Banban

3.5K 59 0
                                    

Karylle's POV

"Vice!" pasigaw kong sambit nang makita ko siya na nakaupo sa pavement ng parking lot ng Guilly's habang umiiyak

"Karylle?" he wiped his tears at tumingala sa akin. He's so devastated.

Yumuko ako para makalevel siya "Ok ka lang? Anong nangyari? Tinawagan ako nina Buern eh" tanong ko pero nabigla ako ng bigla niya akong niyakap at naramdaman kong namamasa na ang damit ko dahil kakaiyak niya. Hinayaan ko lang siya hanggang sa unti unti na siyang kumawala

"Wa-wala na kami ni baby boy. Sa-sabi niya pagod na daw siya .. na hindi na niya ako mahal" binaon niya ang mukha niya sa kanyang mga palad "Parati nalang ganito ang ending. Parati nalang ako ang umiiyak. Ako ang naiiwan. Ayoko na"

I felt sorry for him. He doesn't deserve to be treated like this. "Viceee" pagaalo ko sa kanya "Meron pa naman dyang magmamahal sayo ng totoo"

"Sino naman yan K?" tanong niya at unti-unti na siyang tumatahan.

"Ako" nagulat ako sa lumabas na salita mula sa aking bibig but I know this is a now or never situation

"Ikaw?" nagtataka niyang tanong

"Oo ako" this is it! Kung hindi pa ako aamin siguro ano mang oras ay sasabog na ako "Matagal na kitang mahal Vice. Matagal na"

"Pero bakla ako Karylle!"

"Alam ko" kibit balikat kong saad

"Bakit mo to sinasabi sa akin? Kung naaawa ka lang, please wag"

"No Vice. Alam ko sasarili kong matagal na to"

"Hindi. Hindi pwede" napayuko ako nang dahil sa sinabi mo. Beneath my lashes, I can see how your mood changes, from devastated to angry? I closed my eyes, naghihintay akong marinig ang mga sumbat mo sa akin but I heard nothing kaya muli kong dinilat ang aking mga mata and only to see you walking away from me.

Unfortunately, night ends at kasabay nito ang pagtapos ng love story naming hindi pa man nagsisimula.

After that night, hindi na niya ako kinakausap. Kapag naman lumalapit ako sa kanya umiiwas siya. Para na akong naging hangin sa kanya.

Buong segment ng Tawag ng Tanghalan, hindi niya ako pinapansin. Nakikipagharutan siya sa ibang hurado pero sa akin hindi. "Tayo yan dati eh" bulong ko sa sarili habang pinapanood ko sila ni Anne na magharutan during the commercial gap. Gusto kong maiyak pero di naman pwede. Sana pala di ko nalang inamin sayo, siguro may panghahawakan pa akong 'tayo'. The whole duration ng showtime ay pinilit ko naman talagang magpapansin sayo pero siguro ng dahil konti lang talaga ang exposure ko kaya di na kinaya (true to life. Char!).

Tapos na ang show at gustong gusto ko ng umuwi dahil sa bigat ng nararamdaman ko, pero di pa pwede dahil may instruction pang sasabihin si direk. Hanggang sa backstage ba naman ay naghaharutan pa din sina Anne at Vice.

"Pagod ka na? Tamlay mo eh" tanong saakin ni Vhong na katabi ko opposite side nina Anne, nasa kanila pa din ang tingin ko

"Sobra" pabulong kong sagot at kasabay nito ang pagpatak ng aking luha, hindi naman ito nakaligtas sa paningin ni Vhong at agad niya akong niyakap na ikinagulat naman ng ibang hosts na kasama namin sa lounge. Walang nagsalita pero ramdam kong nakatingin silang lahat sa amin ni Vhong kaya kumalas na rin ako sa yakap.

"Oh my God K! Ok ka lang? Bat ka umiiyak?" gulat na tanong ni Anne nang makitang namumula ang ilong ko.

Patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha kaya yumuko na lamang ako "Ok lang ako" sagot ko ng may pag-crack sa boses

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now