Vicerals

1.8K 65 10
                                    

"Next month we wed, and a new chapter begins"

"Congratulations Mr & Mrs Viceral"

"Let's all welcome, Our newly wed, fresh from their honeymoon.. Vicerylle!"

"Tangina 'di nga?"
"Congrats magiging daddy ka na, love"




"Shit Vice, si Karylle! Dinudugo. Sinugod namin siya sa ospital"

"Tangina! Saang ospital? Shit. Lord please wag naman sana"




"Doc, how's my wife? ang baby namin?"

"Your wife is still unconscious pero she's safe.. maya-maya magigising na din siya"

"Yung anak namin doc?"

"Im sorry to tell you, pero.. we're so sorry for your lost"

//

"How can something so beautiful be ruined in just a snap of a finger? Siguro hindi pa ito ang tamang oras para magkababy tayo" malungkot niyang saad sa natutulog na kabiyak "I love you"

Mahigpit na hawak ni Vice ang kamay ng asawa habang siya ay natutulog sa gilid nito. Maya-maya ay naramdaman ni Vice ang paggalaw ng kamay nito kaya agad siyang nagtaas ng paningin at nakitang nakadilat na ito

"May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Gusto mo tumawag ako ng doctor?" aligagang tanong niya pero sinagot lang siya nito ng isang tipid na iling

"How's our baby?" 

"Gusto mong kumain? May fruits dito, dala ng showtime family.. kaya lang kailangan na din nilang umalis agad dahil malapit na din mag 11:30 pero babalik daw agad sila after ng show. Gusto mong panuorin sila? Teka hanapin ko lang yung re—"

"Answer me" seryosong saad ni Karylle. Naapakagat siya ng labi nang makita ang pagyuko ni Vice

"May dahilan ang lahat.. siguro—"

"No.. no! Vice naman! Seryososng usapan to wag ka namang magbiro" sigaw ni Karylle habang walang patid ang pagtulo ng luha nito 

"Love.. love calm down baka makasama pa sayo" agad niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit

"Im sorry.. Vice, sorry.. sorry"

"Love, don't be.. wala ka namang kasalanan. Siguro hindi pa talaga tama ang oras for us to have a baby kaya tahan na, its nobody's fault ok? I love you" pag-aalo niya habang panapaulanan ng halik ang tuktok ng ulo nito

"I should've taken care of myself siguro hindi nangyari to. Im sorry" patuloy na paninisi nito sa sarili

"Shh.. Don't blame yourself.. ayaw ni baby ng ganun ok? Mahal kita" paglalambing nito sa asawa

"I love you" pag-uulit ni Vice pero umiwas lang ng tingin ang kabiyak kaya napangiti siya ng mapait "Mahal na mahal kita Karylle" saad pa niya bago ginawaran ng isang mahabang halik sa noo ang asawa

Nagdaan ang mga araw at tuluyan na ring nakalabas ng ospital si Karylle bagamat matamlay at tulala pa rin ito. Malimit lamang itong magsalita at kinukulong ang sarili sa kwarto. Vice tried his best to bring his wife back kaya kahit gaano kapagod mula sa shooting ay hindi ito pumapalya sa pagaasikaso sa asawa

"Love? Ang sabi ni manang di ka pa raw kumakain? Gusto mo ba lumabas tayo? Gusto mo mamasyal? Manood tayo ng movie? o di kaya magdate tayo parang pbb teens lang hahaha diba gus—"

"Vice.. tama na please" pagputol ni Karylle

"O-oh okay. Do you want to rest na? What do you want?" tanong ni Vice na may ngiti sa mga labi. Pinipilit niyang maging malakas sa harap ng asawa

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now