Spoken Poetry

1.9K 59 2
                                    

Meron bang nagmahal ng hindi nasaktan?
Pwede ba yun? Yung magmahal ng hindi nasasaktan?
Pwede bang magmahal ng walang sakit?
Pwede bang okay na tayo wala ng bakit?
Pwede bang start lang walang end?
Kung kaya pa natin, baka naman pwedeng i-extend

Pwede bang true lang walang fake?
Pwede bang heart lang walang break?
Pwede bang magpakatanga kahit sa huling saglit?
Pwede bang tayo at tayo nalang ulit?
Pwede bang ang sagot sa lahat ng tinanong ko ay oo pero diba hindi
At yun ang masakit

Masakit ba yung sakit o masarap?
Ayaw ba talaga nating masaktan?
Kasi kung ayaw natin bakit kahit alam na natin na masakit paulit-ulit parin nating binabalikan
At dahil paulit-ulit, pati yung sakit nakasanayan
At hinanap-hanap nalang ng katawan
Nasasaktan ba talaga tayo o nasasarapan?
Masakit ba yung sakit o masarap?
Mukhang mahirap yung tanong ko kaya niisa sa inyo walang kumurap
At hindi nakaisip ng sagot sa isang liham
Kaya kakausapin ko nalang yung sarili ko, total ako naman ang nakaisip ng tanong na 'to

Masakit ba yung sakit o masarap?
Alam kong wala ka dito ngayon
Pero gusto kong malaman mo at makarating sayo lahat ng sasabihin ko
Pero sigurado naman akong makakarating sayo, sa dami ba naman ngayon ng tsismosa at tsismoso
At gusto kong malaman mo na masakit
Masakit, masakit yung sakit sobrang sakit
Hindi ko mawara yung sakit, sobrang sakit pero masarap

Alam mo kung bakit?
Kasi ikaw nagbigay sakin ng ganitong pakiramdam
Kaya kahit paulit-ulit ikaw lang ang bibigyan ko ng karapatan na sa akin ay manakit
Dahil mahal kita, mahal kita habambuhay at hindi lang isang saglit
Oo mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita kahit tayo lang ang nakakaalam
Dahil natatakot ka, natatakot ako, natatakot tayong dalawa na parehong mahusgahan
Mahal kita mahal na mahal kita dito sa mundo nating parang kulungan
Isang bartolinang masikip, madilim at ang mahal mo ko ay pwede mo lang ibulong sa katahimikan na tayong dalawa lang ang nagkakarinigan
Mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita
At alam kong mahal mo ko kahit tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan
Mahal kita tang ina nila mahal kita
Kahit sa dulo nito alam kong wala tayong laban

Sa bawat pelikula ko, sa bawat palabas ko gusto sana natin magkasama tayong dalawa sa siksikan
Sa bawat laro mo, sa bawat three points mo
Gusto ko sana nandun ako para manguna ko sa palakpakan
Gusto kong isigaw na "P*TANG INA JOWA KO YAN!"
Pero hindi natin magawa kasi natatakot tayong parehong mapag-usapan
Kaya kahit pareho tayong tagumpay
Pareho tayong nananatiling talunan

Ang sakit, ang sakit sobrang sakit
Sobrang sakit hindi ko maintindihan ang sakit
Hindi nyo alam ang sakit
Pero pagkatapos ang tilian ng mga tao
Pagkatapos ng tunog ng simbato
Pagkatapos mong punasan at patuyuin lahat ng pawis mo
Bago ka umuwi ng bahay nyo
Ako parin ang tatawagan mo para tanungin kung napanood ko yung cross over mo
Yun ang masarap
Para kong baliw, para kong tanga

Makita ko palang yung pangalan mo sa telepono para na kong nasa ulap
Pag narinig ko na yung boses mo pag sinagot ko yung tawag mo para na kong nasa alapaap
Parang tangang nababaliw kasi ang sarap sobrang sarap
Ang sarap pero ang hirap
Ang sarap pero ang saklap pero masarap
Masarap kasi sa loob ng mundo natin, kahit nakakulong tayo masaya naman tayo
Nagtatawanan, naghaharutan, nagkikilitian hanggang sa magkapikunan
At pagkatapos ay magbabati nanaman

Pero bakit pag naglabas ng mundo yan, hindi na tayo pwedeng mag-usapan
Hindi tayo pwedeng magpansinan, hindi tayo pwedeng maghawakan
Hindi tayo pwedeng magtitigan, hindi tayo pwedeng maglapitan hindi pwede
Ang lungkot naman, ang lungkot lungkot naman
Ang sakit naman
Mas malaya pa tayo dun sa loob ng kulungan

Ilang taon din natin yan tiniis
Yung nagtataguan na parang mga gago
Na parang mga aswang na nakakubli sa isang silid na parang sementeryo at tayong dalawa lang ang tao
Na parang mga adik na natatakot matokhang ano mang segundo
Na parang mga kriminal, natatakot na hatulan ng mapanghusgang lipunan
Na ang tanging pamantayan ay hindi pwedeng tayo
Dapat sa babae ka lang dahil bakla lang ako
P*tang ina namang mundo to ano bang problema nyo
Ano bang kasalanan ko

Sa sobrang takot ay nagkasundo na lang na wag na manlaban
Dahil pagod na tayo at pareho na tayong tubuan
Kinamisok tayo na sumuko nalang
Ang sakit, sobrang sakit
Hindi nyo alam kung gano kasakit
Hindi nyo mauunawaan kung gano kasakit
Pag naaalala ko para kong mamamatay sa sakit
Namamanhid yung buong katawan ko sa sakit
Hindi ako makakilos sa sakit, wala na kong maramdaman sa sakit

Ang sakit sakit pero masarap
Kasi hanggang sa huli
Yung sa pagsuko natin magkahawak tayo ng mahigpit
At dumating na yung oras na sabay tayong hahatulan
At ang pinataw sa atin
Pinakamabigat na parusa

Kalayaan
Kalayaan palayain ako
Kailangan palayain mo ko o palayain kita
Di pwedeng lumingon, di pwedeng sumulyap
Di pwedeng umiyak diretso lang ang lakad
Papalayo sa isa't isa hanggang sa di natin nakita kung san tayo napunta

Ang sakit sobrang sakit
Halos ikamatay ko yung sakit
Pero masarap, ang sakit sakit pero masarap
Dahil hanggang sa huling sandali
Kahit masakit tinawag mo kong Juliet

[Its Vice's Spoken Poetry sa concert niya last 021417 Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Araneta #VGPusuanSaAraneta. Congrats to our Vicey for the very successful concert! He nailed it once again! Yey! ] -2.16.17

💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛
VOTE. COMMENT. SHARE.

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now