Convertee

2.8K 57 25
                                    

"Ana Karylle, bakla ako pero mahal kita" madamdaming pag-amin ni Vice sa ka-loveteam. Tila nabingi naman ang dalaga dahil sa sinabi ng huli

"Vice" tanging na sabi lang ni Karylle. She want to say something pero hindi niya gustong may masabi siyang makakaapekto sa samahan nilang dalawa ni Vice

"Hindi ako nagbibiro Kurba. Seryoso ako"

"Pero Vice" isang malungkot na ngiti ang iginawad nito at napayuko na lamang "Akala ko ba for the fans lang? Akala ko ba walang mafa-fall?"

"Yun din ang akala ko eh. Since our loveteam started, sinabi ko na sa sarili ko na for the fans lang dapat ang lahat dahil pareho tayong committed sa iba pero kasi Karylle hindi ka naman mahirap mahalin. Mabait ka, matalino, maganda inside and out kaya ngayong pareho tayong single, sasabihin ko 'to sayo ng harap-harapan, Mahal kita Ana Karylle. Mahal na mahal"

"Vice.."

"Karylle naman! Wala ka bang ibang kayang sabihin maliban sa pangalan ko?" may malungkot na sabi ni Vice pero halatang naiinip na ito sa kausap

Matagal bago magsalita muli si Vice. Tinitigan niya ang kausap na tila binabasa ang sinasabi ng mata nito and he was hurt to see that she is confused?

"Kung ang pagiging bakla ko ang dahilan ng pagdududa mo Karylle, please naman. Aminado ako, bakla ako, an all out gay, cross dresser, pabago-bago ng boyfriend, party animal. Oo aminado ako sa lahat ng yun. Pero eto ako oh, ang baklang ito na nasa harapan mo ngayon at humihingi ng pagkakataon na mahalin ka. Pagkakataon na dumating ang araw na maaari ko ng masabi na may tayo" mababakas ang sinseridad sa mga salitang binitawan nito

Nakatingin lang si Karylle kay Vice tila hinahanap ang mga tamang salitang sasabihin. Ingat na ingat siya dahil alam niyang hindi biro ang pag-amin ng kaibigan.

"Vice, I feel your sincerity but please do understand na hindi madali ang hinihingi mo sa akin. Please give ourselves time to think kasi baka nabigla ka lang"

"Ok" tipid na sagot ni Vice, turned his back and slowly walking away at unti-unti ng naglaho ang imahe niya mula sa kinaroroonan ni Karylle.

After that ay desididong nagpakita ng intensyon si Vice sa panliligaw. He's extra sweet to Karylle na hatid sundo niya ito and he brings her lunch daily. He did all of that para ipakitang seryoso siya sa sinabi. He didn't fail to let Karylle feel his love, araw-araw niya itong binibigyan ng isang long-stemmed red rose na may kasamang short but sweet dedication.

Pero wala talagang forever ..

"Uy K! Batiin mo naman yung manliligaw mo" napabalik naman sa sarili si Vice dahil sa narinig mula kay Vhong kaya napalingon siya kay K

"Oo nga K! Yung bokalista" gatong pa ni Billy kaya napakunot ng noo si Vice

"Si ano! Sino nga yun K? Nakalimutan ko" this time si Anne naman ang nagsalita. Nanatiling tahimik lang si Vice at nakikinig sa usapan ng apat

"Si Ano, si Yael" sagot ni K and meet Vice's gaze. Napayuko na lamang si K when she saw Vice looked away. What did she expect? Na magtatatalon si Vice sa tuwa for her?

After that ay nagbago ang lahat. The what seemed to be a perfect couple on national tv became strangers. What seemed to be their fairytale turned out to be their nightmare. Vice distanced himself from Karylle.

//

"What's with you and Vice? Para may something eh pero hindi ko masabi kung ano" pang-iintriga ni Anne. Kakatapos lang ng showtime at naisipan nitong mambulabog sa nananahimik na condo unit ni Karylle along BGC to do some catching up with her friend.

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now