guevarra neto.

««««----------»»»»

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now