Photograph

5.7K 88 5
                                    

[A/N: Italic words are flashbacks]

Vice's POV

I can still remember the day nung una kitang nakita. Something caught my eye, it was a very pretty view. Gandang ganda ako sayo.

"Sa may QC po manong" saad ng isang dalaga habang nakatulala sa bintana na tila ba may malamim na iniisip.

I signaled the driver na hayaan na lamang then the taxi roared to life.Habang umaandar ay may narinig siyang tumikhim sa kanyang tabi kaya agad siyang napalingon dito.

When you looked at me, I didn't know what to do.

"Hala kuya! Ba't di mo sinabing may sakay ka na pala? Ihinto mo kuya bababa ako" saad nito sa driver

"Wag na miss. Sa QC rin naman ang punta ko" nakangiting salita ng binata(?) na kasabayan niya sa taxi

"Wag na kuya nakakahiya naman" she insisted

"Rush hour ngayon miss mahihirapan kang makasakay. Hati nalang tayo sa bayad"

And since tama naman ang binata ay pumayag lamang siya "Thank you kuya ha?" she smiled sincerely

But the moment na ngumiti ka sakin, I felt something new. You've awakened something in me na sobra kong tagal na kinalimutan dahil bakla ako, kaya di pwede.

Simula sa araw na iyon ay hindi na napaghiwalay ang dalawa. Parehong photographer sina Karylle at Vice sa isang tanyag na kompanyang PhotoCheese sa QC.

They both love each other's company. Lagi silang magkasama sa mga events, lunch, coffee breaks at pati sa mga chikahan. They say relationship goals na ang dalawa. Ang sweet nila sa isa't isa. Akbay dito, yakap doon. Backhugs and sweet friendly kisses. Sleepovers. Movie marathons. Text and calls magdamag hanggang sa makatulog. Walang malisya sa kanila ang lahat ng iyon dahil para sa kanila magkaibigan lang talaga. Well, para sa isa.

Pero nang dahil sa tuksuhan ng mga katrabaho, may unti-unting nahuhulog.

You made me fall in love with you and I don't know how to stop anymore.

"Karylle! Ayan na!" sigaw ni Vice pumepwesto sa sofa. Kasalukuyang nasa condo sila ng binata dahil napagkasunduan nilang magmovie marathon

"Teka lang naman!!" sigaw pabalik ni Karylle habang nagmamadaling tumakbo pabalik kung nasaan ang binata "Vice naman akala ko nagsimula na di ko na tuloy nahintay yung sukli nung delivery boy sayang din yung por pipti" nakapout na saad ng dalaga at ipinatong ang box ng pizza at pabagsak na umupo

"Ayan ka nanaman sa pagiging kuripot mo. Ok lang yun pera ko naman yun" salita ni Vice at piningot ang ilong ng kaibigan

"Kahit na. Sayang din kasi pang bayad narin sa pag magpapahangin ka ng gulong diba?"

"Hay nako kurba" napapailing na lamang ang huli at niyakap ang kaibigan and then the movie starts playing

Si Vice busy'ng busy sa pagkokomento sa mga eksenang napapanood habang si Karylle ay tahimik na nakikinig lang habang nakasandal sa balikat ng binata. Hanggang sa makaramdam ng bigat ang huli at tsaka pa niya napagtantong nakatulog na si Karylle.

Agad niyang pinatay ang telebisyon at binuhat ang dalaga patungo sa kwarto niya. Inayos niya ang pagkakahiga nito at humiga na rin sa tabi ng huli. Tinitigan niya muna ang maamong mukha nito

"I love you" saad niya bago hinalikan ng madiin ang noo nito. Pinatay niya ang ilaw at tuluyan ng tumalikod at pumikit. Napangiti na lamang siya ng maramdaman ang mga bisig ng dalaga na yumapos sa kanya.

And now, walking down the aisle, Im looking at you. Ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko. I can feel my heart skipping. Gusto kong tumakbo papalapit sayo upang mayakap ka. I want to feel your warmth against mine. But I cant, napako ako sa kinatatayuan ko sa may altar.

You walked towards me and I smiled at you. You looked at me sincerely, ngumiti ka at sinabing;


"Thanks Vicey. Thank you for being my photographer sa pinakamasayang araw ng buhay ko"

Ngumiti lang ako sayo at tumango. But deep inside, Im already dying.

"Do you Ana Karylle Tatlonghari take Yael Yuzon to be your lawfully wedded husband, to have and to hold  from this day forward, for better and for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, keeping yourself solely unto him for as you both shall live?"

"I do" sagot mo with your widest smile

I bowed my head. Nararamdaman ko na, its either hihimatayin ako at masira ko ang kasal mo o umiyak ako silently kaya yumuko nalang ako at nagpanggap na tignan ang mga pictures na kuha ko. Kitang kita ko ang bawat luhang tumutulo mula sa aking mga mata.

I was a fool for not trying. I was a fool for not telling. Ang tanga ko. Ang laki kong duwag. Banban ka Vice, sobrang banban mo.

Akala ko na ok lang na hindi ko sabihin. Akala ko by my actions mararamdaman mo ang pagmamahal ko. Akala ko applicable ang saying na "actions speaks louder than words" pagdating sa relationships, but I was wrong.

And now, all I can do is to take pictures of you. A picture of you marrying the luckiest man beside you.

End.

[A not-so-happy ending for the pilot chapter. Sorry!] -8.13.16

💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛
VOTE. COMMENT. SHARE.

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now