Bet

2.5K 52 5
                                    

Ako si Ana Karylle Tatlonghari, isang dakilang miyembro ng NBSB community. May hinahanap kasi ako sa magiging boyfriend ko, which for them to be:

1. Gwapo
2. Sweet
3. May Sense of Humor
4. Matalino
5. Magaling sumayaw

Alam kong masyadong imposible na makahanap ako ng lalaking almost perfect na pero, in time mahahanap ko rin siya matatagalan nga lang pero sabi nga nila, Patience is a Virtue

"Hoy kulot! Tulaley ka na naman"

Si Vice. Jose Marie Viceral, best friend ko na walang ibang ginawa kung 'di ang asarin ako

"Che!" sagot ko sa kanya

"High blood ka na naman kulot. Siguro iniisip mo na naman yung ideal boyfriend mong almost out of reach na no?" pang-aalaska pa niya kaya inirapan ko siya. Here he goes again! Mang-aasar na naman siya "Ba't ka pa kasi naghahanap ng iba? Eh nandito lang naman ako?" dagdag pa niya sabay smirk. Kadiri!

"Tigilan mo ako Viceral! Kadiri ka!" natatawa kong saad sabay tulak ng mukha niya. Don't get me wrong, Gwapo naman siya, hindi kaya ako bumabarkada ng panget. Hahahahaha! At with great Sense of Humor pa! Baluktot ngalang

"Kung mang diri ka naman teh akala mo naman kamukha ko yung nasa kabilang section na si Chokoleit"

"Siraulo" halos mangiyak-iyak na ako kakatawa "Tsaka, lalake hanap ko huy!"

"Hala! Lalaki kaya ako, bakla nga lang pero may ano parin ako kaya qualified na as boy" ngumiti siya ng pagkalaki-laki na halos mapunit na ang bibig nito

"Ewwww" I laughed harder "Sina Billy at Coleen nga pala? Si Anne?"

"Ewan ko sa mga 'yon. May klase pa ata eh. Ikaw Ana Karylle ha! Wag masyadong itaas ang standards mo, baka tatanda kang dalaga!" sabi niya sabay duro pa sakin na para ba akong bata na pinapagalitan ng nanay

"Kainis ka!" mabilis akong naglipit ng gamit "Mahahanap ko rin siya, Maghintay ka!" mabilis kong nilisan ang canteen.

Nakakunoot naman ang noo ni Vice habang tinatanaw ang kaibigang nagwalkout. When Karylle was out of sight ay napabuntong hininga na lamang siya

//

Free time ng magkakaibigan at kasalukuyan silang nakatambay sa usual spot nila sa canteen.

"Vice, San si K?" tanong ni Billy

"Oh? Bakit niyo sakin hinahanap? Ako ba nanay nun?" pabalang na sagot ng binata na ikinatawa naman ni Anne "Bunganga mo ngangabu! Baka malunok mo kami" nakatanggap naman siya ng sabunot mula sa dalaga

"Sino ba kaklase ni K? Diba ikaw?" pambabara naman ni Anne "Nasa pilot section sana, tanga lang"

"Wag mo akong uumpisahan Ngangabu ha! Billy oh" saad ng binata sabay yakap kay Billy

"Hahahaha"

"Ay oh! Nanjan ka pala Coleen. Tatawa ka na ngalang, apat pa. Damihan mo naman, minsan ka na ngalang magsalita eh. Nakakapanis ng laway yan promise!" pang-aalaska pa ni Vice sa isa pang kaibigan

"Vice!" napatigil naman ang pagkukulitan nila dahil sa pagtawag ni Karylle "Excuse me muna ha! Pahiram lang sandali"

"Paningin mo sakin laru-" hindi na natuloy ni Vice ang sasabihin dahil tuluyan na siyang hinila ni K palabas ng canteen hanggang sa maratinh nila ang openfield.

"Vice!" excited nitong saad "Nakita ko na siya!"

"Sino? Si Dora?" nagtatakang tanong ni Vice

"Sira! Hindi!"

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now