Chapter 34: Roses And Letters

20.9K 706 65
                                    

ווווו×

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ווווו×

Janine's Point Of View

*Gising na mahal na prinsesa! Gising na mahal na prinsesa! Gising na prinsesa!*

Agad kong kong pinatay yung alarm sa phone ko. Putek na Ziggy yun eh! Nagrecord ba naman siya sa phone ko tapos ginamit pang alarm. Chineck ko yung phone ko at ang daming message, hulaan ko isang tao lang to. Hindi ko na lang chineck yung mga text niya mamaya cheesy masyado eh. Bigla na lang may nag pop up sa phone ko.

Ziggy: Hey wake up! Pumasok ka ng maaga ah, kain kang marami para hindi ka gutumin sa school.

Agad naman akong nagreply.

Me: Opo.

Pumunta na ako ng cr para maligo at pagkatapos ay bumaba na ako, kumain na rin ako ng konti saka ako lumabas ng bahay. Nagulat ako ng makakita ako yellow rose sa tapat ng pinto kaya pinulot ko. May papel na nakadikit dito at may nakasulat rin na 'Friendship'. May nakatupi pang papel kaya binukas ko.

Hey! You've been my good friend and I know that you know it, I just want to say I want you as a girlfriend not just a friend. And I know you're wondering who I am don't worry you'll find out soon.

Kanino kaya to? Para sakin ba to?

"Ma! May nakita akong yellow rose dito sa tapat ng pinto, para kanino to?" Sigaw ko at agad namang lumapit si Mama.

"Para sayo yan." Saad niya.

"Para sakin? Kanino galing?" Takang tanong ko naman.

"You'll find out soon anak." Matipid na tugon ni Mama at dali-daling umakyat kaya hindi na ako nakapag salita. Inilagay ko na lang sa bag yung sulat tsaka yung bulaklak.

Nang makarating ako sa school bigla akong tinawag ng guard. "May nagpapabigay sayo nito." Nagulat ako nung bigyan niya ako ng kulay lavender na rose.

"Kuya kanino galing to?"

"You'll find soon."

Huh?!

Parehas lang sila ng sinabi ni Mama kanina. Yung totoo nawiwirduhan na ako ah! Naglakad na lang ako at habang naglalakad binasa ko ulit yung naka sulat 'Enchantment' katulad nung kanina may sulat ulit.

Hey again, hehe. When I first saw you I was attracted by your beauty. It's not just because of your innocent face but I really like your personality. Still wondering? Don't worry you'll find out soon.

Nagtanong ka pa kung nagtataka ako! Malamang oo! Kanina pa! Hindi lang ako nagtataka, naguguluhan na rin!

"Excuse me, Janine right?" Sabi ng babae kaya tumango ako. "Here." Aniya sabay abot sakin ng kulay orange na rose. Magtatanong pa sana ako kaso naunahan niya ako. "You'll find out soon." Saad niya pa at naglakad na ulit.

Binasa ko yung nakasulat 'Enthusiasm' pagkatapos ay binasa ko naman yung letter.

You know what. I feel anxiety because I've never done this before, I kept on thinking whether you'll accept me or not but anyways I'm so excited of what will happen later. I hope you'll be satisfied.

Dumiretso na lang ako papasok sa room dala yung mga bulaklak. Konti pa lang kaming nandito. I went to my locker to put all these flowers but as soon as I open it I saw a pink rose. Kinuha ko ito at binasa 'Gratitude'

Hey pinky! Your mom said that your favorite color is pink so tadaaa! A pink rose! This pink color symbolized the appreciation and gratitude. I will appreciate it if you won't accept me but I will be more thankful if I become your boyfriend.

Nagsisimula na akong mabaliw dahil sa mga lintek na sulat na to! Inilagay ko na kang lahat ng bulaklak sa locker ko at umupo na ako sa upuan ko. Wala pa sila Maddy kaya wala akong maka-usap.

Mukha na kong tanga dito na nakatulala dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Hi Janine how was you day? Is it great?" Nagulat ako ng bigla akong kausapin ni Lukas, kasama niya pa sila Matthew at Grayson. Hindi naman kami close nito ah bakit yata bigla na kang niya akong kinausap?

"Ha? Ok lang."

"Ah worried lang kami sayo." Saad nman ni Grayson.

Eh?! Ano daw?! Worried sila sakin?! All of a sudden?! Weiiiird!

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Ah siya nga pala may nagpapabigay sayo nito." Tugon ni Matthew sabay abot sakin ng puting rosas na siyang ikinagulat ko. Kinuha ko naman yung bulaklak.

"Kani-" Itatanong ko sana kung kanino galing to pero feeling ang isasagot nila sakin 'You'll find out soon' kaya hindi ko na lang tinanong.

Binasa ko na lang yung nakasulat 'Purity'.

You are probably the epitome of 'Purity' and 'Innocence'. You're a type of girl with a kind hearted, I don't even think that you have an evil thoughts. You're always a great person and that makes me fall in love with you.

Bigla na lang akong nakaramdam ng kilig. Hindi ko alam kung kanino to pero natutuwa ako sa mga efforts na ginagawa niya.

"Sino ba kasi tong taong to!" Sigaw ko.

"You'll find out soon." Sabi ni Lukas.

Sabi na eh. Yan yung sasabihin nila kapag nagtanong ako.

"Janine you look beautiful." Ani naman na Grayson.

"Why are you saying that all of a sudden?!" Tugon ni Matthew.

"You look suspicious! Do you like her aren't you?" Sambit naman ni Lukas.

Biglang napatingin si Grayson sa pinto at halata sa mukha niya yung takot kaya napatingin din ako dun sa pinto. Wala namang tao ah.

"No I'm not! I'm just telling the truth!" Asik niya na panay ang tingin sa pinto.

Yung totoo nakakakita ba siya ng multo?! Para siyang nakakita ng multo eh!

"Sige Janine mauna na kami ah." Ani Matthew kaya tumango na lang ako.

Napatingin ako sa bulaklak. Are they planning something? Yung mga nagbibgay sakin ng bulaklak parang may alam eh kaso ayaw nilang sabihin.

*****

Kanino kaya galing yung mga bulaklak?

Guess who.

Fellow readers! Please don't forget to leave a vote and comment! Era moruelgetda (I love y'all!) Charot! Hahaha

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now