Stalker

3K 58 0
                                    

Karylle's POV

Im Ana Karylle Tatlonghari. First day ko ngayon dito sa Ateneo de La Salle University, isa sa pinaka-prestihiyosong paaralan dito sa Manila. I spent my first year college sa probinsya namin sa Laguna.

Hindi ko pa alam kung san ako pupunta buti nalang at sinamahan ako ng bestfriend kong si Anne na nag-aaral din dito

"Anong oras klase mo ngayon?" tanong niya sa akin

"Mamayang 10 pa"

"Tara I'll tour you around muna" I am feeling blessed right now, having a friend like her? Ughh♥ Patuloy naman kami sa paglalakad habang busy sa pagkukwento si Anne sa mga monthly activities nila dito at mga rules and regulations.

Sa sobrang ingay at gulo naming dalawa ay bigla niya akong itinulak at nakabangga pa ako ng isang lalaki

"Ouch! Ano ba"

"Hala sorry po" agad akong yumuko at tinulungan siya sa mga nalaglag niyang dala

"Excuse me?! Pwede bang dahan-dahan naman kayo sa paglalakad? Hindi niyo pagmamay-ari ang buong hallway" suway niya sa amin ni Anne

I was about to talk back, nagtagpo ang mga mata namin at napatigil din naman siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Inabot ko ang librong napulot ko at unti-unti na ring tumayo

"Sorry Vice! Tara na K!" bigla akong hinila ni Anne palayo

"Sino yun Anne?" tanong ko ng makaupo na kami sa isang bench sa quadrangle

"Siya si Vice. Don't mind him"

"Gwapo pero suplado" I blurted out

"Suplada kako. Kaloka! Bakla yun girl"

"Bakla?" I silently said. Hindi naman siya yung tipong bakla na nagme make-up or something. Sa unang tingin mo palang sakanya hindi mo talaga mahahalatang bakla siya dahil hindi naman siya kumekendeng at gwapo naman talaga siya.

** HRM ang course niya and nasa MassCom naman ako. May isang subject class ako na kaklase ko siya, which is Oral Com. Hindi ko na namalayang nahulog na ako ng husto sa kanya. I really appreciated him pati na ang flaws niya.

"Ana Karylle naman! Matalino kang tao pero bakla yun bes. Di kayo talo" panenermon ni Anne sa akin. Nasa canteen kami ngayon at ayun sinabi ko sa kanya kung gaano ako kahanga kay Vice

"He's more than a gay you thought he is. Matalino siya Anne, his my ideal man" I added habang nakaclasp pa ang kamay ko sa ilalim ng chin ko

"Ikaw ang bahala. Alalay sa damdamin ha? Im always here" Anne stated at napakibit balikat na lamang.

Nagpatuloy ang pagkabaliw ko kay Vice to the point na naging stalker niya na ako. Literal na stalker. Hindi lang sa facebook, pati na rin sa personal. Palagi ko siyang sinusundan ng patago. Alam ko lahat ng ganap niya dahil iniinterview ko ang barkada niya aka Team Vice ng palihim.

Pagpumupunta siya ng canteen, susunod naman si ako kahit wala naman akong bibilhin. There's that one time na sinundan ko siya sa library, muntik pa niya akong mahuli. Naaliw akong titigan siya, sa katunayan marami na akong stolen shots niya sa cellphone ko eh.

Until one day, hindi na nakatiis si Anne at sinabi niya kay Vice, para naman daw maappreciate niya lahat ng efforts ko.

"Vice!" tawag ni Anne sa kanya

"Ano ba kasi yun? Dali! May lakad pa ako" sagot niya. At eto naman ako, nakatago sa likod ni Anne

"Kilala mo siya diba?" Anne said sabay step backward para makalevel niya ako.

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now