Broken

2.8K 50 4
                                    

Magkakasama at masayang kumakain ng lunch ang magkakaibigang Vice, Vhong at Billy sa canteen ng isang tanyag na paaralan sa Manila. Daldal ng daldal sina Vhong at Billy habang si Vice naman ay nakatuon ang atensyon sa isang babae who's carefully balancing her foodtray, nagtataka kung bakit nasa paaralan nila ang babae dahil sa pagkakaalam niya all-boys school ang pinapasukan.

Itinigil niya na ang pag-iisip at akmang tatayo na sana upang tulungan ang babae kaso huli na siya dahil sumalampak na ito sa sahig. "Okay ka lang ba?" tanong ni Vice "kaloka ka naman kasi ate girl ang takaw mo" pabulong niya habang naka tingin sa mga tumapong pagkain na tansya niya ay pangdalawahang tao na

"O-ok lang" pinagpag nito ang uniform at inayos ang salamin na suot. He look at her at base sa uniform nito ay sa De La Salle Zobel nag-aaral ang dalaga which is almost 2 hours away from their school at samahan mo pa ng traffic

"A-ana K-karylle" he stated as he read her name sa uniform nito "Anong ginagawa mo dito? diba bawal ang mga babae dito?"

Bago pa man makasagot ay isang matinis na boses ang tumawag dito. Sabay silang napalingon sa direksyon nito, a girl in the same uniform as Karylle's na narecognize agad ni Vice. Siya yung anak ng may-ari ng paaralan nila.

"What have you done?" galit nitong saad habang nakatingin sa mga natapong pagkain "Simpleng utos di mo pa masunod. Ano ba!" sigaw pa nito bago hilahin ang kamay ni Karylle.

Naiwan naman si Vice at napakamot na lamang sa batok. Wala siyang naintindihan sa mga nangyari sa harapan niya. Oo, kilalang spoiled brat ang anak ng may-ari ng paaralan nila palibhasa bunso at nag-iisang anak na babae.

//

"Hi! Vice nga pala" ngiting pakilala ni Vice kay Karylle matapos niya itong makitang nakaupong mag-isa sa canteen "makikiupo ako ha"

Tinignan lamang siyang dalaga at pinagpatuloy ang pagkain nito. Tahimik lang ang dalawa sa pagkain habang panaka-nakang tinitignan ni Vice ang dalaga, nagulat naman siya ng biglang humarap ito sa kanya "Thank you" she said "sorry nakalimutan kong magthank you" saad nito ngunit ngayon ay pabulong na

"Wala yun" he smiled genuinely

"Siguro bago ka pa dito no?" asked Karylle habang tinatapos na ang pagkain

"Oo, transferee ako galing sa probinsya wala kasing nag-ooffer ng STEM sa amin kaya eto" masigla niyang sagot

Nagulat naman si Vice ng biglang tumayo si Karylle, "That's good"

"Ikaw? Ba't ka parating nandito paglunch? diba malayo ang school niyo?"

Ngumiti siya at napakibit balikat bago tuluyang umalis. And once again he was left clueless. She is his mystery.

//

As days passed ay mas lalong naintindihan ni Vice ang sitwasyon ni Karylle kay Anne. Magkapatid pala sila ni Anne sa ama. Kasalukuyang nakatira si Karylle ngayon kasama sa iisang bubong ang pamilya ng ama, which includes Anne na halata namang mainit ang dugo sa kanya. Karylle serves as Anne's personal alalay o utusan kaya parati itong nakikita sa paaralan. He also heard na lahat ng lumalapit sa dalaga ay ginagawan ng paraan ni Anne upang makick-out ito sa paaralan kaya he realized na masyado pala talagang complicated ang sitwasyon at siya na mismo ang lumalayo sa dalaga.

"Happy Birthday Ana Karylle!" sigaw ni Vice sa kaibigan habang may daladalang cake pa. Lunch time na and as usual ay nasa paaralan nila Vice. Magkasama silang kumakain ng lunch, same time and same place.

"T-thank you Vice" maalinlangang sagot ng dalaga dahil sa ginawang gesture ni Vice. Ilang linggo na din ang nakalipas simula noong naging magkaibigan sina Vice at Karylle. Kahit ano kasing pilit ni Vice na lumayo, there's always something in her na nagiging dahilan upang lapitan niya ito. Mabait naman talaga ang dalaga and she doesn't deserve such treatnent.

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now