Kuya

3.8K 79 4
                                    

Karylle's POV

Napabuntong hininga na lamang ako habang tinititigan ang litrato niya.

Siya si Jose Marie Viceral. Tall, Moreno, Gwapo and a very discreet guy. He is kuya Billy's friend. Magkasama sila sa work. I call him Kuya not for endearment but because he's literally older than me. He's already 21 same as my brother.

Isang araw pag gising ko, nabigla nalang ako nang makita ko siya sa may salas na may dalang mga gamit habang kausap si mama. Yun pala inimbitahan siya ni mama nang malaman na maglilipat siya ng uupahan na mas malapit sa work nila kaya nagoffer si mama na dun nalang sa amin since may bakanteng kwarto pa naman

Since then araw-araw na kaming nagkikita. At araw-araw mas nagiging malapit kami sa isa't - isa. Mas nakilala ko pa siya, hindi naman pala talaga siya discreet masyado, marunong din pala siyang makisama. Joker siya super. Naging close kami, as in tinuring niya akong tunay na kapatid.

"Laki mo na baby girl ha" he said habang ginugulo ang buhok ko. Sh*t my hair! Chossss

"Tsss. Kuya JM yung buhok ko naman" sabi ko habang pilit tinatanggal ang kamay niya sa ulo ko

"Arte naman nito. Dalaga ka na talaga" piningot niya yung ilong ko. Napakabully talaga nito

That was March 22. 14th birthday ko.

"Happy Birthday!" sigaw na pabati ng lahat sa akin.

Lumapit si Kuya JM sakin, siya ang may dala ng cake "Happy Birthday baby girl" saad niya habang inilalapit ang cake sa akin upang hipan ko ang kandila

"Habang tumatagal, gumaganda ka lalo. Tagal mo namang mag 18" bulong niya sakin habang nakangiti.

"Thank you" sabi ko at tumawa. Nagulat ako sa sinabi niya pero di ko pinahalata since kilala ko naman siyang palabiro

Sa tuwing sweldo, sanay na akong magpalibre kay Kuya Billy since bunso naman ako. Nasa mall kami ngayon ng family ko, kasama si Kuya Jm since family na rin ang turing namin sa kanya, libre ni kuya Billy ang dinner syempre!

Habang naglilibot ako sa may ladies section, biglang lumapit sakin si Kuya Jm at inabot ang isang teddy bear.

"Belated baby girl! Sorry kung ngayon lang yung regalo ko ha?"

"Thank you kuya" nakangiti kong tinanggap ang regalo niya at agad na yumakap sa kanya

"Please grow up so fast para pwede na kitang ligawan" dagdag pa niya at kumindat sakin. Shems! Di naman ako prepared dun.

"Kuya Billy! Sabi ni Kuya Jm liligawan niya daw ako" sumbong ko habang kumakain kami ng dinner sa isang resto. Nakita kong namutla siya bigla pero agad niyang nabawi nang tumawa na sina mama at kuya. Yun pala sinabi niya na sa kanila na crush niya ako pero bata pa daw ako kaya di pwede. Pero sabi niya maghihintay daw siya kung kailan ako pwede.

Ilang months ang lumipas ay nagresign na si Kuya Jm sa work niya kasi daw pinapasunod siya ng kuya niya sa abroad para dun na magtrabaho. Nalungkot ako syempre :( nasanay na ako sa presensya niya sa bahay. Nasanay na ako sa pagmumukha niya na araw-araw kong nakikita.

Until sa dumating na ang day na aalis na siya. Hinatid pa namin siya sa airport. Sa sasakyan palang umiiyak na ako. Ambigat sa pakiramdam. Sobra.

Bago pa siya umalis, niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Baby girl, hintayin mo ako ha? Hihintayin kita. Mag-aral ka ng mabuti. Wag kang mag-alala palagi akong tatawag sa kuya mo para kamustahin ka. Wag mo akong kakalimutan ha? I love you" bilin niya bago siya tuluyan tumalikod sakin at naglakad palayo

Tinupad niya ang pangako niya, parati siyang tumatawag. Pero dahil sabi nga nila, walang forever, kaya ayun dumating ang araw na biglang naputol ang komunikasyon namin. Ansakit. Sobrang nasaktan ako. Pinaasa lang ako.

Kinomfort ako ni kuya at mama, sabi nila bata pa ako, puppy love lang daw yun. That was my first heartbreak </3

Naiwan. Nasaktan. Nagmove on. Umaasa.

"Nak! Bumaba ka na dyan baka malate ka pa" sigaw ni mama. Graduation ko na today. Wala na akong balita kay JM, nag abroad na rin pala si Kuya

"Ana Karyllleeeee!" madiing sigaw ni mama. Halatang excited lang.

"Opo!" I answered back "Naghihintay pa rin ako" saad ko bago binalik ko na ang litrato ni JM sa drawer ko at agad na hinablot ang aking toga that was helpless lying beside me.

We arrived sa gym, just in time para sa processional march. Nakapila na ako para umakyat ng stage to get my diploma, I looked at my mom na abala sa pagkuha ng mga litrato habang pinupunasan ang kanyang mga luha then something caught my eye, isang pamilyar na pigura na nakangiti ngunit natatakpan ng hoodie ang kanyang mata kaya di ko siya masyadong nakilala.Matapos kong makababa ay agad kong hinanap ang lalaking kanina pa nakangiti sa akin pero di ko na siya makita. Kaya pilit ko nalang itong binalewala.

Pagkatapos ng program ay agad kaming dumiretso sa isang seaside resto na kung saan naghihintay si Kuya Billy. Sakto rin kasing may 1month leave siya from work.

Agad akong napatakbo at napayakap kay kuya nang makita ko siyang nagaabang sa may parking lot. Namiss ko tong kumag na to. Sobra.

"Kuyaaaa!!!" naiiyak kong sabi habang siya? pinagtatawanan lang ako

"Umayos ka Ana Karylle. 21 kana para kang bata kung umiyak"

"Kuya naman ehh" reklamo ko at pinunasan niya ang mga luha ko.

"Tara na sa loob?" sabi ni mama kaya pumasok na rin kami

Kasalukuyan kaming kumakain ng biglang tumayo si kuya at lumapit sa live band para magrequest ng song

"Way back into love"

May kirot akong naramdaman, pero dinedma ko at inenjoy nalang ang music. Masaya na akong kumakain ng mapansin kong ngiting ngiti silang nakatingin sa may gawing likod ko

"Anong meron?" tanong ko pero wala naman akong makuhang sagot kaya lumingon ako

Ayun, nakita ko siyang may hawak na banner na may nakasulat na "Congratulations Baby Girl" na may kasama pang cake at balloons.

"Kuya JM" I said almost a whisper, biglang nagflashback ang lahat from the past. Our past together kaya eto ako ngayon umiiyak.

"Sorry baby girl kung ngayon lang ako nakabalik" sabi niya with an apologetic smile "Wag ka nang umiyak please. Congrats baby girl" dagdag pa niya.

Ngayon ko lang napansin ang suot niya, nakasuot ito ng hoodie and underneath it is a plain white v-neck tshirt and a blue jeans "It was you" bulong ko

"I missed you" saad niya at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit. It was a bone crushing hug that seemed to put my broken pieces together again "Ngayong nasa tamang edad na tayo, will you be my girlfriend?" bulong niya sa akin.

Tumingin ako sa paligid lahat sila nakangiti sa akin. Tumingin ako kay mama, umiiyak siya. Tumingin din ako kay kuya, pinipigilan niyang maiyak habang nakayuko. Everyone seemed to be happy for me kaya why not? Di na ako makapagsalita kaya tumango nalang ako

"Thank you" nakangiti niyang sambit "I love you" he said habang magkadikit ang mga noo namin

"I love you too" bulong ko. Ghad! Kay tagal ko tong inantay.

Over lunch ay napag-usapan namin ang issue that happend years ago. Yung mga panahong natigil ang communication namin, at inamin nila sa akin na kaya pala natigil ang komunikasyon namin dahil pinakiusapan siya ni Kuya Billy na hayaan daw muna ako since I was just 14 then, pero may advantage naman para rin daw malaman nila kung seryoso ba siya sa akin at kung mahal niya ba daw talaga ako.

End.

[Aloha! Hope you enjoyed reading!]-8.13.16

💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛
VOTE. COMMENT. SHARE.

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now