Stars

1.5K 39 8
                                    

[Warning: Not your typical vicerylle(?) story. Inspired by alyloony's Nine stars]

Sabi nila, pag nagbilang ka raw ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi at sinabi mo ang wish mo sa huling araw, matutupad daw ito. I don't usually believe in such things kasi paano naman maco-control ng pagbibilang ng stars ang buhay natin? but there's no harm in trying naman diba? 

I didn't saw myself falling for someone too hard to the point na magiging desperado ako. Kaya ito ako ngayon, nagbibilang ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi. Wala namang mawawala kung susubukan ko diba?

"One.. two.. three.. four.. five.. six.. seven.. eight.. nine" I sighed as I closed my eyes nang matapos na ako sa pagbibilang. Night 1 done, 9 nights to go at matutupad na ang wish ko.

"The fault in our stars? nanaman?" agad akong napadilat at laking gulat ko nang makita ang lalaking nakasuot ng jacket at naka jogging pants may habang hawak hawak na tray. 

"V-vice, ikaw pala!" eto na naman ang puso ko, halos matunaw ng dahil sa ngiti niya

Siya si Jose Marie Viceral, ang lalaking dahilan ng pagbibilang ko ng siyam na bituin. I first saw him dito sa coffee shop and guess what? Yep, love at first sight. Nakasanayan ko na ang pagtambay sa balcony ng coffee shop upang magpahangin habang humihigop ng hot choco at nagbabasa ng libro right after eating my dinner at katulad ko, madalas din pumunta si Vice sa coffee shop na ito.

Hindi naman talaga kami close but it all started nung minsang punuan ang coffee shop at wala na siyang maupuan kaya sa akin siya naki-share ng table since mag-isa lang naman ako. Since then, our friendship started at parati ko na siyang nakakasama gabi-gabi dito mismo sa pwestong ito 

"Karylle?" nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko

"Sorry I spaced out.. what was that again?" paumanhin ko at patay malisyang binawi ang aking kamay na hawak niya dahil baka biglang sumabog ang puso ko pag nagtagal

 "Sabi ko binabasa mo na naman yang librong yan"

Nginitian ko siya "Oo naman paborito ko eh!" 

"Hula ko nasa bente mo na yang inuulit-ulit" pagak siyang tumawa 

Pinanood ko lang siya habang tumatawa. Ang ganda naman talaga sa tenga ng tawa ng lalaking ito. Sino nga ba ang hindi maiinlove sa kanya? 

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya sa akin kaya naman medyo natauhan ako 

"A-ah wala naman. Bakit?"

Nginitian niya ako "Wala lang grabe ka kasing makatitig sa akin eh. Bakit nagiging kamukha ko na ba si Augustus Waters?" natatawa-tawa niyang tanong

"Hindi ka pwedeng maging Augustus Waters kung hindi ka pa nakakahanap ng iyong Hazel Grace" pagbibiro ko sa kanya

"Paano ka naman nakakasiguradong wala pang Hazel Grace na dumating sa buhay ko?"

"Bakit meron na ba?" pabiro kong tanong sa kanya pero deep inside ay kinakabahan ako

"Oo naman!" sagot niya

"W-wow! S-sino? Ikaw ha! Di ka nagkukwento" pangaasar ko sa kanya

"Gusto mo talaga malaman kung sino ang Hazel Grace ng buhay ko?"

"Sino ba?"

Binigyan niya ako ng isang ngiti. Tinitigan niya ako sa mata habang unti-unting inilalapit ang mukha niya sa akin. Halos hindi na ako humihinga because of anticipation. Naramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko kasabay ng pagbulong niya

ALL IN: Vicerylle || OneshotsWhere stories live. Discover now