Chapter 7: Unexpected Visitors

35.7K 1.2K 52
                                    

««««----------»»»»

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

««««----------»»»»

Janine's Point of View

"Anak gising!" Okay what is wrong with her? It's too early to wake me up. "Wake up."

"Bakit ba Ma, kung kailan weekend saka kayo mang-gigising ng maaga."

"Gising na nga dali! Nakakahiya."

"Anong nakakahiya sa pag-gising Ma? Ang labo mo naman eh."

"May mga bisita ka kasi sa baba na naghihintay sayo." Bisita? At kailan pa ako nagkabisita? At sino naman ang magbabalak na bisitahin ako.

"Sino ba yang mga bisita na yan? Istorbo sila ah."

"Sila Madison." Pagkasabi ni Mama nun kusang gumalaw yung mga katawan ko at napa-upo.

"S-sigurado ka ba diyan Ma, tandaan mo biruin mo na ang lahat wag lang ang bagong gising."

"Seryoso ako anak." At this time naging seryoso yung mukha ni Mama. Seryoso?! Bakit naman ako bibisitahin ni Maddy tsaka sabi ni Mama kanina 'mga' ibig sabihin hindi lang si Maddy bisita ko. Napatayo kaagad ako at mabilis na dumiretso sa cr para maghilamos at nag-ayos na rin ako ng sarili ko saka ako bumaba at laking gulat ko ng makita ko si Maddy, Miss Kendra at Miss Margaret.

"Goodmorning! May muta ka pa." Wika ni Miss Kendra. Agad ko namang kinusot yung mata ko para matanggal yung muta. Gosh nakakahiya.

"Hello." Bati ni Maddy.

"Bakit anong meron?" Naguguluhang tanong ko.

"Nothing. We're just visiting our friend." Ano daw?! Tapos kay Miss Margaret pa nanggaling yun ah, sinampal ko yung sarili ko para patunayan na nananaginip lang ako.

"Why did you slap yourself?" Tanong Miss Margaret.

"S-sigurado ka ba?"

"Of course not, we came here just to prank you." Sarkastikong wika ni Miss Margaret. "O sige kung ayaw mo aalis na lang kami." Tumayo naman siya at akmang aalis.

"Ay hindi po! Wag po kayong umalis."

"Yun naman pala eh, so let's be friends?" Tanong ulit ni Miss Margaret. Tumango ako bilang sagot.

"Ay teka lang, hindi naman siguro kayo pumunta dito para lang makipagkaibigan sakin diba?" Nagbago naman bigla yung itsura ni Miss Margaret, yung mukhang kinakabahan.

"Ano kasi... I...I have something to–" Nauutal na wika ni Miss Margaret.

"Ano kasi gusto niya–"

"Gusto ka naming yayaing lumabas. Diba Kendra." Sabay tingin niya ng masama kay Miss Kendra. Baki ba? Anong alam nila na hindi ko alam? "So ano tara?"

"W-wait lang magbibihis lang ako."

Bago pa man ako maka-apak sa hagdan nakita ko si kuya na pababa. Kaya may naiisip akong gawin.

"Kuya I have someone to introduce to you." Nakangiti kong sabi.

"Not interested." Aniya tapos poker face, ang KJ naman neto!

"Dali na!" Tapos wala na siyang nagawa dahil hinila ko na siya papunta sa harap nila Maddy, Miss Kendra at ni Miss Margaret. "Siya nga pala si kuya Christian yung pinaka mabait kong kapatid siya lang naman kasi sumisira ng araw ko."

"Oh hello there, I'm Madison. Madison Morgan." Pakilala ni Maddy tapos nag shakehands sila ni kuya.

"Ow you're handsome, now I know the reason." Sabi ni Miss Kendra ng naka ngisi tapos siniko siya ni Miss Margaret. Weird. "By the way I'm Kendra Alonzo." Tapos nag shakehands din sila.

Nung nilapit ko naman si kuya kay Miss Margaret umiwas lang siya ng tingin bakit ang weird niya? Parang hindi siya yung kilala kong The Talkative na si Miss Margaret Brown. Mga isang minuto pa ang nakalipas hindi pa rin nagsasalita si Miss Margaret.

"Magsasalita ka ba? You're just wasting my time." Wika ni kuya na halata namang naiinip na.

Hindi pa rin nagsasalita si Miss Margaret. Aalis na sana si kuya kaso hinawakan ni Miss Margaret yung braso ni kuya para pigilan.

"H-hi... I'm M...margaret Brown." Wika ni Miss Margaret ng hindi tumitingin kay kuya. Ano kayang problema niya.

"Nice meeting you." Maikling sagot ni kuya sabay tanggal ng pagkakahawak sa kanya ni Miss Margaret saka umalis.

"Pagpasensiyahan niyo na yun ah. Nag ta-tantrums kasi yun eh."

"Ang sungit ng kuya mo ah, may regla ba yun?" Ani pa ni Miss Kendra.

***

"M-miss Margaret hindi niyo naman po dapat to gawin eh." Pagmamakaawa ko habang pinipigilan ko siyang magbayad sa cashier.

"Ano ka ba ok lang yun, I've got my credit card. Tsaka isa pa simula ngayon Marga na lang ang itawag mo sakin, ok ba yun?" Sabay bigay ng credit card sa cashier. Ok ba talaga yun? Parang hindi eh. Bakit bigla na lang siyang nagiging mabait. Yung kaninang nandun kami sa bahay ang tahimik niya masyado tapos ngayon napaka hyper niya? Anong bang tawag diyan super duper hyper bipolar!

"Hindi naman yung pera niyo yung iniisip ko eh, ang iniisip ko bakit ang weird mo ngayon tapos biglaan pa! Nakipag kaibigan ka sakin tapos ngayon bibilhan mo ko ng maraming damit."

"Ano ka ba wag mo ng isipin yun ang mahalaga magkaibigan na tayo simula ngayon, tsaka isa pa peace offering ko to sayo kasi lagi kitang tinatalakan." Sabay abot ng credit card.

"Wehh! Yun lang ba talaga?" Wika ni Miss Kendra na nagpipigil ng tawa tapos napatingin ako kay Maddy nagpipigil din siya ng tawa. Anong nakakatawa!

"Tigil-tigilan niyo ako ah." Naiiritang wika ni Marga ^^ trip ko siyang tawaging Marga.

"Tell her." Pagpipilit pa ni Maddy.

"Oo nga wala namang mawawala sayo eh." Dagdag pa ni Miss Kendra.

Nandito na kami ngayon sa loob ng mall naglalakad-lakad tapos ako heto, ang dami kong bitbit na bag.

"Ano ba! Tigilan niyo nga ako." Pagmamaktol pa ni Marga.

Ano ba kasi yun!!!

"Kung ako sayo sasabihin ko na, ng hindi na ako namomroblema sa kaiisip." Sabi pa ni Miss Kendra.

"Fine sasabihin ko na!" Humarap siya sakin. "Ahh... Kasi.... Cru- ano..."

"Go Marga! Go Marga! Go Marga!" Nag cheer pa sila.

"Ano kasi e-eh.... Yung kuya m-mo... Ano eh." Hindi pa rin siya mapakali kung sasabihin niya ba talaga.

"Teka! Teka! Teka! Yung diretsong sagot." sabi ko.

"Crush ko kasi kuya mo eh, kaya ako nakipag kaibigan sayo kasi gusto kong mapalapit sa kanya." Sabi niya ng nakatungo.

Ngayon alam ko na kaya pala siya nauutal kanina dahil nasa harap niya si kuya at dahil crush niya si kuya.

"Please tulungan mo naman ako na maging close siya, kahit yun lang." Hingang malalim. Ok hindi dapat ang sagot, ok alam ko na ang sagot.

"O sige pero hindi ako sure kasi hindi naman kami close ni kuya. Pero susubukan ko."

Takte bakit ako pumayag!

Lumapit siya sakin tapos niyakap niya ako ng mahigpit.

"Thank you so much Janine! Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon."

Naku! Mukhang wrong move nanaman ako ah.

****

Sa mga nagtsatsagang basahin yung story ko thank you po!

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now