Chapter 22: Two Suitors

27K 867 50
                                    

ווווו×

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ווווו×

Janine's Point of View

"Oh! What took you so fast?" Bungad kaagad sakin ni Maddy pagkarating ko sa room.

"Hindi nga ako nakapagbasa eh." Malungkot kong saad.

"Bakit anong nangyari?" Tanong naman ni Kendra.

"Ang ingay kasi ni Ziggy eh kaya ayun pinalabas kami ng library." Aniko sabay kamot sa ulo.

"What? Nandun si Ziggy? Ano namang ginagawa niya dun?" Mausisa at gulat na gulat na wika ni Maddy.

Tumango ako.

"Seryoso anong ginawa niya dun?" Tanong ni Kendra. At agad naman siyang nabatukan ni Marga.

"Baka tumae." Sarkastikong saad ni Marga. "Malamang nagbabasa rin ng libro."

"Engot nagbabasa ba yun ng libro." Ganti pa ni Kendra.

"Oo nga no." Ani pa Marga na bigla ring napaisip. Napatingin naman ako kay Maddy na ngayon ay sobrang lalim ng iniisip. Weird.

Nang dumating na yung next teacher namin nagsi upo na kami at saka nag-umpisang magturo si Mrs. Geniva.

Dahil sa magkatabi kami ni Maddy kapansin-pansin ang pagiging tahimik niya at nakatulala. Para bang may sino-solve siyang napakahirap at napakaraming brain teasers sa utak niya dahil sa lalim ng iniisip niya. May pagkakataong nakikita ko ang kaniyang kamay na nakayukom.

Bakit ang weird niya?

Hindi ko na lang pinansin yun at simula kanina hanggang sa last subject namin ganun parin yung aura ng itsura niya. Hindi ko na lang sineryoso ang lahat dahil baka sumabog lang itong utak ko.

Nang mag-uwian na sumabay na sila Maddy, Kendra at Marga sakin dahil pupunta naman sila sa bahay ngayon. But still ganun pa rin yung itsura ni Maddy, alam kong napapansin din nila Marga ang seryosong mukha ni Maddy kaya hindi muna nila pinapansin.

Pagkarating namin sa bahay diretso kaagad silang nagsi-upo sa sofa at ako naman dumiretso sa kusina para magmano kay mama.

"Hi ma! Ang bango ng niluluto mo ngayon ah." Bungad ko kaagad pagpasok ng kusina sabay mano sa kanya.

"Sakto pala tong niluto ko at may mga bisita ka." Ani mama na ngayon ay hinahanda na yung ulam at kanin sa lamesa.

Nagpunta naman akong living room para tawagin sila Maddy. "Kain muna tayo." Aniko at sumunod naman sila sakin papunta sa kusina at umupo.

Classroom Full Of Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now