Cut

1.4K 32 3
                                    

[A/N: Magulong timeframe ahead! Pati ako naguluhan hahaha pasensya madalian lang. Enjoy!]

Hindi ko alam kung paano, kung bakit at kailan...

Kung paano tayo pinagtagpo ng mapaglarong tadhana..

Kung bakit nahulog ang binabae kong puso sayo

At kung kailan.. hanggang kailan kita makakasama? 

You held my hand and stare at me like it was the very first time we've met. Like the first few months we've been together.. It was the longest stare that you did after a really long time.

Alam kong wala na tayo.. meron nga bang tayo?

Hindi ko na napigilan ang mapangiti. Hindi na mapigilan ng puso ko ang saya dahil pagkatapos ng mahabang panahong pag-iwas mo sa akin ay nakasama kita ulit. Para akong batang nakatitig lang sa maamo at maganda mong mukha. 

Dahan-dahan kang gumalaw at hinawakan ang pisngi ko. Napaigtad pa ako dahil masyado nang foreign sa akin ang mainit mong kamay dahil sa tagal noong huli. Napapikit ako at kasabay no'n ay ang tanong na nabuo sa isipan ko

Anong nangyari sa atin?

I smiled bitterly

Kahit pala mahal kita ng sobra, hindi kita mapipilit na mahalin ako pabalik. Hindi sapat ang pagmamahal ko sayo para maging tayo hanggang sa huli

Its been 2 years since the day you decided na naiwasan ako. Pero para sa akin, parang kahapon lang 'yon. The pain is still there.. hanggang ngayon ramdam na ramdam ko parin

"Vice, alam mo bang masaya akong makita ka ulit" napadilat ako nang marinig ko siyang magsalita. Pinisil mo pa ang kamay ko kaya halos mapaluhod ako dahil labis akong nanghina

"Ako rin.." sagot ko habang lumuluha. Marami akong gustong sabihin sayo, ikwento.. pero pakiramdam ko hindi itoang tamang oras para dun

Imbes na magsalita ka ay niyakap mo ako nang mahigpit na mahigpit. Halos hindi ko na maramdaman ang tuhod kong labis na nangangatog. 

Dahan-dahang gumapang ang kamay ko papunta sa katawan mo. To hug you back and feel you again. Pagkatapos ng ilang segundo ay hinarap mo na ulit ako

"Im sorry. I promise to love you like I wish I did.. I promise not to hurt you again" pumatak na ang mga luha ko. Nakita ko rin ang pangingilid ng sa'yo

"Mahal na mahal kita, Karylle. Tandaan mo yan" gumagaralgal ang boses ko ng sabihin ko ng mga salitang yun. Its been so long kaya hindi ko na napigilang mapahagulgol

Karylle

"Oh tama na. Don't cry.. Im not gonna leave you again" ngumiti ka kaya hindi ko na napigilang yakapin ka ulit ng napakahigpit. Gustong-gusto kitang ikulong sa bisig ko. Hindi ko na kayang mawalay sayo ulit

I missed those smile. I miss you so much. 

"Wag mo na akong iwan please. Ayoko nang maiwan ulit.. hindi ko na kakayanin. Please.. " bulong kong nagmamakaawa

"Hinding-hindi na.." kumislap ang luhang bumaba sa mukha mo kaya agad ko itong pinunasan. Nilukob ng saya ang puso ko dahil sa narinig

I slowly reach for her lips

After 2 years, I kissed her again

I kissed the love of my life

It was a bittersweet kiss

I can hear a sweet melody in the background while we were enjoying this wonderful moment. I can feel the butterflies in my stomach. Pakiramdam ko ay bumagal ang oras sa halik na yon

"Cut!" malakas na sigaw ng direktor sa hindi kalayuan

Agad siyang humiwalay sa akin. She didn't even looked at me. Napangiwi ang labi ko habang nanatili paring nakatayo sa pwesto ko. 

Iniwan mo nanaman ako

I wiped the tears on my face and stare at your back. Para sa akin ikaw ang destiny ko, Karylle. Pinagtagpo tayo ng mapaglarong tadhana..

//

And the Best Actor for MMFF 2013 is.. Vice Ganda!!!

"Naloka ang beauty ko sa Best Actor! Its not my first time to receive this kind of award pero kinakabahan ako ng sobra. Halos dumulas na nga tong mikropono dahil sa pasmado kong kamay!" saad niya na nakatanggap naman ng tawanan mula sa audience "Gusto kong magthank you sa Panginoon dahil sa mga biyayang patuloy niyang binibigay sa akin. To my Showtime and GGV family.. sa pamilya ko especially. And to my team Vice, Little Ponies, VGPC.. sa mga Vicerylle Babies namin! At para sa nanay ng napakarami kong anak.. I don't know what happened, wala ako ideya pero naiintindihan kita. Kung nasaan ka man ngayon, gusto kong malaman mong nandito lang ako, naghihintay. Para sayo to. I miss you"

//

Its been a year. After ng taping para sa MMFF entry namin together, ay hindi ko na siya muling nakita. She left without saying a word again pero hanggang dito nalang siguro ang paghihintay ko..

Headline: Karylle and Yael Yuzon to be wed a day before K's birthday this year

Napayuko ako at kasabay nun ay ang pagbabagsakan ng mga luha ko. Hanggang dito nalang talaga ako. Pinagtagpo lang tayo, pero hindi itinadhana

End.

[Pahabol chappy para sa motmot! Happy monthsary Vicerylle!!! I don't have twitter na kaya dito ko nalang kayo babatiin 😅 love you all ❤]  -06.14.18

💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛
VOTE. COMMENT. SHARE.

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now