His decision

1.6K 56 0
                                    

"Hey do you need help?" tanong ng binata sa isang dalagang nakasalampak sa may sidewalk

"Ano ba sa tingin mo?" masungit nitong tanong pabalik

"Ang sungit naman grabe" he murmured at napakibit lang as he started walking away

"Wait! I'm sorry. Please" sinalubong niya ang tingin ng binata and smiled shyly "Tulungan mo ako"

"Sure" simpleng usal ng binata at muling bumalik sa kinaroroonan ng dalaga. He bend down upang maka level niya ito at kumuha ng panyo mula sa bulsa niya. Dahan-dahan niya itong dinampi sa tuhod ng dalaga kung saan ito may sugat. Hinipan niya ito tsaka niya itinali ang panyo sa tuhod nito

"Thanks" mahina niyang bulong nagulat naman siya ng umupo sa tabi niya ang binata

"Im Jose Marie Viceral, but call me Vice" nilahad niya ang kamay na agad din namang tinanggap ng dalaga

"Ana Karylle, call me K" she smiled sweetly na syang nagpangiti din sa huli

"Stop smiling like that. You're starting to steal my heart, Ana Karylle" he said with a deep voice. Namula naman ang dalaga kaya napaiwas siya ng tingin and nervously laugh

Nasa harapan sila ng isang coffee shop. Tahimik lang silang nakaupo sa pavement habang nakatingin sa bawat sasakyang dumadaan. Masaya nilang hinuhulaan kung ano ang kulay ng sasakyan na sunod na dadaan

"Its getting late. Tara na?" pag-aaya ni Vice habang nakatayo at pinapagpag ang pantalon after that ay nilahad niya ang kamay "Kaya mo ba?"

"Siguro" tumatawa niyang sagot as she gladly accepted his hand. Nakatayo naman siya ng maayos but when she started to walk ay napangiwi siya sa sakit

"Hey.. Tara na ihahatid na kita" mabilis na dinaluhan ni Vice si Karylle and place her arm around his neck "San ba yung inyo?"

"Malapit lang mga 5 blocks away at isang kalye"

"Ok, tara?" He guided her carefully na tila ba isa itong babasagin na gamit

"You two look perfect together" saad ng matandang babae na nakasalubong nila sa daan. May kasama itong matandang lalaki habang magkahawak ang kamay, mag-asawa "Wag mo na siyang pakawalan hijo ha? Mahalin mo siya hanggang sa huling hininga mo. Napakaswerte mo sa kasintahan mo"

"Ah magkaibigan lang po kami" sagot ni Karylle habang si Vice naman ay nakangiti na abot hanggang tenga dahil sa narinig mula sa matanda

"Ganoon ba? Wag kang mag-alala sa pagkakaibigan din kami nagsimula nitong asawa ko" sagot naman ng lalaking matanda habang nakatingin sa asawa nito. They look so happy.

Nginitian lamang nila ito at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa maabot nila ang isang gate na kulay itim "We're here! Pasok ka muna?"

"Hindi na Karylle.. Gabi na rin kasi eh" sagot nito at tumalikod na. She waved at him pero nagulat siya nang bigla itong tumakbo muli papalapit sa kanya and hugged her "Thank you for this day miss. You made me happy"

Hours, Days, Weeks and Months have passed at tila hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Hindi rin nagtagal ay nagpalitan na sila ng "I love you" sa isa't-isa. Masayang-masaya sila sa piling ng bawat isa

"You're late miss" saad ni Vice ng makapasok na sa sasakyan si Karylle

She smiled apologetically "Sorry na po, mister. I fixed all the papers needed, how about yours? ok na ba?" sagot niya at hinalikan ang tungki ng ilong ni Vice bago niya inayos ang sariling seatbelt

"Yes love. I can't wait"

"Me too. Finally" kinikilig na sagot ni Karylle habang inaayos ang puting dress niya "Let's go. Baka naghihintay na sila"

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now