Consequences

1.5K 43 6
                                    

"Isa lang ang gusto ko.. Mamatay ka na!"

"Kailan ka pa ba mamamatay ha?! Pakibilisan!!!"

"Mamatay ka na kasi!"

"Pagsisisihan mong pinakasalan mo ako. Pahihirapan kita at tanging paraan lang para makatakas ay ang kamatayan"

Ilan lang yan sa mga salitang naririnig ni Vice mula sa asawa. They've been married for 4 months but still, hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. It was an arrange marriage, and he is gay kaya laking galit ng dalaga sa kanya.

"Karylle, pagnamatay ba ako sasaya ka na? Yan ba talaga ang gusto mo? Kasi kung ako lang ang masusunod.. I really want to die. Gusto ko nang mamatay.. hirap na hirap na ako. Sana nga hindi nalang ako bakla dahil masakit.. durog na durog na ako sa mga panglalait at panghuhusga ng mundo na para bang kasalanan pa kung bakit ako nabuhay. Kung kamatayan lang ang paraan upang marmdaman ko ang pagmamahal mo.. o kahit konting awa man lang, gagawin ko—"

"Then die!!!! pero isa lang ang masisiguro ko sayo, I will never love you! Hinding hindi kita mamahalin at kaaawaan.. a person like you don't deserve such dahil bakla ka! BAKLA!" sigaw ng huli 

"Malapit na kitang pakawalan.. sana maging masaya ka" bulong ng binata habang pinapanood ang asawang pumapanhik. 

Matapos ang naging kompruntasyon nilang mag-asawa ay napag desisyunan niyang uminom ng alak and after drowning himself with some drinks ay agad siyang pumanhik at sinundan kwarto ang asawa. Alam niyang bawal siya doon pero hindi niya napigilan ang sarili.

"Karylle, I'm sorry. Sorry kung hindi ko pa maibigay sayo ang gusto mo.. alam kong nahihirapan ka na dahil bakla ang napangasawa mo pero hindi ko pa pwedeng ibigay yun eh. Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil kahit gusto kong ibigay sayo ang kasiyahan mo, hindi ko pa kayang iwanan ka ng mag-isa dahil alam kong hindi mo pa kaya pero 'wag kang mag-alala kapag alam kong kaya mo na.. pagnakita kong may taong handang sumama sayo hanggang sa pagtanda mo at hindi ka iiwan.. Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin dahil ako na mismo ang tatapos sa buhay ko. Hindi na ako dadalawang isip na  ibigay sayo ang kasiyahan mo. I'm sorry ha? hayaan mo malapit na.. ramdam kong malapit na" umiiyak na wika ni Vice

// 

"Vice! Halika nga dito!!!" sigaw ni Karylle mula sa may garden ng bahay kaya agad na napatakbo ang huli upang tignan kung bakit ito sumisigaw 

"Bak— " laking gulat niya nang biglang hilahin nito ang kanyang buhok. Ramdam na ramdam niya ang kuko ng asawa na unti-unting bumabaon sa anit niya

"Ano to?! Bakit naging ganito ang kulay nito?!! Kung di ka nga naman tanga bakit mo pinagsama ang puti sa decolor? Bakla ka na nga, tanga ka pa!!!! Wala ka na talaga ginawang tama!! Minsan lang ako magmakaawa.. Mamatay ka na please lang"

"Karylle?" rinig nilang dalawa kaya agad na binitawan ng dalaga si Vice at bumalik sa loob kung saan nanggagaling ang boses. Bumagsak naman ang huli  na siyang naging dahilan upang tumama ang ulo niya sa isang matulis na bato

"Shit" agad na napahawak si Vice sa ulo at naramdaman ang isang malagkit na likido na nang gagaling dito. Nakaramdam siya ng hilo ngunit binalewala niya iyon upang sundan ang asawa

Mula sa malayo ay kitang-kita niya ang asawa na masayang nakikipagharutan sa boyfriend nito. Wala na sigurong mas sasakit pa ang makita ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba. 

Maybe its time to go.. 

Nang makitang humiwalay saglit ang asawa ay agad niyang nilapitan ang kanina pang kayakap nito "Vhong.." 

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now