Let's talk about love

1.9K 42 2
                                    

Tumatakbong tinahak ni Vhong ang daan papunta sa dressing room ni Karylle. Sabi nila Billy na umiiyak na naman daw ito.

"Bruh? Anong nangyari?" pag-aalo ni Vhong sa humahagulgol na Karylle na naabutan niya sa dressing room nito.

"S-si a-ano ka-kasi-i" nahihirapang paliwanag ni Karylle between sobs. Hindi man masyadong naintindihan ng huli ay nagkaroon ng siya ng ideya tungkol dito.

"Ano na naman ginawa ng asawa mo? Jusko Karylle pang-ilan na yan?" naiinis na saad ni Vhong sa kaibigan. Umiiyak na naman ito ng dahil sa asawa.

"T-tinanong ko lang naman siya kung may i-iba siya eh.. pero nagalit s-siya" 

Wala namang magawa si Vhong kaya niyakap niya na lamang ang kaibigan. Matagal na kasing problema ni Karylle ang asawa. Ilang beses na itong nahuli ng mga showtime hosts and staff na may kasama itong iba. Karylle always confronts him pero in the end , siya parin ang magso-sorry kapag nagagalit ito sa kanya dahil daw mapagduda siya. 

"Sabi ko naman sayo na iwanan mo na siya" pabulong na sabi ni Vhong kay Karylle na nakayakap pa rin sa kanya at umiiyak

"Hi-hindi ko kaya. Ma-mahal ko siya" sumisinghot singhot na sagot ni Karylle

"OMG! what happend? K? Are you ok?" sabat ni Anne na kadarating lang "Is it about Vice again?Last nalang talaga yang baklang yan ha!"

"Anne.." Karylle tried to stop her friend from saying bad things against her spouse.

"Hindi K eh, matagal na akong nagtitimpi sa kanya. He changed a lot, hindi ko na alam kung siya parin ba ang Vice na kilala natin. He left the show because it doesn't feel the same? f*ck that! Tapos ngayong sinasaktan ka niya ng ganito?" she got a grip on Karylle's arm and raised it which made her watch and bangles slide down and showed a bruise in her wrist "Karylle naman! Matalino ka, mabait ka at higit sa lahat maganda ka you can always find someone na kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo"

"I know a good lawyer who can help you will the annulment" Billy suggested 

"Mahal ko siya" pabulong nalang saad ni Karylle habang unti-unti ng pinupunasan ang mga luha "Kaya ko na ang sarili ko" huling saad nito at tumayo na

"Pagsinaktan ka pa niya, ewan ko nalang. Isang pasa pa Karylle at hindi ako magdadalawang isip na ipakulong yang asawa mo. Im not kidding" Vhong said bago pa man tuluyang maisirado ni Karylle ang pintuan.

Naiwan namang napailing ang magkakaibigan. They want to help K out pero kung ayaw niyang magpatulong, wala na silang magagawa pa kundi ang suportahan ito.  

//

A huge trade launch event was held in which the whole showtime family were invited, kasama ang mga partners nito, which includes Vice.

During dinner ay sama-sama ang grupo ng showtime sa iisang table, Vice sat beside Karylle. Karylle can already feel the tension building up because of how Vhong, Anne and Billy stare at her husband but because of the media surrounding them, they all have to act as if there's nothing going on between them. 

"Guys, try niyo yung steak nila dito. Masarap" K tried open up a topic to atleast lessen the heat

"Yes it is"

"Totoo"

"I like it slow cooked"

"Mine is tender. Very juicy"

"Medium rare!"

We'll that didn't turned out well dahil hindi naman natigil ang pagtitig nila Anne but instead ay yung ibang partners ang nagside comment sa statement niya. Ano ba yan ☹

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now