Aftermath

1.2K 47 10
                                    

Due to insistent public demand.. Surrogacy Part 2, Enjoy!

~

Isang taon na ang nakalipas mula nung gabing iyon..

Isang taon na pero hanggang ngayon ay ni minsan hindi siya nawala sa isip ko. Gusto man ko siyang kalimutan pero kahit anong gawin ko ay kusa itong pumapasok sa utak ko.

Is he ok? Napatawad niya na ba ako? Sana.

Marami na ang nangyari sa lumipas na isang taon. I continued my 4th year high school and graduated through the Alternative Learning System then got a vocational degree in Culinary here in Singapore. Sa halos isang taon na pamamalagi ko dito sa Singapore ay wala akong ginawa kung hindi ang isubsob ang sarili ko sa trabaho. I've avoided so many people as I reject their invitations to party.

"Friday Night! Pub?" nakangiting tanong ni Christian sa akin

Hinubad ko ang apron at hairnet na suot bago siya binalingan "I need to go home early tonight, hanggang 8 lang ang sitter ni Marcus, Sorry"

"Okay lang, I'm just trying my luck" pareho kaming natawa pero bigla siyang sumeryoso "Is it hard?"

"Ang alin?" I asked

"I mean syempre, mag-isa ka lang na nag aalaga sa kanya diba?"

Ngumiti ako at naisip ang lahat. Kung wala si Marcus ay baka nabaliw na ako dahil sa lungkot. He's been my happiness at hinding-hindi ko pagsisisihan ang maging ina niya "Its worth it"

Si Christian lang ang tinuturing kong kaibigan rito, everyone else are just acquaintances. Though everyone who works in this restaurant are Filipino ay hindi ako masyadong nakikipaghalubilo. In Christian's case, he's my co-head chef.. I tried to block him out the first few days of work but its impossible since we need cooperation from each other kaya napilitan na lamang ako, and eventually we became friends.

Bukas pa ang ilaw sa living room nang makauwi ako. Tumatalon ang puso ko sa pagka-excite habang papalapit ang mga hakbang ko. I've missed my baby!

Noong wala pa si Marcus ay halos hindi ako nakakangiti. Sa tuwing uuwi ako ay sasalubong lang sa akin ang tahimik at walang-buhay na bahay. Ang nararamdaman ko lang ay kalungkutan dahil sa tuwing uuwi ako, tila ba sinasampal at ipinapamukha sa akin na mag-isa nalang ako sa buhay.

"Oh you're here!" nakangiting bati sa akin ni Anne nang pagbuksan ako ng pinto

She's my Australian neighbor. Nakilala ko siya nung bagong lipat pa ako, her house is just across mine. We instantly get along nang minsan niya akong inimbita over her house for a karaoke night. I was so problematic with Marcus when I got a job, hindi ko kasi gustong maiwan siya mag-isa sa bahay so she offered to help. Mabuti nalang at gabi ang trabaho niya, isa siyang barista sa isang sikat na cafe rito.

"I'm sorry i'm late" I hugged her tight

"Its my pleasure to stay and watch over Marcus"

"Thanks, Annie" I said at hinanap ng mga mata ko si Marcus

Hindi pa man ako nakakahakbang ay nalunod na ng tuwa ang puso nang dambahan niya ako ng yakap. Winawagayway niya ang buntot habang dinidilaan ang mukha ko.

"Marcus!" natatawang hiyaw "You missed mommy huh?"

"He's been a good boy" Anne said

Ngumiti ako at hinalikan ang noo ng golden retriever na anak ko. Hinaplos-haplos ko ang buhok niya, My baby!

"Thank you for staying with him" I said at inabot ang perang bayad. She's been rejecting it for days pero tinanggap niya rin dahil kusa ko itong sinusuksok sa bulsa niya. She needs it even if she don't like it tho.

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now