Andi

2.7K 67 2
                                    

Kagagaling lang ni Vice sa trabaho at tulad ng dati ay pagod na naman ito. Agad siyang humiga sa tabi ng asawa at yumakap sa bewang nito

"Hmmm.. Ngayon ka lang?" K asked him at umikot paharap sa binata at pinaulanan ito ng halik sa labi

"Nagkaproblema sa office eh, kailangan ko munang ayusin" he answered and hugged her tighter "Tulog ka na uli"

Pero parang walang narinig ang asawa. Agad itong pumatong sa kanya at hinalikan ang kanyang leeg kaya agad siyang napaiwas "tsk. Love, pagod ako"

Bigla namang sumilay sa mukha ng dalaga ang pagkadismaya at di nagtagal ay umalis na rin sa ibabaw niya. Akmang yayakapin ito ng binata pero umiwas ito at tuluyan siyang tinalikuran.

Alam ng binata na nagtatampo na naman ang asawa. Ilang gabi na rin kasi niyang tinatanggihan ang asawa dahil sa pagod sa opisina

Isang taon nang kasal ang mag-asawang Vice at Karylle. Isang mabuting asawa si Karylle, araw-araw ay maaga itong gumigising upang ipaghanda ng almusal ang asawa at para narin may kasabay itong kumain, ganoon din sa gabi. Sa kagustuhan na rin ni Vice ay tumigil na sa pagtatrabaho ang dalaga at pumirme nalang sa bahay para na rin mas maasikaso ang asawang tutok sa minanang negosyo.

//

Dahil sa kagustuhang mapansin ng asawa ay nakaisip si Karylle ng isang nakakalokong ideya. Isang gabi, hindi na siya nagabalang magsuot ng kahit ano. Nagtakip lamang siya ng kumot upang hindi agad ito mapansin ni Vice. Hindi naman siya nabigo dahil halos lumuwa ang mga mata ng asawa nang makita ang kanyang itsura. Nagalit pa ito sa kanya dahil hindi siya nakapasok ng opisina dahil sa pagod, natambakan tuloy siya ng napakadaming trabaho pagkabalik niya

Mas lalong tumindi ang pagmamahalan ng dalawa. Walang sawa sa pagsisilbi si Karylle kay Vice, samantalang si Vice naman ay hindi na masyadong nago-overtime para masmaagang makauwi at makita ang asawa

Ngunit lahat ng kasiyahan ay may katapusan. Isang gabi ay biglang naglaho na parang bula ang kasiyahang nabuo ng mag-asawa

"Love? How's your day? Pagod ka ba? Napaaga ka ata ng uwi today, may masakit ba sayo?" naaalalang tanong ng dalaga, alas kwatro pa lang kasi at nasa bahay na ang kabiyak
"Love?" pagtawag niya muli nang hindi makatanggap ng kahit na anong sagot. Nagulat siya ng padabog siyang dinaanan nito at umupo sa sofa na malayo ang tingin

"Love? May problema ka ba?" nahigit niya ang kanyang hininga ng lumipat sa kanya ang tingin ng asawa. Galit na galit ito "B-bakit?"

"Sino si Andi?" maanghang na tanong nito

"Sinong Andi? Andi Eigenman?" pabirong natanong pabalik ng dalaga

"Tinatanong kita! Sino si Andi?!"

"Hala malay ko. Wala akong kilalang Andi, ikaw ba meron?"

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo Ana Karylle! SINO SI ANDI?"

"Sino ba kasing Andi? Hindi ko naman kilala yan" mahinahon niyang pagtanggi. Alam niyang malapit ng sumabog ang asawa dahil sa bagbanggit nito ng kanyang buong pangalan. A warning tone.

"Sinungaling! Sino yon ha? Lalaki mo ba yun?"

"Pwede ba Vice! Kumalma ka nga! Wala nga akong kilalang Andi. Ano ba!"

"Nagkausap kami ni Kaye kanina. Ang sabi niya nakita ka niya sa Greenhills kanina kasama mo daw ang empleyado niyang si Andi. KAYA SINO SI ANDI?!"

Unti-unting namuo ang mga luha sa mata ni Karylle. Hindi naman talaga nito alam kung ano ang binibintang sa kanya ng asawa "Maspinaniniwalaan mo yung babaeng yun kesa sa akin na asawa mo? Oo, totoong nagpunta ako ng Greenhills nakita ko pa si Kaye pero God knows na wala akong kasama doon kanina. Pumunta lang naman ako doon dahil may bibilhin ako pero hindi para makipaglandian!" may hinanakit niyang sagot

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now