Cold Shoulder

1.9K 62 9
                                    

Nakasalampak ng higa si Vice sa kama niya nang dahil sa pagod. Kakauwi niya lang galing sa magdamagang shooting ng PGT. Kasalukuyan niyang kinakalikot ang phone while trying to be updated sa mga happenings in life using twitter. A single tweet caught his attention

------
@bienviceral 9m
i think may away yung vk. tas yung away na yon hindi siya yung katulad nung dati na aware lahat ng st hosts/staffs. yung parang between the two of them lang, parang yung kulo na yon sila lang nakakaalam, they pretend that they don't know,but actions still speak louder than words.
------

Napakunot ang noo niya "Wala naman akong natatandaang problema namin ni kurba ah" saad niya bago agad na dinayal ang numero ng dalaga pero hindi ito sumasagot

Nakatitig lang siya sa kisame. Kahit hapong-hapo at pagod ay biglang nawala ang antok niya. The tweet is bothering him dahil wala siyang alam sa mga pangyayari. Naalala niya bigla ang away nila noon na syang kinasikip ng kanyang dibdib. He sighed bago muling subukang tawagan ang kaibigan

"Ang tanga mo naman Vice. Malamang nasa showtime na yun" bulong niya sa sarili when he gazed at the clock. Its already 10:21am.

"Oh meme? San punta mo?" tanong ni Buern nang makita niyang pababa ng hagdan ang isang bagong ligo at bihis na bihis na si Vice. Halata na rin ang maitim nitong eyebags "Anyare sa beauty rest mo?"

"Tara showtime" tipid nitong saad at nauna nang tinungo ang sasakyan. Nakasunod naman sa kanya ang nalilitong mga bakla

"Meme gogora ka ba talaga ng showtime chuday? Pinayagan ka naman ni direk umabsent muna baka magkasakit ka niyan" bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito.

Inayos ni Vice ang kanyang pwesto "May aayusin lang ako" bulong nito saka umidlip muna

Vice's POV

Ngayon pa lang ay ramdam ko nang totoo ang tweet na nabasa ko dahil opening palang eh hindi niya na ako pinapansin. She's giving me that cold shoulder treatment. Ano kaya ang nagawa ko? Maayos naman kami bago ako sumalang sa tatlong araw na magkakasunod na taping

"Karylle" tawag ko sa kanya nang makita ko siyang dumaan sa harap ng dr ko

"Oh?" galit nga ata to "Anong nangyari sayo? Bat ganyan mukha mo?" Loko to ah patulan kita dyan eh. Ganito ba siya magalit? Mapanglait? pero di kalaunan ay naintindihan ko din ang nais niyang sabihin. Agad kong tinakpan ang mukha ko at tumakbo papasok sa dressing room ko. Rinig ko pa ang mahina niya pagtawa. Sh*t wala nga pala akong suot na sunglass kitangkita tuloy ang eyebags kong sing itim ng pwet ng kaldero.

After that ay hindi ko na muling nasilayan at nakausap si Karylle. Pano ba naman kasi, hindi siya naghurado sa TNT at walang Ms.Q&A today. Bakit ba kasi nila tinatago ang isang napakagandang nilalang na tulad ni Karylle sa backstage. She deserve better. Pepektusan ko na talaga tong mga staff pati na rin si direk. Nakooo!

Right after the show ay nagmamadali kong tinungo ang dressing room ni Karylle. Gusto ko talaga siyang makausap kaya ako pumasok ngayon. Ayokong palipasin ang bawat sandali na di ako sigurado kung anong nangyayari

"Ay meme kakaalis lang. Baka maabutan mo pa siya sa parking"

Buti nalang talaga may lahi akong kabayo at nahawakan ko pa ang pinto ng kotse niya bago ito tuluyang magsara "Kurba please mag-usap naman tayo"

"What?" halatang naiirita siya sa akin.

"Nabasa ko ang isang tweet ng baby. Totoo ba to?" tanong ko sa kanya habang pinapakita ang tweet na nakasave sa gallery ko

"Ewan. Bakit ka ba nagpapaniwala sa mga yan? Lahat naman ng kilos natin may mapupuna sila" she said while laughing. Sarcastically.

"Mahalaga lahat ng sinasabi nila. Mahalaga sila sa atin"

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now